Chapter 30
Light
"What are you doing here?" naguguluhan kong tanong.
Pinagmasdan ko ang kanyang suot. He is wearing a dark, gray-ish sleek, coordinated suit.
Bumuntonghininga siya. "I'm... I'm actually your date for tonight."
Nagtagpo ang kilay ko. Napasulyap ako sa paligid at umastang naghahanap kay Tom Cruz maski alam ko namang hindi na siya sisipot pa.
"I don't understand. Iba ang ka-date ko. He's... He won the bidding." Gulong-gulo na ako sa nangyayari.
"It was me," pag-amin niya. "Inutusan ko lang siya."
"What?!" I gasped and stood up. Now we are face to face. Unti-unti nang napagtanto ang nangyari. Ang pagbi-bid noong payat na lalaki habang may hawak siyang cellphone sa isang kamay. Malamang si Lake ang kausap nito.
"I didn't mean to come here for I know how you'd react," bigo niyang sinabi sabay iwas ng tingin. "Kaya...Kaya ko nga rin sinabi kay Tom Cruz na tawagan ka para umatras. But you...you insisted so I..."
"I asked Tom to come here! Not you," mariin kong pahayag.
"Alam ko," maamo niyang sinabi.
"Why would you... Why would you spend a million on me?!" pagalit kong pagkakasabi.
"Why not?" tugon naman niya at tiningnan na ako sa mga mata. His stare is like begging to be understood.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ito sa tatlong lalaki na huminto na sa pagpapatugtog ng kanilang violin. Ngayon ay nakaawang ang labi na silang nanonood sa amin ni Lake. Nang marahil makita ang matalim kong tingin ay madali silang napaatras at iniwan kami ni Lake.
"Puwede akong umalis...kung gusto mo," aniya sa mahinang boses paglipas ng ilang segundong pagiging tahimik naming dalawa.
"You paid for this. You paid for me," miserable kong paalala sa kanya sabay sulyap sa mesa.
"Ayaw ko lang naman na mapilitan kang gawin ang isang bagay na ayaw mo."
I laughed bitterly. "Isn't it too late for that?" Nagmamakaawa ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin, Lake?"
Ito na ang komprontasyon na tinatanong ni Alec sa akin sa mga nagdaang araw. Wala na yatang atrasan pa rito.
"Gusto lang naman kitang kumustahin," paos na bulong niya.
"I'm fine. I'm good. I'm happy with my life now. Okay na?" sarkastikong sabi ko.
"Jean..."
"Don't call me that!" inis kong pagbabanta. May kirot sa puso ko. "Hindi na ako si Jean. Iba na ang buhay ko ngayon."
He licked his lower lip. Nangungusap ang kanyang mga mata.
"Alam ko. Tanggap ko," paos na bulong niya at pagkatapos ay bigong napayuko.
"And?" I begged, willing him to look at me in the eyes. "What do you want from me? What do you want from this new Jean?"
BINABASA MO ANG
The Accused Mistress
Dragoste(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nil...
