DAYO 31

1.5K 88 5
                                    

"Taga Centro ka ba?" Tanong niya tumango naman ako..

"Oo" tipid na tugon ko

"Ahh kaya pala ganyan ang suot mo" tumatango-tangong saad niya habang nakatingin sa damit ko. Napasimangot ako ng mapansin kong punit na ang nasa bandang tinamaan ng palaso. Wahhhh pinunjt niya ang damit ko, nakakaungkot.

"Taga-centro rin ako noon isa akong bilanggo kaya lang nakatakas ako kaya andito ako" dagdag niya pa doon niyo nahila ang interes ko. Napatingin ulit ako sa kanya.

Napakunot ang noo ko. "Isa kang preso? Eh ano ba kasalanan mo?"

"Ahh sabihin na nating wala akong kasalanan pero kinulong ako kasi hindi daw p'wede ang isang gaya ko sa mundong ito," lumungkot bigla ang boses niya. Hindi ko mapigilang titigan siya. May tan siyang kulay ng balat, tapos ang buhok niya sobrang bagay sa mukha bitaw pero dahil nga naka-side view siya kitang-kitang ko ang matangos niyang ilong. Kung sa dati kong buhay isa na siyang foreigner.

"Hindi p'wede?" Biglang tanong ko napasinghap ako ng bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Shit, ngayon ko lang napansin ang mata niyang kulay icy blue. Napakurap-kurap ako bago naawkward na umiwas ng tingin.

"Isa kasi akong Dayo." Marahas akong napabaling ulit sa kanya. What did he just said? Oh M!

"My god! Totoo?!" Halos pasigaw na tanong ko biglang akong naexcite ng tumango siya. Halo-halong emosyon ang nararamdam ko ngayon, masaya na excited na kinakabahan. Hanggang sa mapansin ko ang sarili kong tumatawa habang nagpapahid ng luha.

Nagpa-panic na rin ang lalaking kaharap ko. "Hey! Stop! What the...why are you crying?" Lumuhod siya sa harapan ko at pinahiran ang luha ko. Wala sa sariling napababa ang tingin ko sa matipunong dibdib niya napapikit naman ako ng mariin para lang pigilan ang sarili ko sa akmang pagbaba pa ng tingin. Oh God, magkakasala pa talaga ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Nagbilang muna ako nang hanggang lima baho binuksan ang mga mata ko, sinalubong naman ako ng mga titig niya. Nakikita ko sa mga mara niyo ang pag-aalala.

"Are you okay?" Tumango naman ako.

Suminghit muna ako baho ngumiti. "Pasensya na"

"Okay lang iyon" magaang tugon niya.

"Masaya lang ako kasi may natira pa palang katulad ko, akala ko napugutan na lahat ng ulo" Napataas naman siya ng kilay habang nagtatakang nakatitig sa'kin.

"What do you mean?" Inirapan ko siya. Ang hina pala nito eh.

Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga. "Im also like you. A dayo" wika ko na ikinalaglag ng panga niya.

"Y-you m-mean...oh god!"

"Really? Totoo ba yang sinasabi mo?"

Tumango-tango ako." Aha! Aha!" Ilang minuto muna niya ako tinitigan na tila ba hindi pa rin makaniwala. I sigh

"Oo nga. Anyway, my name is Amira" pakilala ko

He smiled sweetly. Darn, ang gwapo mg bes. "Aidan, 8 years na ako dito."

"Woah, antagal mo na nga" saad ko.

He nod slowly. "Oo nga eh"

"Ako tatlong buwan pa lang ng napadpad ako dito" saad ko sa mahinang boses

"Buti di ka nahuli ng Emperor malakas ang pang-amoy niya pagdating sa mga katulad natin." Amp akala mo lang yon pero totoo naman sinabi niya.

"Pa'no ka nakatakas?" Umiwas naman ako ng tingin bago nagkibit ng balikat. Madilim na pala sa labas.

"Ayy oo nga pala, kamusta na ang sugat mo?" Napabaling ulit ako kay Aidan bago tiningnan ang saglit ang sugat kong may tali na pulang tela saka binalik ang tingin sa kaharap ko.

"Hindi na masyadong masakit," tugon ko.

"Mabuti. Pasensya na hindi kita napansin kanina" sinserong wika niya.

"Ayos lang, buhay pa naman ako." He chuckled as if like he's so amused to my reply.

"Teka muna ha" lumabas naman siya sa kwarto maya-maya ay pumasok ulit siya na may hawak na wooden made tray tapos sa ibabaw no'n ay tatlong mangkok tapos kutsara. Iniligay niya iyon sa harapan ko para tuloy siyang malaiit na mesa. Tiningnan ko siya sa mata.

"Kumain ka muna, nanghuli na lang ako ng isda hindi ko kasi nahuli ang baboy ramo." Napakurap-kurap naman ako bago ngumiti.

"Ahh salamat dito." Tumango siya saka umupo sa tabi ko.

"You're welcome" tugon naman niya. Naging tahimik kaming dalawa nang magsimula na akong kumain. Nakatanaw siya sa labas. Nagiging awkward na rin ang feeling ko kaya naman binasag ko ang katahimikan.

"Nahulog ka rin ba sa bangin bago ka napunta rito?"

"Hindi sa tulay ako nahulog" doon napatigil ako sa pagkilos. Ha? Naguguluhan ako.

"Bilog ang buwan noon at hinahabol ako ng mga taong kumidnap sa'kin, wala na akong magpipilian ng mga panahong 'yon kundi ang tumalon. Akala ko kataposan ko na pero nagising ako sa isang bilanggoan at nakatakda ng pugutan ng ulo pero nakatakas ako kaya ito ako ngayon"

"Hindi mo ba sinubukang maghanap ng daan pauwi?" Umiling siya ng mahina.

"Wala ng daan palabas" bigla kong nabitawan ang kutsara na hawak ko buti nalang may tray na sasalo.

"T-talaga?"

"Oo, ang sabi ng matandang puno ng kaalaman ay nakatakda na akong mapunta dito-I mean tayo"

I pressed my lips together. "Ilang taon ka ba nang mapunta ka dito?"

"Sampung taong gulang pa ako." Woah, ang bata niyan pa talaga.

"So ibig sabihin 18 years old ka pa?"

"Oo" casual na sagot niya. Tiningnan ko siya sa mula ulo hanggang paa.

"Sigurado ka?"

"Ganito lang ang katawan ko dahil batak ako sa trabaho" napa-ahh naman ako sa tinugon niya at pinagpatuloy na ang pagkain ko. Napatakip naman ako sa bibig ko ng umalpas doon ang isang mahinang dighay. Awkward akong napatingin sa ibang direksyon.

"Akin na, kung tapos ka na" nakangiting wika niya tumango naman ako bago napakagat sa labi.

"Sige, salamat." Kinuha niya ang tray bago lumabas, sinundan ko lang ang likod niya hanggang sa mawala siya.

I sigh before slowly caressing mg shoulder, medyo napaigtad pa ako sa sakit. Sheez, buti hindi ako namatay dahil sa naubusan ako ng dugo. Hayy hindi na nga siguro ako makakaalis sa lugar na ito. Well, wala naman akong naiwan sa Earth but still andoon ang lifestyle na nakasanayan ko tapos papatayin pa ako. Geez, this is harder than I thought.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon