Chapter 26
Customer
I could feel his eyes on me. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin hanggang sa marating ko ang sasakyan. Kinalma ko ang sarili at binuksan na ang pinto ng kotse. Pumasok na ako sa loob at inilapag ang paper bag na naglalaman ng beans na iniabot ng supplier kanina.
Sinulyapan ko si Lake na hindi pa rin umaalis sa kanyang puwesto. Salamat na lang at tinted ang sasakyan ko kaya hindi niya nakikita ang pagmamasid ko pabalik sa kanya.
He is wearing a blue tailored suit. Sa kanyang porma ay halatang papunta pa sa trabaho. What is he doing here? Dapat nasa korte siya at wala rito sa lugar ko!
Inis at kabado kong binuhay ang makina ng sasakyan. Masyadong makapit ang pagkakahawak ko sa manibela. Pinaandar ko na ito at natanaw pa rin sa rearview mirror ang pananatili niya sa puwesto. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil sa takot na sundan niya ako.
Saka pa lamang ako napanatag nang makalayo-layo na at natatanaw na ang café. Sinadya kong hindi iparada ang sasakyan malapit sa cafe at baka matunton niya pa ang pinagtatrabahuhan ko kung sakaling nakasunod man siya sa akin. Nang maiparada na ang sasakyan sa tapat ng isang old chinese restaurant ay lumabas na ako. Luminga muna ako upang siguraduhin na wala ang sasakyan niya.
Siyam na minuto ang inilakad ko marating lang ang café. Binuksan ko kaagad ang pinto nito at natataranta nang naglakad papasok. Hindi ko na nga napuna pa ang pagiging abala ng mga empleyado dahil sa nagsisidatingan na customers. Dumeretso ako sa back room at pumasok sa loob ng opisina. Doon ako nagtago ng halos isang oras.
"My offer still stands," si Alec na ka-video call ko kanina pa. Nasa labas na naman yata siya dahil sa nakikita kong mga puno sa kanyang likuran. "Let's run away, go to Iceland, and live as nomads."
"No, thank you." Umirap ako at napahilot sa sentido. Hindi na muna ako lumabas ng opisina at tinawagan siya pero parang nagsisisi na ako sa ginawa dahil mukhang aalaskahin niya na naman ako.
"We can live in an igloo then." Ngumisi siya at mas sumingkit lang ang kanyang mga mata. I can see now why women fall for his charms.
Kinagat ko ang ibabang labi at inignora ang kanina pa niyang pagbibiro. Ginawaran ko siya ng seryosong tingin.
"Sa tingin mo ba matutunton niya talaga ako rito?"
"Kung matalino nga talaga siya gaya ng sabi nila." Nagkamot siya sa bandang leeg at may tinanaw sa ibaba. Nahihilo na rin ako dahil sa paglalakad niya.
"I'm pretty sure Attorney Mendez is not an idiot, Angel. Ngayon na alam na niyang nasa San Luis ka, sigurado ako na hahanapin ka talaga niya."
Nakarinig ako ng tunog ng umaagos na tubig sa linya niya. Mas itinutok ko ang naniningkit ng mga mata sa video niya. Na para bang kapag ginawa ito ay makikita ko kung nasaan siya.
"Where the hell are you?"
"Now the question is," pagpapatuloy niya at hindi pinansin ang tanong ko, "what are you gonna do about it?"
Natahimik ako sa tanong niya at napaisip ng isasagot. Batid ko ang pag-angat niya sa hawak na cellphone dahil ngayon ay kita ko na ang buo niyang katawan. Pati na rin ang rumaragasang talon sa bandang likuran niya.
BINABASA MO ANG
The Accused Mistress
Romance(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nil...