DAYO 29

1.6K 98 8
                                    

AMIRA

Napatigil ako at napatitig sa maliit na kubo, halatang lumang-luma na dahil sa kulay nito. May mga butas na rin ang bubongan, gawa iyon sa anahao.

Ito na ba ang sinasabi ni Ariana na bahay ng mangkukulam. Hindi naman sa pinagkakatiwalaan ko ang malanding yon, but I'm taking the risk. Kasi may madadamay pang tao kung mananatili ako dito.

I sigh and gather up myself, before taking the step towards the closed door. Tinaas ko ang nakakuyom kong kamao at dalawang besses na tumama sa kahoy, dahilan upan maglilikha iyon ng tunog.

"Tao po!" malakas na tawag ko.

Umatras ako ng biglang bumukas iyon, isang matandang babae, buhaghag ang buhok na nagaagaw ang puti at itim na kulay, tapos may mahabang itim na damit at ang ikinakaba ko lang ay ang kakaibang ngisi sa mga labi niya.

"Ano ang kailangan mo binibini?"

Napakagat ako sa labi ko.

"M-may nakapagsabi po kasi sa akin, na mangkukulam ka po," magalang na sabi ko. Bahagya siyang sumilip sa likoran ko na para bang may hinahanap.

"May kasama ka ba?"

"Wala po," tugon ko. Ngumiti naman siya.

"Pasok ka."

Pumasok naman ako. Isang maliit na mesa ang bumungad sakin tapos may isang nakasaradong pinto akong natanaw. Bigla akong nakaramdam ng mabilis na kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan iyon.

"Isa ka bang dayo?" Napalingon ako at napangat ng tingin kay lola. Tumango ako.

"Opo," tugon ko. Tumango naman siya.

"Kung ganoon ay--" bago pa man niya natapos ang sasabihin ay agad kong pinto.

"Gusto ko na pong umuwi."

"Sigurado ka ba?"

"Opo."

"Ayaw mo ba sa mundo namin?"

"Hindi naman po, para kasing hindi ako nababagay dito."

"Pano mo naman nasabi ang mga 'yan? Hindi ba't pinili ka ng buwan para mapunta sa daigdig namin?" Napakunot naman ako sa noo ko dahil sa tinuran ng matanda. Ano naman ang connect ng buwan sa pagkabuhay ko dito?

"Po?"

Ngumiti naman siya bago tumalikod.

"Ipaghahanda muna kita ng tsaa, kaya dyaan ka muna," sabi niya habang nagkanda kuba-kuba na siya sa paglalakad. Nagtungo siya sa pintong nakasarado, hindi ko masyadong nakita ang mga gamit sa loob.

Matyaga akong naghintay sa kinauupuan ko. Sobrang tagal naman ni lola, isang balde ba ang titimplahin niya? Napatingin ako sa pinto na pinasokan kanina ni lola, nakita ko siya roon na papalabas gaya kanina ay hindi ko malabo pa rin ang pagkakita ko. Maliit lang din kasi ang awang

"Pasensya na, wala na pala akong supply ng tsaa," sabi niya. Tumango lang ako.

"Okay lang po."

Napangiwi pa ako ng pinatong niya sa ibabaw ng mesa ang mga dala niya. Sa tagal niya sa loob ng kusina eh yan lang ang naihanda niya.

"Ito nalang mansanas at saka cookies."

"Salamat po," tugon ko. Ayoko namang magreklamo 'no

"Walang anuman iyon," nawala pa ang mata niya dahil sa laki ng ngiti niya.

Kumuha ako ng isang piraso ng cookies bago kumagat. Masarap naman siya may mga tsokolate kasi akong nalalasahan.

"Ano?masarap ba?"

Napatingin ako sa kanya bago tumango

"Mabuti naman kung gano'n" wika niya.

Nakakalimang piraso na ako ng unti-unting lumabo ang paligid ko. Napapikit ako ng mariin bago binuksan ulit, ganon pa rin ang paningin ko. Tiningnan ko si lola biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita ko ang ngisi niya sa labi.

"Matulog ka ng mahimbing binibini." 'Yon na lang ang narinig ko hanggang sa dumilim ang lahat. Fuck I've been tricked!

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, nong una ay hindi ko pa masyadong maaninag ang paligid. Mariin akong napapikit, napaigik pa ako sa biglang pag siid ng sakit sa ulo ko.  Geez kunting kilos lang naman ang ginawa ko. Unti-unti ko ng minulat ang mata ko, ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang isang malaking mangkok, tapos sa ilalim non ay mga malalaking panggatong tapos may apoy.

"Wahhh girl kakainin ata tayo?"
"Subukan niya lang pagpipira-pirasohin ko talaga ang matandang hukluban na 'yon"
"Jusko patawarin mo po ang kabastosan ng bibig niya."

Napalunok ako. Wahhhh lord tulungan mo po ako. Napalipat ako ng tingin sa pinto ng bigla iyong bumukas. Napasinghap ako ng nakita ko ang matanda ang pumasok, may dala siyang tray na may mga kung anong sangkap sa ibabaw.

Napaatras ako ng nakita ko siyang

"Oh gising ka na pala, binibini"

Napatakbo ako palapit sa kahoy na ginawa niya ng kulungan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba! Pakawalan mo ako, pangit na mangkukulam!" Sinipa sipa ko ang kulongan. Shuta

"Bakit ko naman iyon gagawin?"

"Ayaw mo dito 'di ba? Balita ko baliw na baliw sa iyo ang mahal na emperor. Alam mo bang matagal ko ng pinangarap maging emperatris,"

"Share mo lang?" Napaigtad ako ng bigla siyang humalakhak.

"Syempre ikaw ang magiging tulay upang maisakutuparan iyon," parang baliw na sabi niya.

"Ano?! Baliw ka ba?!" Tumawa lang siya ng tumawa.

Pano niya gagawin 'yon? Ano 'yon ibang version ng snow white ay hindi ni red shoes pala. 

Napatigil siya sa pagha-halo sa mangkok ng may kumatok.

"Tao po!"

Kilala ko ang boses na yan ah!

"Shh tumahimik ka lang ha? Titingnan ko lang kung sinong ang kumatok, magpakabait ka ha? Sundin mo si lola, tandaan masama ang sumaway," saka siya humahahikhik na lumapit sa pinto at binuksan iyon. Geez walang duda baliw nga ang bruhang yon!

Wahhhh! Lagot talaga sakin ang Arianang iyon, gigilitan ko talaga siya ng leeg 'pag nagkita kami.

Dahil sa inis ko ay di ko namamalayang ang kulongan pala ang napagbununtongan ko. Akalain mo nga namang hindi pala matibay na matibay ang kulongan na to.

Mabilis akong tumakbo pala as ng kulungan. Halos masuka ako sa mga nakikita ko sa loob ng mga garapon, jar at botelya. May mga eyeballs, dila, ngipin, daliri at ang mas worst ay yung nasa jar. Lamang loob ng isang tao, utak at may puso din.

Nanlaki ang mata ko ng biglang gumalaw ang isang garapon na may lamang daliri. Yikes! Don't tell me gumalaw iyan.

Lumunok muna ako bago dahan-dahan lumapit, sobrang lakas pa ng kabog ng dibdib ko. Pinakiramdamam ko ng maigi ang paligid. Napahiyaw ako ng biglang may tumalon na itim na daga sa harapan ko.

Wahhh of all animal 'yan pa talaga ang nakita ko?!

***
Sorry sa mga naghintay nasira kasi ang cp ko tapos kakabili lang ng bago kanina, so ayon sorry talaga. Good eve sa lahat hehe

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon