DAYO 30

1.5K 89 7
                                    

THIRD PERSON'S POV

Napaalerto naman so Fireo sa nadinig na tili.

"Hindi ako maaring magkamali, boses  iyon ng Mahal na binibini," sabi no Fireo sa isipan niya. Iginala niya ang tingin sa buong bahay.

"Pasensya na may nakita na naman sigurong kakaiba ang apo ko kaya siya tumili, maiiwan ko muna kayo mga ginoo," mahinang saad ng matanda kahit sa loob nito'y nanginginig siya sa galit. Ayaw na ayaw niya ang hindi siya sinusunod.

Paika-ika siyang pumasok at dumiretso sa kwarto. Wala sa sariling napasinghap ang matanda sa nakita.

"Ang mga potion ko!" Mangiyak-ngiyak nitong hiyaw habang nakatitig sa mga basag-basag na mga bote.

"Nasan na ang babaeng yon, magbabayad siya sa mga ginawa niya," nanggigil na bulong ng matanda.

Napatakip naman ng bibig si Amira na kasalukuyang nasa likod ng isang aparador.

"Lord tulongan mo po ako," tahimik na dasal nito habang nakapikit. Napatigil siya ng may napansin siyang kakaiba sa sahig.

"Lumabas ka na sa pinagtataguan mo, hangal na babae. Magbabayad ka sa ginawa mo" nanlilisik matang sabi ng matanda. Marahas na napatingin ito sa isang aparador dahil sa isang kaluskos. Umukit agad ang isang nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

"Your dead if I'll see you,"

AMIRA'S POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod ako at habol hiningang sumandal sa puno. Doon na lang sumiklab ang takot sa puso ko.  Hell! The bitch! She'll pay for this! Mapapatay ko ang babaeng yon!

'Oh jesus thanks for the help,'

Wala sa sarili akong napasapo sa dibdib ko bago nakangiting isinandal ang ulo ko. Sandali kong ipinikit ang mata ko. Sheez, ba't nga ba di ko naisip na baka dito talaga ako itinadhanang mamatay.

Habang kinakalma ko ang sarili ko ay pinakiramdaman ko naman ang buong paligid agad akong naalerto nang may narining akong kaluskos. Binuksan ko ang mata ko bago umayos ng tayo, huminga muna ako ng malalim bago nagpalinga-linga.

Napaigtad ako ng biglang may lumipad papunta saking palaso na agad ko namang naiwasan. Kunot noo kong sinuyod ng tingin ang buong paligid tapos ay napasinghap at umikot ako para iwasan ulit ang isa pang palaso.

"Hell!" I hissed before start running again. Napapintig ang tainga ko dahil nararamdaman kong nakasunod sila sakin dahil sa tunog ng mga dahon na tumatama sa nga kapatawan nila.

I grit my teeth. "The hell! Ano ba problema ng mga taong 'to"

Hindi ko na alam kung saang parte na ako ng gubat. Para tuloy akong sa bumalik sa scenaryo kung saan humahabol sakin ang grupo ni Gabriel. I sigh before fucosing on my way baka madulas pa ako mahirap na, hanggang sa may nakita akong butas sa isang malaking kahoy na nasunog. Wala akong pakealam kung may ahas ba o kung anong hayop ang naroon sa loob noon basta ang mahalaga makawala ako sa mga humahabol sakin.

I controled my breath as I saw those guys chasing me. Nakahubad na mga lalaki tanging ang kanilang private part lang ang may takip.

Godness gracious, ano ba itong pinasok ko!

Ilang minuto muna ang dumaan bago ako lumabas mula sa pinagtataguan ko. Geez. Sana naman wala na akong makakasalubong na mga what-so-ever ng mga tao. I sigh before taking my step. God, hindi ko na alam kung makalabas pa ba ako sa gubat na 'to.

Umupo muna ako sa ilalim ng isang puno bago sumandal. Sheez mali talagang naniwala ako sa pesteng hitad na 'yon, but half of it kasalanan ko rin naman kasi kumagat ako,  pero--ahh basta kasalanan niyo lahat ito. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na naramdaman na may nagmamasid pala sa'kin at huli na para makaiwas ako sa palaso na pabulusok sa direksyon ko. Tumama iyon sa kanyang balikat ko feeling ko nga tumagos iyon.

"Aww shit! Shit! Shit!" mangiyak-ngiyak na palahaw ko. Tangina parang gusto ko na lang mamatay. Nanginginig kong hinawakan ang palaso habang nakapikit ng mariin at iniinda ang sakit.

"Hala! Hala! Hala! Pasensya na binibini" natatarantang saad ng isang di kilalang lalaki. Pilit kong minulat ang mata ko pero nanlalabo na iyon,  even my throat is slowly drying and breath is getting heavier.

"Maghintay ka muna sandali ha" mga tunog ng tuyong dahon na lamang ang naririnig ko at papalayo iyon ng papalayo. Halos hindi ko na maikilos ang buong katawan ko, shit parang may pamparalisa ata ang palasong ito. God help me.

"Binibini, tiisin mo muna ha hihilahin ko ang palasong bumaon." 'Yon lang ang narinig ko mula sa lalaki tapos non ay naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa shoulder blade ko at isang malakas na dating ang sunod na narinig ko mula sa aking bibig. Parang gusto ko nalang mamatay sa sakit na nararamdaman ko, para bang ilang ulit akong sinaksak. Tangina lang!

"Binibini?"

Halos hindi ko na rin marinig ang boses niya. Patuloy kong nilalabanan ang pagsakop sa'kin ng kadiliman. Oh God, kong hindi man ako magigising na dito ay sana naman patuloy mong bantayan sila Diwana, at Reechil, sali mo na rin si Uriel at Wave, ang mga knight tapos sunod mo pong kunin ay yong bruhang iyon. Mamatay talaga ako mumultuhin ko siya!

"Binibini! Binibini! Binibini! Naririnig mo ba ako!" Dinig kong hiyaw ng lalaki tapos no'n ay naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko bago dumilim ang lahat.

NAGISING ako na may malamig na panyo na nakapatong sa noo ko tapos nakahiga ako sa isang banig at may kumot na rin na napatong hanggang sa ibaba ng dibdib ko. Iginala ko ang tingin ko. Teka asan ba ako? Sapo-sapo ko ang ulo ko bago dahan-dahang bumangon pero agad din akong napaigik at napdaing ng mahina dahil sa kirot ng balikat ko.

"Binibini, gising ka na pala" umangat ang ulo ko saka napanganga dahil sa lalaking nasa harapan ko.

"Oh my God! What the hell are you wearing!" Hindi ko mapigilang masigaw napaigtad naman siya sa gulat. My god

"Ha?" Nakaawang na bibig wika niya.

"Sabi ko ba't wala kang damit?" Mahinahong tanong ko. Hindi namang kailangang ibalandara niya ang magandang katawan niya.

"Eh ano naman masama sa naghubad?" Napailing nalang ako

"Masamang masama alam mo ba yon?"

"Talaga? Eh bakit yong mga makikita kong nakabahag lang hindi naman masama para sa mga kasama niya" inosenteng saad niya. Hindi ko mapagilang mapairap. Aish para siyang bata.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon