DAYO 3

2.9K 147 20
                                    

"Kailangan mong magpalit bago ka makitang gan'yan ang suot, alam kong sa mga oras na 'to alam nilang may nakapasok na sa dimension," nag-alalang sabi ni Reechil.

"Sige na Ate" pamimilit naman ng bata habang tinulaktulak ako papunta sa kwarto nila, wala akong nagawa kun'di ang magbihis. Napabuntonghininga ako habang tiningnan ang damit ko. Sigh, Lord God anong klaseng damit ba 'to para akong Nanay. Wahh~ bat ang haba~ kasi.

Nag-aalangan pa akong lumabas ng kwarto, agad kong nakita si Reechil kasama si-di ko pa nga pala kilala yung bata. Nakalimutan ko ang panagalan niya, pareho silang nakangiting lumapit sakin.

"Kukupkopin kita." Nagulat pa ako sa sinabi nya, the hell may problema na ata pandinig ko.

"Pero ito ang tandaan mo, binibini. Wag kang gagawa ng kilos ng nakakapagtaka, kung maari ay wag kang magsasalita ng ibang lenggwahe, wag mong ipapahalatang ikay dayo sa dimensyong ito," babala pa n'ya natatakot ako sa lalim ng tingin n'ya, para bang nakikita niya ang kaluluwa ko.

"B-bakit po ba?" nauutal kong tanong

"Kung may makakaalam na ika'y dayo, pasensya na ngunit 'di kita matutulungan sa kung ano ang susunod na mangyayari. Walang makakapigil sa batas ng Emperor." Nagtataka na talaga ako sayo Ginang Reechil at saka may Emperor dito? Aba matinde!

'Maganda naman ako ehh pwede na siguro akong maging kabet edi yayaman na ako' [Malandi side]

'Gaga! kailangan mong bigyan ng anak ang Emperor,' [Mataray side]

'Che! Tumahimik nga kayo hindi pang kabet beauty ko,' [Malandi side]

Sigh nag-aaway na naman ang mga perteng iyon. I shake my head just to wake myself up.

"B-batas? Anong batas?" Kinakabahan ako ehh kasi naman 'yong mg expression nila ehh

"Paparusahan kung sino man ang maligaw sa dimensiong 'to" Napasinghap naman ako sa nadinig ko, unti-unti akong napatakip sa bibig ko. The heck! Hindi ko sinasadyang mapunta dito! 'Di nga ako namatay sa kamay ng mga lalaking 'yon o 'di kaya sa pagtalon ko sa bangin pero dito?

Lord naman, wag naman gano'n. Promise magbabagong buhay na ako, magpapakabait na ako, promise huhu.

"Paparusahan? Pero 'di ko sinasadyang mapunta dito!" Naiiyak na sigaw ko nanlaki naman ang mata ni Reechil dahil sa pagsigaw ko.

Gusto ko pa mabuhay ng matagal, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Natataranta naman akong nilapitan ni Reechil.

"Pasensya na, binibini hindi naman kita isusuko sa Emperor ang akin lang ay, gusto ko lang na malaman mo lang bagay na iyon," mahinahong sabi n'ya. Napatango naman ako ng mahina, nilapitan niya ako saka hinagod ang likuran ko. Napayuko naman ako  tapos ay bumuga ng hangin.

"Pasensya na" bulong niya napaangat naman ako ng tingin sa kan'ya. Sobrang lambot ng expresyon niya na para bang isa akong batang umiiyak at humihingi ng kendi.

Pinaupo nya ako sa upuang malapit sakin dumating naman si Diwana, naalala ko na ang pangalan niya may dala siyang isang basong tubig. Tumigil siya sa harapan ko saka niya kinuha ang isa kong kamay at dinikit ang palad ko sa plastic na baso. Hinawakan ko naman iyon.

"Inom ka muna ng tubig ate para kumalma ka," saad niya napangiti naman ako bago tumango.

"H-hindi n'yo naman po ako isusuko 'di ba?" nakayukong tanong ko I gasp when Reechil hold my chin and lifted up my head. Diretso akong nakatingin sa mga mata n'ya, she smile sweetly.

"Oo naman, kailangan mo lang ay magpanggap na anak ko" napatango naman ako madali lang naman 'yan ehh, ang importante 'di ako mamatay 'di ba? 'Yon ang mahalaga.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon