DAYO 26

1.6K 99 9
                                    

Pagdating ko sa mini arena, nakita ko si Amira. Nakatayo siya sa gitna at walang emosyong makikita sa mukha niya, andami ring dugo sa ibat-ibang parte ng katawan niya.  Pasimple kong sinulyapan si Kuya. Nakatitig siya kay Amira, titig ng pag-aalala.

"Sino ka ba binibini?" Napatingin ulit ako sa gitna. Magkaharap na si Amira at Adlaon doon.

"Oh nais mo palang makilala ang maghahatid sayo sa impyerno," nakangising pang-aasar ni Amira.

"Ang yabang mo naman." Nagkibit-balikat lang si Amira.

"I don't want to be rude, so I am Amira."

"Isa kang maharlika?"

"Hindi," simpleng tugon niya.

Napasulyap sya sa direksyon namin. Hindi ko alam kung kanino siya tumingin samin.

"From?"

"You don't have to know."

"GOOD MORNING EVERYONE. WHERE HERE TO WITNESS THE BATTLE BETWEEN THE CHAMPION ADLAON AND CHALLENGER AMIRA." Naghiyawan ang mga manonood na kapwa ko nobleman. 

Kinakabahan ako sa maaring mangyari at nag-aalala ako para kay Amira.

AMIRA

Tinitigan ko lang ang lalaking kaharap ko. Malaki siyang tao, maitim, at may mahabang buhaghag na buhok. All in all nakakatakot siya. Kami lang ata ang nakalabas sa gubat.

I sigh. I'm doing this for Diwana and ate Reechil. Kasalanan ko kung may mangyayari sa kanila.

Napasulyap ulit ako sa mga tao sa paligid ko. Masayang masaya sila, may iba na nangongolekta ng pusta. They love to see blood.

Napaangat ulit ako ng tingin kay Adlaon, nang maramdaman ko ang titig niya sa kabuuan ko. Napataas ako ng kilay ng dumako na ang tingin niya sa mata ko. 

"Ngayon ko lang napansin ang ganda mo pala." Napairap ako.

"Wala ka bang matinong sasabihin?"

"Meron. Ibig kitang mapangasawa." Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa. Napakaambisyoso pala ng gagong 'to.

"Sige ba 'yon ay kung buhay ka pa."

"WHAT?!" Napalingon ako sa humiyaw. Napakunot ako ng noo.

Uriel?

Kahit ang iba ay napatingin sa kanya. Matalim siyang nakatingin sakin. Tss ano ba problema ng lalaking 'to?

"May connetion kayo ng emperor ng centro?" Mataray kong binalingan si Adlaon.

"Wala ka na ron."

"Bakit naman wala? Eh magiging asa-"

"FUCK! LET'S START THIS NONSENSE BATTLE!" Sigaw na naman ni Uriel. Habol hininga pa siya ng lumingon ako sa direksyon niya at namumula pa ang buong mukha niya. I sigh.

"EXCITED ANG MAHAL NA EMPEROR MULA SA CENTRO, MALAKI SIGURO PUSTA NIYA. ANG TANONG KANINO?" 

"Tumahimik ka tanda, simulan mo na kung ayaw mong ikaw ang simulan kong ipalapa sa mga tigreng alaga ko," naiinis na saad niya. Napasinghap naman ang matanda bago yumuko.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon