Chapter 1

74.1K 1.2K 145
                                        

Chapter 1

Love Letter

I like you.

No. Scratch that. I think I am in love with you, Sir.

I know that it is a bold move of me to admit. But then I realized that just like what Swami Vivekananda says, 'All love is expansion, all selfishness is contraction. Love is therefore the only law of life. He who loves lives, he who is selfish is dying. Therefore love for love's sake, because it is the only law of life, just as you breathe to live.'

Kaya naman, Sir mahalin mo na ako para tumagal ang buhay mo—

Nahinto ako sa pagsusulat nang kunin ng matalik kong kaibigan na si Hope ang bondpaper na sinusulatan ko.

Malaki ang kanyang ngisi habang mabilisang binabasa ang nakasulat dito.

"Ang taray, JC!  Love letter ba 'to o death threat? Aamin ka na sa kanya? Ginamit mo pa talaga ang law kemerut huh!"

Pinandilatan ko siya sabay hablot sa bondpaper na nasa kamay niya. Nang mapasulyap sa librarian na nasa may hindi kalayuan lang sa mesa namin ay nakita ko ang pagpukol nito ng masamang tingin sa banda namin.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo!" bulong ko sabay ipit ng bondpaper sa loob ng folder, "Mamaya nito mapalabas na naman tayo ng librarian eh."

Umusog siya sa kinauupuan ko at tuluyan ng tumabi sa akin. Hindi matanggal ang kanyang ngisi.

"So ano nga? Aaminin mo na sa ultimate crush mo iyang feelings mo?"

"Hindi 'no!" agaran na pagtanggi ko. "Isinulat ko lang naman ang nararamdaman ko sa kanya para hindi tuluyang mabaliw sa pagkimkim nito."

Umasim ang mukha niya at parang dismayado pang umiling.

"Ay, napaka-hopeless case mo talaga."

"Ayaw ko lang na ma-reject. You know I don't like rejections."

"Kaya ba feeling mo na kapag nag-confess ka kay Sir Mendez, magiging tulad ka na sa ibang mga babae na ni-reject niya?"

Hindi ako kumibo at nagbuklat na lamang ng isang makapal na libro na nakalapag lang sa mesa. Oo. Tama nga ang kaibigan ko. Natatakot ako na ma-reject niya. Sino ba naman ang hindi?

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat sa buong university na masyadong prangka ang pinakabatang lalaking guro nito. Marami akong naririnig na mga balita tungkol sa mga babaeng nagkakagusto at umaamin sa kanya, mapa-estudyante man o parte ng faculty, lahat sila rejected.

Nasa first year college palang ako nang pumasok siya sa unibersidad upang magturo. At ngayon na nasa second year na ako, wala pa ring nakakaalam sa totoong background niya. Ang alam lang namin ay nanggaling siya sa law school.

Cold. If I were to describe my ultimate crush in one word, that would be it. Lake Jacobe Y. Mendez is as cold as ice. He is intimidating. He is unreachable. Ang layo niya pa rin sa akin kahit na nasa harapan ko na siya at nagpapaliwanag.

"...John Finnis even argues that the common good of political society does not itself instantiate a basic human good; that is not in particular, the object of a natural inclination, as to something intrinsically good..."

"Basta sa'yo magiging good ako," sagana sa panaginip kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan siya.

Napaimpit ako ng hiyaw dahil sa mahinang pagsipa sa upuan ko ng nakaupo sa likod kong si Hope. Naiinis ko siyang nilingon.

"Landi," kibot ng mga labi niya. Narinig niya pala ako kanina.

Inignora ko ang sinabi niya at ipinagpatuloy ang masayang pagmamasid kay Sir Mendez. Nakasuot siya ng kulay blue na long sleeve at black pants. Talaga namang napaka-pormal at sobrang talino niyang tingnan. Sa kanyang likuran ay ang PowerPoint presentation ng itinuturo niya kanina pa.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon