Chapter 25

43.1K 869 47
                                        


Chapter 25

The Encounter

"Why are you asking me that?" Mataray na nagtaas ng isang kilay si Lyn kay Ate Jelay. "Next time, don't ask me those kind of questions, all right?"

Lihim akong napangiti at nagpatuloy na sa paglalakad malapit sa counter.

"Ang galing ng pangongopya mo sa'kin, Lyn ha!" sabi ko at peke siyang tinaasan ng isang kilay.

Madali siyang napaayos ng pagtayo at pinulot na ang mop samantalang ang kaharap naman niya kanina na si Ate Jelay ay nagpatuloy na sa mabilisang pagpupunas ng mesa.

"Hehe. K-Katuwaan lang po, Ma'am..."

Nakangiti akong naiiling na lang. Huminto sa pagma-mop si Lyn at nakapameywang pa niya akong hinarap.

"Pero, Ma'am, grabe! Sobrang istrikto niyo po talaga dati!"

"Bakit? Istrikto pa rin naman ako hanggang ngayon, ah." Kinuha ko ang menu card at inilagay sa ibaba ng counter upang mailigpit.

"Pero 'di na po kasing-istrikto gaya ng dati! Medyo chill na po kayo... nga lang secretive pa rin." Ngumiwi siya.

"I guess I've... changed." Inignora ko ang huli niyang sinabi. Nagkibit-ako ng balikat sabay sulyap sa may pintuan. "Hindi na yata tutuloy sa pag-apply 'yon."

" 'Yong bagong waitress, Ma'am Caitlyn?" si Ate Jelay na tapos na sa kanyang ginagawa at ngayon ay nakaupo na lang.

Tumango ako. "Baka nagbago ang isip. Or may be she found another job."

Naupo na rin si Lyn sa tabi ni Ate Jelay.

"Ma'am, close po ba kayo ng may-ari nitong café?" pang-uusisa niya. "Nabanggit niyo sa'min dati na lalaki ang may-ari nito. O baka naman kayo po talaga ang may-ari, pa-humble lang!"

Naglakbay ang isipan ko kay Alec.

"Trabahante lang din ako rito, Lyn gaya niyo," matipid kong sagot. Muli kong sinulyapan ang pintuan. "Hindi na siguro talaga dadating 'yon. Mauuna na ako sa inyo kasi may dadaanan pa ako."

Tiningnan ko si Ate Jelay. "Kayo na po ang bahalang magsara ng café, Ate."

"Sige po," awtomatikong sagot niya.

Iniwan ko silang dalawa at bumalik ako sa loob ng opisina para kunin ang mga gamit. Matapos maisara ang pinto ay lumabas na ako ng café at dumeretso sa nakaparadang sasakyan.

Dumaan ako sa isang convenience store para bumili ng tissue dahil naubusan na sa bahay. Pagpasok sa loob ay nagtungo na ako sa shelves nito. Wala akong napansin na tao sa loob at mukhang walang ibang customer maliban sa akin. Tanging ang nag-iisang binatilyong cashier lang din ang naroon.

Kumuha na ako ng limang tissue roll at dumeretso na sa counter para magbayad. Nang malaman ang halaga ng babayaran ay dinukot ko ang itinuping isang libo sa loob ng suot na jeans at inilahad ito sa cashier.

Napakislot siya ng mata nang makita ang iniaabot ko.

"Wala po ba kayong mas maliit na halaga diyan? Wala po kasing gaanong customers ngayong araw eh."

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon