Chapter 36
Embrace
Isinuklay ko patalikod ang nakalugay na buhok gamit ang mga daliri upang maayos ang sarili. Binuhay ko ang makina ng sasakyan para makaalis na sa parking lot. Hinawakan ko ang manibela at bahagyang inikot sabay lingon sa likod upang makaatras.
Aksidente kong naitabig ang brake nang tumambad sa paningin ko si Lake kasama si Hope at ang bata. Sa taranta ko na rin ay wala sa sarili kong marahas na naabante ang kotse, mabuti na lang at naagapan ko kaagad sa paghawak ng brake. Napapikit ako sa sinapit na muntikang aksidente.
"Tangina! Gago 'to, ah!" Dinig kong bulyaw ng boses ng isang lalaki sa harapan ng sasakyan.
Dumilat ako at nabahiran ng kaba ang emosyon sa pag-aakalang nabunggo ko siya. Mabilis kong tinanggal ang suot na seatbelt at lumabas na ng sasakyan.
Hinarap ko siya at bahagyang nabunutan ng tinik dahil nakitang maayos naman siyang nakatayo lang. Puno naman ng galit ang kanyang mga mata at inis na tinampal ang harapan ng kotse ko.
"P-Pasensiya na po!" paghingi ko ng paumanhin. "O-Okay lang po ba kayo?"
"Muntik mo na akong mabundol. Tumingin-tingin ka rin sa harapan!" pangangaral niya at pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad paalis.
"Sorry po... Sorry po talaga." Yumuko ako bilang pagpapakumbaba na rin. May kasalanan naman talaga ako.
"JC..." si Hope.
Napaigtad ako at nanlamig. Hindi ako nag-angat ng tingin habang mabilis na nilalapitan ang sasakyan. Agaran kong binuksan ang pinto nito at pumasok na sa loob.
Sa pagmamadali ko ay hindi ko na isinuot ang seatbelt at mabilis na lamang na pinaandar ang sasakyan.
"JC!" Dinig kong muli niyang pagtawag ngunit huli na dahil nakalabas na ako ng parking lot.
Nang nasa kalsada na sakay ng kotse ay nagtagis ang bagang ko. Tumalim ang tingin ko sa daan habang inaalala ang nangyari kanina. Mistulang may isang pumitik sa sulok ng isipan ko. Marahas kong itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada at huminto. Everything hit me.
Bakit ako umalis? Bakit na naman ako tumatakbo? Bakit ba hinahayaan ko na naman na hatakin ako ng nakaraan? Tatakasan ko na naman ba ulit ang problema? Wala akong ginagawang kasalanan kaya bakit ako umiiwas?
Halos magsugat na ang mga labi ko dahil sa labis na pagkagat ko rito. Uminit ang pakiramdam ko dahil sa pag-apaw ng matinding emosyon. Hinigpitan ko ang pagkakapit sa manibela at marahas na iniliko ang sasakyan pabalik sa iniwang deriksiyon.
I know I am driving too fast. Wala na akong pake. Hindi ko na marinig ang tumatakbo sa utak ko dahil nasapawan ito ng malakas na pagkabog sa dibdib ko. Haharapin ko si Hope. I will speak my side once and for all.
Binalikan ko ang iniwanang parking lot. Mas naging desidido lang ako nang makita na nakatayo pa rito sina Lake at Hope na tila ba may pinagtatalunan. My tires loudly screeched after I sharply hit on the pedal. Inihinto ko ang kotse at lumabas mula rito. Kitang-kita ko ang sabay nilang pagtingin sa deriksiyon ko.
Buo na ang loob at tapang ay sumugod ako at naglakad palapit sa kanila. Ang tanging sandata ko lang ay ang katotohanan.
"Jean..." balisang untag ni Lake.
BINABASA MO ANG
The Accused Mistress
Romance(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nil...
