Nakatanaw lang ako sa malawak na kakahoyan. Wala sa sariling napabuga ako ng hangin, bilis ng panahon 'di ko namamalayang mahigit dalawang buwan na pala ako dito. Kamakailan lang, hinahabol pa ako ng mga binubog ko, but look at now, sino nga bang magaakala na tatagal ako dito bilang isang dayo. Ang taong inosenteng may sala, ang klase ng taong kasalanan ang mapunta sa mundong ito. I sigh.
"Ohh tulala ka Amira? Sobrang lalim naman ng iniisip mo." Napaangat ako ng ulo, Reechil is standing in front of me, staring at me softly hindi ko maiwasang mahalin ang pamilyang 'to, ang dalawang babaeng tumulong sa'kin, kahit alam nilang madadawit sila pag may nakaalam na tinatago nila ako, na tinatago nila ang isang dayong tulad ko, alam nilang mapapahamak sila but I wouldn't let anyone touch them.
"Ano ba iniiisip mo?" tanong n'ya bago umupo sa tabi ko. Ngumiti lang ako saka tumanaw ulit sa
"Si Diwana at ang pagsabak nga sa pagsusulit bukas," tugon ko habang nakatingin sa malayo. I know makakapasa siya, she's a wise kid after all.
"Handa na kaya s'ya? Sapat na kaya ang naituro ko?" Sunod-sunod na tanong ko, baka kasi kulang. Wala sa sariling napayuko ako at napatitig sa kamay ni Reechil na nakapatong sa ibabaw ng kamay ko bago tumingin ulit sa mga mata niya. Binigyan niya ako ng isang magaang ngiti.
"Handa na s'ya, at alam kong sapat na 'yong natutunan n'ya sa'yo sobra pa nga siguro eh, dahil sa'yo matutupad na ang pangarap n'yang makapag aral. Alam ko ding hindi n'ya babalewalain ang mga paghihirap mo." Napangiti naman ako saka napatango, sa kunting araw na nakasama ko sila, natutunan ko na silang mahalin, sobrang halaga na nila sa'kin.
"Tulog na ba s'ya?" Bigla kong tanong natawa pa sya. Amp, nakakatawa ba 'yong tanong ko?
"Oo hindi na s'ya makapaghintay para bukas,yong batang yon hindi talaga" Natatawa nya pang sabi
"Sasama ka ba bukas?" Aba syempre naman dapat andon ako para moral support.
"Opo" mabilis na sagot ko.
"Unang araw n'yong makapunta bayan bukas." Oh my gulay, I'm so excited first time kung makapalabas bukas
"Sa plaza Ignes gaganapin ang pagsusulit katabi lang no'n ang plaza real" Nakinig lang ako sa sinabi niya
"Maraming tao bukas Amira kaya asahan mong siksikan" paalala pa n'ya.
"Dadalo bukas ang punong konseho, tagaparusa, ang duke, marquess,earl at ang Emperor Uriel." Napakunot ako ng noo
Kyaaahhh emperor my labs [Malandi side]
Tumahimik ka, malandi [Maldita side]"Bata pa ba ang Emperor?" usisa ko agad naman s'yang tumango
"May angking kakaibang kagwapohan ang emperor, makisig, matipuno at matapang. Kinahuhumalingan at kinababaliwan s'ya ng mga binibining tagadito o kahit sa iba't-ibang emperyo, mahirap man o mayaman. Binata pa ang emperor kaya maraming mga mayayaman na nagkakandarapa maikasal lang ang anak nila sa sa mahal na Emperor" mahabang litanya ni Reechil na-curious tuloy ako sa Emperor
"Pero nakakatakot s'ya pagkaharap mo wala kang makikitang bakas ng emosyon sa muka n'ya, na para bang kaya ka n'yang patayin ng walang pagaalinlangan." Napanganga ako sa sunod na sinabi ni Reechil
Patay agad? Di ba pwedeng sugat muna?
REECHIL'S POV
Madaling araw kaming nagising mag-ina para maghanda para sa pagsusulit mamaya sa bayan.
"Mamaya mo na gisingin ate mo" agad kong agap kay Diwana na akmang gigisingin ang mahimbig na natutulog na si Amira. Napaangat naman ng ulo si Diwana bago ngumiti.
"Opo ina" masiglang sagot n'ya ginulo ko nalamang yung buhok nya madalas kong nakikitang ginagawa iyon ni Amira na kasalukuyang natutulog pa rin.
"Ina, pa'no kung hindi ako makapasa, ayoko biguin si ate" himig ko sa tono nya ang lungkot. Niyakap ko naman siya saka hinalikan sa tuktok ng ulo niya.
BINABASA MO ANG
IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)
Romance[NOBLEMEN SERIES #1] (On-going) ****************** AMIRA DI JESUS Isn't ordinary type of girl MATAPANG, MAANGAS, WALANG KINATATAKOTAN, Iyong tipong kayang nyang hamonin ng away ang buong isang baranggayan. BASAGULERA, TAKAW GULO, Paano kung dahil...