DAYO 7

2.2K 122 5
                                    

Matagal-tagal din bago natapos ang unang pagsusulit, kinakabahan ako para sa result mamaya ehh parang mas kinakabahan pa ako kesa sa mga nagsusulit talaga. Goodness.

"Nasagotan kaya n'ya lahat?" bulong ko kay  Reechil

"Hindi ko alam, ngunit maaring oo" sagot ni Reechil napatango naman ako at napatingin sa gawi ni Diwana. Ito na ang simula na matupad ang iyong pangarap na makapag aral Diwana, sana ay pagbutihan mo. Wala sarili akong napatingin sa Emperor hindi na ako nakaiwas ng nahuli n'ya ang mga mata ko, kagat labi akong umiwas ng tingin nang taasan nya ako ng kilay. Hmp taray ahh.

"Dito ka muna Amira, ahh bibili lang ako ng makakain." Aalis na sana s'ya ng hawakan ko ang kamay n'ya

"Ako na po Ina, mas kelangan ka ni Diwana dito" saad ko

"Ngunit hindi mo kabisado ang lugar na 'to, kaya ako na" sabi n'ya napakamot ako sa ulo

Sino ba nagsabing hindi?

"Oh s'ya sige na, ikaw na bahala kay Diwana" Mahinang tumango nalang ako may magagawa ba ako? Geez. Sumulyap ulit ako sa Emperor, busy s'ya.

'Yiee~ pogi nya talaga'  [Malandi side]
'I agree. Para siyang hulog ng langit.' [Angel side]

"Tss" inis na bulong ko bago ginulo ang buhok. Healthy pa naman 'yong kinakausap mo 'yong sarili di ba? Aish.

Mayamaya ay bigla akong nakaramdam ng mabigat na awra.

Assassins?

Im not sure about it, maybe its the imperial loyal dogs since the Emperor is here. Hindi naman tanga ang Emperor na magdadala lang siya ng mga guards habang nasa labas siya ng palasyo.

"Amira ito ohh, kain ka muna" Napalingon naman ako sa kadadating lang na si Reechil may dala s'yang isang supot ng prutas. Tinanggap ko naman yon

"Salamat po Ina" Nakangiti kong sabi bago nilingon si Diwana.

Hmm base sa mga nakikita kong galaw n'ya dire-diretso lang s'yang nagsulat, gano'n din sila Mae, well I know they are smart kailangan lang talaga nila ng gabay.

Maya-maya ay tumunog yong blowing Tambol tanda na nagtatapos na ang pagsusulit. Mula sa gilid may lumabas dun mga babaeng nakaputi at kinuha ang mga booklet.

"Ina alipin po ba sila?" pabulong kong tanong kay Reechil

"Oo" tipid na sagot nya napa-ahh nalang ako

"Nakapunta ka na po ba sa palasyo?" Naiintriga ako eh hehe

"Hindi pa ngunit matatanaw mo ito mula sa palengke" saad niya hindi ko napansin kanina habang papunta kami dito

"Maganda po ba?" tanong ko

"Oo naman, gawa sa marmol ang palasyo"Marmol? Lalim ahh

Tumunog na naman ang blowing horn at tambol. May kasunod pa?

"May pangalawang bahagi pa?" Dinig kong bulog ni Reechil himig ko ang pagtataka sa bosses nya. Bigla namang umingay ang paligid

"TAHIMIK!" Muntik pa akong mapatalon ng may biglang sumulpot na lalaki sa gitna, nakatalikod sya samin. Yumuko sya sa harapan ng emperor, tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Hindi naman halatang galit sya sa ginto 'no.

May suot syang armour na ginto at may kapang pula, para s'yang mula sa fantasy book. Maya-maya ay humarap sya samin. Whews hindi mo rin maitatangging gwapo din ang isang 'to.

'Ano naman ang ginagawa ni Fireo dito?'
'Masama ang pakiramdam ko sa susunod na mangyayari'

'Yon lang ng pinakamalinaw na nadinig ko sa usapan ng iba. Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha nya. May lila syang buhok ganda naman may nagkukulay ba dito ng buhok gusto ko din magpakulay ehh. Amp nakakainggit. Gwapo naman sya pero mas nagniningning talaga ang kagwapohan ng Emperor. Wala rin akong mabasang emosyon sa mukha ni Fireo, diretso lang ang tingin nya. I smiled sweetly while staring at him. Geez feeling ko nag-heart shapes ang mata ko.

Bat ang gwapo nya? Tapos ang cool ng dating n'ya. On the second thought mas gwapo pala sya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ng napatingin din s'ya sakin OMO as in sa'kin?

Namumula kong pinutol yung titigan namin. Putcha nagkakatitigan na pala kami ng mahigit limang minuto. Napatingin ako sa gawi nila Diwana nagtaka ako dahil hinati sila sa dalawang pangkat.

"Ina bat po sila hinati?" Umiling naman si Reechil nagtaka ako bat yung mayayamang bata nasa kaliwa habang ang hanay nila Diwana ay katapat ng mayayaman

"Hindi ko din alam ba't inihihiwalay ang matataas sa mababababa" Kumunot ang noo ko. Tumunog na naman yung tambol tapos may matandang lalaki na pumunta sa gitna may dala syang scroll.

"Ang pangatlong bahagi ay pagbabasehan dito kung ang mga mabababa ay dapat na mapabilang sa matatataas na ranggo sa paaralan. Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng labanan" Napasinghap ang lahat

"Sapagkat ito ang kauna-unahang pagsusulit na pasado ang lahat ng lumahok, bilang gantimpala ay lahat ay papasok sa pribadong paaralan ng Emperador" Tuloy nya bago nilukot ulit yung papel dinig ko pa ang masasayang reaction ng mga ina mapa mayaman man o mahirap. Nagtataka nga ako ehh bat may mayayaman sa pagsusulit ng Emperor.

"Kinakailangan ng isang kinatawan mula sa hanay ng mababa, kung wala ay isa lang ang kukunin namin sa hanay nila" Agad akong napatingin kay Reechil na ngayon ay malungkot na nakatingin sa'kin. Niyakap ko sya ng mahigpit at binigyan sya ng 'okay-lang-yan' smile bago iginala ang tingin sa iba pang ina tapos ay sa mga bata na nakayuko.

"Wala ba?" Naasar ako sa ngisi ng matandang to ahh

"Ngayo--"

"Ako na"putol ko sa sasabihin nya sana di ako makakapayag 'no na mauuwi lang sa wala ang paghihirap ng mga batang 'to. Napakabulok kasi ng sistema nila

Huh! 'Di porket mahirap gaganitohin nila wala pala silang pinagkaiba sa earth ehh

I step when someone grab my wrist

"ANO?! NABABALIW KA NA BA AMIRA!" Asik ni Reechil ngumiti lang ako bago dahan-dahang hinawi ang kamay nya hindi naman ako nabigo

"Pagkatiwalaan mo ako" sabi ko bago naglakad papunta sa harapan ng mga bata tiningnan ko si Diwana umiling iling sya habang nakatitig sakin. Tatakbo na sana sya papalapit sakin ng pigilan sya ng isang kawal

"HINDI ATE! HINDI!" Nagpupumiglas na sigaw nya napaiwas ako tingin, ayokong makitang umiiyak sya. Nilayo sya ng mga kawal.

"Hays" bulong ko bago tinalian ang buhok ko ng mahigpit buti nalang talaga girls scout ako may dala ako laging pantali sa buhok. May iilang strand pang bumagsak kasi di matalian, tiningnan ko muna ang suot ko medyo maluwag sya kaya maayos ako makakagalaw, saka ako umayos ng tayo at diretsong tiningnan sa mata ang lalaking kanina pa sakin nagmamasid. Tinaasan ko sya ng kilay

Huh! Kahit napopogian ako sayo hindi ako magdadalawang isip na bangasan yang mukha mo noh. Che!

****************★********************

Hope you enjoy reading
Dont forget to comment and vote
THANKIEESS

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon