DAYO 12

2K 118 6
                                    

Ng dumating sila reechil bandang hapon na, nagulat sila ng makita nila si Cadmus. Kumaway ako kila reechil

"ATE!" Sigaw ni diwana bago tumatakbo syang lumapit sakin pero napatigil sya pati ang ngiti nya ay unti unting nawala habang nakatingin sa likod ko. Nilingon ko si cadmus tuwid lang syang nakatayo with his stoic face expression. Baka natakot kay cadmus, pagbaling ko kay diwana nasa harapan ko na sya. Hinila nya ako ilang metro lang 

"Ate bakit andito sya?" Nguso nya kay cadmus

"Ahh, bumisita kasi ang emperor kanina tapos, pinasamahan nya muna ako kay cadmus. Dilekado kasi daw na magisa lang ako dito" Kumunot ang noo nya

"Binisita ka ng emperor ate?" Tanong nya

"Oo--hindi baka may pinuntahan lang sya tapos naisipan nyang bisitahin ako" Yeah baka?

"Ganon parin yun ate" Ganon parin ba yun? Parang di naman

"Dito ka muna ahh" Tumango naman si Diwana nilapitan ko si cadmus

"Cadmus pwede ka na umuwi sa palasyo, balikan mo na lamang ako bukas" Yumuko naman sya

"Masusunod binibini" Sabi nya bago naglakad papalabas ng gubat. Hinarap ko si diwana

"Tara pasok muna tayo" Tumango naman sya sabay kaming pumasok nadatnan namin si reechil na nakaupo

Bakit andito ang pansariling kabalyero ng emperor, Amira?" Takang tanong ni reechil

"Binisita sya ng emperor ina" Luhh wala akong sinabi

"Totoo ba yun amira? Kung gayon ay kakaiba na yan" May mapanuksong ngiting sabi pa nya aluhh sya ohh

"Hindi ahh wag nyo pakinggan si Diwana ate, may pinuntahan lang siguro ang emperor tapos nasabi ko din sa kanya kung saan tayo nakatira" Tinitigan nya pa ako like she's reading me

"Oo nga ate yun yun" Natawa pa sya

"Ina wag ka maniniwala sa kanya, binisita talaga sya ng emperor,  sinadya talaga sya--hmm" Tinakpan ko ang bibig ni diwana daldal nya ehh

"Wag ka maniniwala sa kanya ate, nagiilusyon lamang si diwana" Nakangiting sabi ko umiling iling pa si diwana

"Aray" Tangina kelan pa naging aso si diwana, Sakit ng kagat nya ahh

"Patawad ate hehe" Hagikhik pa nya bago tumakbo papasok sa kwarto, napailing ako. Umupo ako sa tapat ni reechil

"Nga pala magpapaalam sana ako" Kumunot naman ang noo nya

"Saan naman ang punta mo?" Tanong nya

"Inimbitahan kasi ako ng emperor para makapareha nya sa piging na dadalohan nya sa susunod na linggo" Nalaglag ang panga nya sa sinabi ko

"Totoo? Kaya ba pinabantayan ka nya kay Ginoong Cadmus?" Nagkibit balikat ako hindi ko alam

"May susundo daw sakin bukas" Sabi ko

"Akala ko ba sa susunod na linggo pa ang dadalohan nyong piging, eh bat bukas ka na susunduin" Napakamot ako ng ulo

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon