DAYO 38

1.3K 77 2
                                    

Pinaningkitan ko lang ng mata ang lalaking ngayon ay eleganteng-elegante kung kumain sa harapan ko. The hell kaya pala pinagbintangan akong may ibang motibo sa pagtulong sa kan'ya.

"Hindi ka mabubusog kung panonoorin mo lang ako," saad niya habang hindi man lang sumusulyap sa'kin, mas lalo pang naningkit ang mata ko.

Maya-maya ay binitawan na niya ang kubyertos tapos ay pinahiran ng table napkin ang labi niya saka siya tumingin sa'kin.

He chuckle softly as he saw my face. "Hey, don't kill me with your stare" kunwari reklamo pa niya napairap na lang ako

"As if namang nakamamatay 'yon" paismid ko pang bulong.

"Tsk"

"Hey, don't click your tongue in front of me when there's someone with us or in front of Dwen, he'll kill you" naiinis na saway niya nasamid naman ako sa sarili kong laway. Grabe talaga ang mundong ito, napakabayolente. Wala man lang bang kulong muna d'yan patayan agad.

Tumikhim ulit ako at tumingin sa mga mata niya at kunwaring hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. "Come again?"

Ako naman ang inirapan niya ngayon. "Hindi ko na kasalanan kung hindi mo narinig."

"What the?"

"Anyway, are you planning to go back into your world?" Napakunot naman ako ng noo bago kumuha ng seresa sa mesa.

"Kahit naman gustuhin ko eh, wala namang paraan," aniko napataas ang isang kilay niya.

"Sino naman nagsabi sa'yo n'yan?" Hindi ko siya sinagot

He sigh."There's a way for you to return home. Pumipili ang buwan galing sa mga iba't-ibang mundo para mapunta sa mundong ito, pero sa huling pagsisiyasat lahat ng Dayo ay wala ng pamilyang natitira sa mundo nila, mga wala nang plano sa mga buhay nila, mga patapon na mga tao, kaya ang sabi-sabi ay sinadya raw iyon ng d'yosa upang magkaroon sila ng dahilan na mabuhay."

Gano'n? Patapon ako? Grabe ahh nakaka-hurt ang diyosang iyon.

"May umuwi na ba?"

Umiling siya"Wala pa. Lahat sila ay natatakot kasi kung ano ang huli mong ginawa mo bago ka napunta 'yon din dapat ang gagawin mo," paliwanag niya.

So, ako kailangan ko pang tumalon sa isang bangin, gano'n? Pa'no naman 'yong mga tumalon sa building, hindi sila makakauwi? Eh wala ka namang makikitang building dito.

"Patawad sa susunod na sasabihin ko ha? Pero sino nga bang baliw ang susubok sa sinasabi mong paraan? Eh parang binibigyan niyo sila ng second death imbes na second life"

" So far wala pa namang baliw na sumubok" kibit balikat na sabi niya

"Sino naman nagsabi sa'yo niyan?"

"Mangkukulam"

"Naniwala ka naman?"

"Yeah, sort of. Pero kung gusto mo, sabihan mo lang ako, agad na'ting ipatawag ang mangkukulam at ikaw ang pinaka-unang baliw na susubok sa ritwal," nagpipigil ngiting aniya my lips twitch while staring at him.

'Goodness pigilan mo yang expresyson mo Amira, Emperor yang kaharap mo," pangaral ko sa sarili ko.

"Marami na bang Dayo na napunta dito?"

He noded. "Yup, mostly is from Elven world."

Woah elven? Nag-eexist ba talaga ang mga gano'ng tao?

"Wala pa naman sigurong napunta na fairy dito 'di ba?"

He chuckle. "Nope it's too exaggerated"

"Eh di ba magkapit-bahay lang naman ang mga elven at fairy?" tanong ko.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon