DAYO 13

1.9K 109 2
                                    

Napapakamot ulo ako sa paulit ulit na sinasabi ni ate reechil

"Magingat ka dun mga kilos mo, wag ka magpapahalata" Pangsingkwenta na yan

"Relax ate, I mean huminahon ka palagi ko pong aalalahanin ang mga sinabi mo" Nakahawak sa kamay nyang sabi ko napatitig sya sa mata ko sandali saka sya tumango ng nakangiti.

"Umuwi ka dito samin ahh" tumango  ako

"Oo naman ano ka ba naman ate" natatawang sabi ko

"Hihintayin ka namin ni diwana dito" tumango ako

"Opo sige paalam na" 

"Mag iingat kayo"

"Amira" Napapihit ako paharap kay reechil

"Ang mga bilin ko sayo, wag na wag mong kalilimutan" tumango ako

"Opo, Ina. Paalam sa inyo" Bago kumaway ganon din sila

"Paalam Amira" -Reechil
"Paalam ate" - Diwana

Yun ang nadinig ko bago ako nakasampa sa karwahe. Nilingon ko sila na kumakaway parin habang nakatingin sakin, kaya kumaway din ako pabalik hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Ilang minuto lang ang byahe bago kami nakarating sa palasyo. Pinagbuksan ako ng pinto ni cadmus.

"Salamat Cadmus" ngumiti at yumuko lang sya, napanganga ako ng makita kong nasa labas ang mga katulong nasa gitna ang Emperor habang nasa likoran nya si fireo at lighden. Sabay sabay silang yumuko lumapit naman sakin ang emperor. Nagcurtsy muna ako

"Kamahalan"

"Thats better than bowing with me" inosente ko lang syang tiningnan

"Ahm ano ba nangyayari?" Tanong ko habang pasimpleng sumusulyap sa sa mga katulong na nakayuko parin

"Ganito kami magwelcome ng mahalagang bisita" Ewan ko ahh paranoid ba ako or what pero di ko gusto ang ngiti nya. Napatango ako

"Ahh okay"

"Tara" ngumiti at tumango naman ako, pumasok  kami sa palasyo

"Enjoy your stay here in my palace"

"Ito nga pala si krista at krizza mga katulong mo habang nasa palasyo kita" nagcurtsy ulit ako

"Salamat kamahalan" tumango lang sya

"Maiiwan na muna kita" Sabi nya bago umalis tiningnan ko naman ang mga maids

"Ahm ako nga pala si Amira" ngumiti silang dalawa kaya ngumiti din ako

"Tara pasok na po tayo" Sabay bukas ni krizza sa pinto

Spell NGANGA

A-K-O

What the hell, Ang laki naman ng kwartong to. Ang laki din ng kama sa gitna

"Binibini" napatingin ako kay krista

"Tara po kelangan nyo na pong maglinis ng katawan" eh kakaligo ko lang ahh

"Kakaligo ko lang ehh"

"Ngunit yun ang utos ng emperor"

"Ahm sige" pumasok kami sa isang pinto nganga ulit ako, lakilaki din. May malaking bilog sa gitna may mga bulaklak na nakalutang dun, tapos sa ibabaw may mga botelya dun maybe mga shampoo yun.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon