DAYO 40

1.1K 64 11
                                    

"Bumaba ka d'yan mahal ko" malambing pang saad ni Arian pero may ngising nakaukit sa mga labi.

"Ano ba wag niyo ko hawakan!"

"FUCK! LET GO OF ME!"  Pagpupumiglas ko pero parang papel lang nila akong hinila at pilit na pinapaluhod sa harapan ng dalawang babae.

Pigil na pigil akong paghahambalusin ang mga pagmumukha nila. Sinamaan ko lang sila ng tingin pero isang mabigat na palad ang biglang dumapo sa kanan kong pisngi dahilan para mapatingin ako sa gilid ko.

"Umayos kang babae ka!" hiyaw ni Ariana. I glared at her.

"So akala mo talaga makakatakas ka, Amira?" pang-uuyam niya pa bago siya natawa ng mahina.

I grit my teeth because of the pain I suddenly felt from my shoulder. Huminga ako ng malalim at saka sila tiningala.

I chuckle."What the hell Arian? Lumayo na nga ako at napagbintangan ng mamamatay tao, hindi mo pa rin ako titigilan? Nakuha mo na okay? Ano pa ba ang kailangan mo?" matapang kong saad napahalakhak naman siya ng pagkalakas-lakas, akala mo wala kami sa gitna ng kakahoyan. Sige lang, tumawa ka lang maengkanto ka sana o di kaya mahipan ng masamang hangin iyang bibig mo tapos di na maitikom.

"Isa lang naman ang kailangan ko Amira, ang mawala ka sa buhay namin ng mahal na Emperor." Yeah right, kung may paraan lang sana, tsk hindi ko naman pinangarap na mamatay sa kamay ng mga taong hindi ko kauri. Oh well, parehas kami mga tao pero daig pa nila 'yong mga kontrabidang nasa sa isang pelikula masyadong madrama, masyadong matapang akala mo kung sino mamatay rin naman.

"Umalis na nga ako doon sa sentro, hindi pa ba ako nawala sa mga buhay niyo sa lagay na 'yon?"

"Hindi pa! Kulang pa! Gusto ko yong maging bangkay ka na!" Nanlilisik matang hiyaw niya. Napakuyom ako ng kamao ayokong patulan sila, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ako mananakit ng tao pero parang mapipilitan ata ako. Hindi ko naman sila papatayin eh, ahm...parang patutulugin lang something like that.

"Akin na ang hinanda kung regalo para sa mahal nating dayo" nakangising utos niya habang nakataas ang palad, may lumapit namang lalaki at may inilapag doong maliit na buti, may lilang likido ito sa loob.

Ano naman 'yan?

"Don't worry you can't feel pain with this liquid. Just in a 3 seconds, whoosh bye-bye" parang baliw pa niyang saad, hindi talaga parang baliw na talaga.

"Hawakan niyo ang babaeng iyan" utos niya ginalawgalaw ko ang nakatali kong kamay, kahit ang paa ko ay mahigpit na tinalian ng mga walang 'ya.

Napasinghap pa ako nang biglang na lang may humila ng buhok ko mula sa likuran, dahilan para mapatingala ako. Agad na dumapo ang tingin ko sa nakangising si Ariana. Tanginang mukha 'yan dinaig pa ang isang kontrabida sa isang nobela.

Napaigik pa ako nang may isang kamay na mahigpit na pumisil sa pisngi ko parang didurigin na ata panga ko,  habang may kamay na ring nakahawak sa dalawa kong balikat upang pigilan ako sa kahit anong kilos na gagawin ko. Shit! Shit! Shit!

Napakuyom ako ng kamao tapos ah  napapikit ng mariin at huminga ng malalim. Nang buksan ko ang mata ko ay nasa harapan ko na si Arian, dahil sa kaba ko ay buong lakas kong inilayo ulo ko sa gulat ng nakahawak sa pisngi ko ay nabitawan niya ako.

"Wait! Before you'll kill me, can I know the reason why you're doing this to me?" Geez I need to buy time.

"Sure, I will consider it as your last dying wish." Wow bait niya, nahiya pa guardian angel niya eh. I smiled kindly

"Okay thanks," sarkastiko ko ring  tugon

"Magkasama kaming lumaki ni Uriel at mula pa noon ay mahal ko na siya, n-nangako siyang papakasalan ako paglumaki na kami, a-ako ang gagawin niyang emperatris pero nagbago ang lahat dahil sa dayong iyon! Inagaw niya sa'kin si Uriel, inagaw niya!" pinahiran niya ang kan'yang luha "I can't get Uriel's heart if you're still here, kasi hahanapin ka rin naman niya saang sulok ka man ng mundo, o saang emperyo ka man mapunta"

"So, sa tingin mo kung papatayin mo ko mamahalin ka na niya, gano'n?"

"Yeah surely, because he has no other choice but to accept me. There is no other perfect to be his empress other than me" she confidently muttered hindi ko naman mapigilang matawa. There's no other perfect for that position daw, pfft she's funny huh.

"What are you laughing at?"

"Oh, because I'm happy? It's my honor to be delivered by her future highness" pambobola ko pa muntik pa akong mapahiyaw sa tuwa nang matanggal ko ang  tali sa kamay ko.

"Let me propose a deal for you, wanna hear it?"

Nag-iisip pa siya sa saglit bago tumango at itinaas ang kan'yang palad. "Sure, go a head"

"Kung ikaw kaya ang magtago sa'kin para malaman mo kung saan ako at mapipigilan mo ang emperor kung pupunta man siya doon"  panghihiyakat ko sa kan'ya.

"What do you think of me, stupid"

"I didn't mean anything" pigil tawang depensa ko.

"Shut up, bitch!" Agad akong napangiwi at napalingon sa ibang direksyon baka bugahan pa ako ng apoy nitong kaharap ko.

"Hawakan niyo na siya!" Gigil na gigil na bulyaw niya. I grin widely bago ko hinila ang kamay na hahawak na sana sa braso ko and twisted his arms letting a loud moan into his mouth. I kicked the back of his hips and push him. I dodged the incoming puch  tapos ay siniko siya sa gilid, malakas iyon kaya dinig na dinig talaga ang pag-crack ng buto niya.

Agad akong napatalon pa atras sakto lang para maiwasan ang isang espada.  Napalingon ako sa direksyon ng isa pang lalaki, nakaposisyon ang blade sa mukha niya habang naka-bend ang kamay niya. Napaatras pa ako nang mabilis siyang tumakbo papalapit sa'kin.

Todo iwas ako hanggang sa natisod ako sa isang ugat at napahiga sa dauhan. Shit! Katangahan! Napatingala ako sa lalaki, nakataas na ang espada niya habang naka ngisi.

"Patawad, trabaho lang" Napapikit ako ng mariin at hinintay ang kataposan ko.

Sorry sa lahat ng mga nasaktan ko, sorry Diwana, Reechil, hindi ko kayo maililigtas. Patawad, at Salamat sa lahat.

Uriel please it's not me! Don't punish them, I'm begging please lord save them.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon