DAYO 39

1.3K 81 16
                                    

Niyakap ko ang aking hita at ipinatong ko ang noo ko aking tuhod, hindi ako mapakali, hindi ako makatulog, pa'no na lang kung biglang dumating sila Uriel at hindi ko siya mapigilan. Naririnig ko rin ang iba't-ibang ingay mula sa labas dahil nakabukas pa rin ang pintuan ng veranda sa kwarto ko. Agad akong napaangat ng ulo dahil may kumatok sa pintuan mabilis akong napatayo at binuksan iyon. Napasinghap ako sa gulat nang makita ko ang isang napakagandang babae, para siyang diyosa na bumaba mula sa Mt. Olympus dahil sa suot niyang puting dress. Napasulyap ako sa noo niya may nakadikit doing bato na kulay pula. Magkagawig din sila ni Wegan, parang pinababaeng version lang ni Wegan.

"Maari ba akong pumasok?" Saglit pa akong natigilan at tinitigan siya ng puno ng pagtataka. Sigh, kan'ya naman itong palasyo kailangan niya pa bang magpaalam sa'kin kung papasok siya

'Of course! Respeto tawag don tanga!" Agad na hiyaw ng atribida kong utak. Binigyan ko naman ng isang ngiti ang hari bago ko nilakihan ang awang ng pinto.

"Opo, pasok ka po" tugon ko Hindi ko naman kung ano ang itatawag ko sa kan'ya. Tumango naman siya sa'kin bago pumasok, sinara ang pinto at umikot, nagulat pa ako dahil nakatayo lang siya at nakatingin sa'kin.

"Maupo ka"

"Salamat pero hindi na"

"Um, maari bang itanong kung sino ka?"

"I am Princess Dina Rochele, sister of King Wegan" Halos lumuwa ang mata ko, agad akong yumuko

"Forgive me, I didn't know you're a princess"

"Wala iyon, nais ko lang makilala at personal na pasalamatan ang babaeng nagligtas sa buhay ng kapatid ko."

"Ah wala iyon"

"Rise your head" itinaas ko naman ang ulo ko sinalubong ako ng mga titig niya.

"Nasa bahay pulungan pa ang Mahal na hari pero nais kong ipaalam sa'yo na umalis ka na" agad na nawala sa mga labi ko ang ngiti ko.

"Alam mo bang maraming madadamay dahil sa'yo?"

"Hindi ka ba nag-iisip? Kaya ba tinulungan mo ang kuya ko para makahingi ka rin ng tulong?"

"H-hindi ko naman intensyon ang lapitan siya"

"Oh really? Hindi mo na kailangan pang magkaila, tayong dalawa na lang ang nandito, at saka sino bang baliw ang magsasabi ng mga hidden agendas niya 'di ba? Kung naloko mo ang kuya ko, ibahin mo ako, hindi naman ikaw ang unang babaeng lumapit sa kuya ko." Hindi ko naman mapigilang mapakuyom ng kamao

"Anyway, as I have said earlier, gusto kong pasalamatan ang nagligtas sa buhay ng kuya ko, iniligtas mo rin ang buong kaharian sa ginawa mo pero hanggang doon lang 'yon" Saglit siyang tumigil sabay hagis ng isang kayumangging supot, "Kabayaran iyan sa kabayanihang ginawa mo, kahit papaano eh marunong naman ako tumanaw ng utang na loob."

"Diretsohin mo lang kaliwang pasilyo dadalhin ka na nito sa likuran, pagdating mo doon mayroon kang makikitang kahoy na pintuan, itulak mo lang 'yon hindi na iyon nakakandado, paglabas mo doon sa 'di kalayuan may makikita kang karwahe. Ihahatid ka nila sa kubo na nasa ilalim ng ikatlong bundok. Pag-aari iyon ng isa sa mga tagasilbi dito sa palasyo, huwag kang mag-aalala ligtas ka roon," paliwanag pa niya. Marahan naman akong tumango. Maayos na yon keysa naman may madamay pa nang dahil sa'kin.

"Sana'y magkita pa tayo binibini, nawa'y maintindihan mo ang ginagawa ko." Saglit pa akong napatitig sa mukha niya, isang ngiti ang unti-unting bumuo sa kan'yang mapupulang labi bago niya ako nilagpasan. Bumaba naman ang tingin ko sa aking mga palad, tapos no'n ay isang butil ng tubig mula sa mga mata ko ang pumatak doon.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Bakit palagi akong pinaparusahan, pati ang mga taong nasa paligid ko ay mapapahamak ng dahil sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago pinahiran ang basa kong pisngi at mabilis na pinulot ang balabal ko. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas kong may tao ba saka ako tulyang lumabas. Halos patakbo akong humakbang, dire-diretso lang ako tumigil ako sa harapan ng isang pintuan. Itutulak ko na sana ang pintuan nang may nahagip akong puting papel na nakadalikit sa gilid ng isang lampara, nakasabit din iyon sa isang pako. Kinuha ko iyon at binasa.

"Gamitin ito para sa iyong pagtawid sa ilalim na lagusan"

Napatitig pa ako lampara bago iyon kinuha at tinulak ang pinto. Halos mapanganga ako at sinundan ang hagdanan pababa. The heck kung wala lang akong dalang ilaw hindi ko talaga mapapansing hagdanan pala ito. Itinaas ko ang hem ng damit saka humakbang na pababa sa hagdanan, umikot muna ako para isara ang pintuan at nagpatuloy sa pagbaba.

Mga yapak ko ang naririnig sa buong paligid hanggang sa isang liko ay natanaw ko ang isang pinto sa bawat gilid nito ah may dalawang sulo.

Ibinaba ko ang dala kong lampara sa gilid tapos ay lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Laglag panga akong napatingin sa paligid. Whoa! Sobrang liwanag ng buwan, tapos may mga sinag ng buwan na tumatagos sa pagitan ng mga puno. As in nakakamangha. Pagkasara ko ng pintuan ay naglakas muna ako, muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang pagtunog ng kabayo sinundan ko ang tunog na iyon. Isang karwaheng kulay kayumanggi ang naghihintay doon.

Ito ata ang sinasabi ng prinsesang karwaheng inihanda niya para sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit doon. Agad kong nakita ang isang lalaking nakaitim nakatayo siya sa gilid ng karwahe, agad siyang yumuko nang mapansin niya ako saka niya binuksan ang pintuan. Ngumiti naman ako at bahagyang nag-bow ng ulo tapos ay tuluyan ng lumulan sa sasakyan.

Napatitig ako sa labas ng bintana, malayo ang tanaw ko habang may malalim na iniisip. What if nakatakda talaga akong patago-tago Kasi wala namang pinag-iba ang buhay ko dito at sa buhay ko dati kong mundo. Kung hindi gulo ang kahihitnan isang hide and seek game ang kalalabasan. Haha nakakatawa lang ay yong nag-akala akong makakaligtas ako sa kalupitan ng mundong ito. The heck sino nga ba ako para makaligtas sa sinasabi nilang kaparusahan.

Agad akong napatingin sa harapan nang tumigil sa pagtakbo ang karwahe, umusog ako ng kaunti palapit sa bintana at sumilip sa labas.

Andito na ba kami? Eh parang nasa gitna la rin naman kami ng gubat may lawa nga lang akong nakikita. Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon agad akong napasinghap dahil isang espada agad ang sumalubong sa'kin. Nanlalaking mata akong napatingin sa may hawak no'n.

"Prinsesa Dina?" Napalipat ang mata ko sa katabi nitong babae "Ariana?"

What the heck! Napalunok ako nang sabay na sumilay ang malademonyong ngumisi sa mga labi nila.

SHIT! SHIT! SHIT I'M DEAD!

A/N: Sa lahat ng naghihintay ng update ko sa Series 2 and 3, sorry tataposin ko muna ito guys, super malapit na tayo sa epilogue hehe yon lang. Salamat sa inyong lahat.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon