Nagmasid lang ako sa paligid. Mga cricket lang ng mga insekto ang naririnig ko sa paligid. Inayos ko nalang ang pagkakaupo ko sa ibabaw ng sanga, saka kinuha ang maliit na puting panyo na nakasoksok sa gilid ko. Hinila ko naman mula sa likoran ko ang espada ko.
Dalawang araw na ako sa loob ng gubat, ngunit dalawa pa lamang ang napapatay ko. Nakakalungkot lang kasi ni isa sa kanila ay hindi nagngangalang Adlaon, ang lalaking ibig ipapatay ni Uriel sakin. Nagtataka ako kung bakit nais niyang gawin iyon. Maaring malaki ang kasalanan ng Adlaon na 'yon, kaya gusto siyang ipa-assassinate.
Napatigil ako sa pagpupunas ng sandata ko ng may narinig akong mga daing. Yumuko ako. May nakita akong dalawang taong nagsusuntokan sa baba. Parehas silang may mga malalaking katawan, labas na labas 'yong muscle nila.
Ilang minuto ko rin silang pinanood mula sa taas hanggang sa 'yong lalaking naka-pony ay natumba. Lamog lamog pa ang katawan. Wala sa sarili akong napangisi bago marahang kumuha ng arrow at hinanda na ang pagtira. Sinigurado ko muna matatamaan siya bago binitawan ang palaso.
Napadaing muna siya bago hinila ang palasong nakatarak sa paa niya. Mabilis akong napatago sa sangang may mayayabong na mga dahon.
Grabe anong klaseng katawan ang meron siya. Hindi man lang natatablan ng lason?
Napasinghap ako ng may malakas na kamao ang tumama sa panga ko. Hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ako nakahawak sa sanga. Napadaing ako sa lakas ng impact nang pagkakahulog ko mula sa puno.
"Ang lakas naman ng loob mong panain ako babae, kaya ito ang sayooo!" Mabilis pa sa isang segundo akong napagulong pakaliwa saka ko naramdam ang pagyanig ng lupa. Shit talagang yari ako pagnatamaan ako non.
Tumayo ako saka nag fighting position. Gosh sobrang laki niya, di ko ata siya nakakita kanina.
"Hindi naman sa bago na sakin na makasagupa ng babae sa larong 'to ngunit." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay binasa ang mga labi niya. Yuck!
"Ngunit di ko inaasahan ganyan ka sexy at ka ganda ang makikita ko," tuloy niya. Biglang nandinig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa tinuran ng manyak na 'to.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba pangalan mo?"
"Adlawin. Adlawin ang aking pangalan." Napairap ako saka tumalikod at nagsimula ng maglakad. Napatigil ako ng humarang siya.
"Oh teka lang. Hindi kita sasaktan, basta ba titikman kita," nakangising-asong wika niya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Wala akong oras para sa mga kamanyakan mo."
"Pakipot ka ha."
I smirk. "Hindi rin mamatay ka rin naman kasi."
Bigla siyang napaluhod at tila nahihirapan sa paghinga. My smirk went wide. Mabagal lang siguro ang pagkalat nun sa katawan niya.
"A-ano ginawa mo?" Nagkibit-balikat lang ako tapos ay pinanood siyang bawian ng buhay.
I pity him. Hayst.
Nilapitan ko ang bangkay niya tapos ay hinila gamit ang kanyang paa.
Shit ang bigat naman niya.
Iniwan ko ang bangkay niya dun sa medyo malayo sa punong pinamamalagian ko. Pinagpag ko ang mga kamay ko.
"Oh diyan ka na ahh sibat na ako," paalam ko. 'Di pa lang ako nakakalayo ng may narinig akong kaluskos sa di kalayuan. Tumigil ako saka pinakirimdaman ang paligid.
BINABASA MO ANG
IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)
Romance[NOBLEMEN SERIES #1] (On-going) ****************** AMIRA DI JESUS Isn't ordinary type of girl MATAPANG, MAANGAS, WALANG KINATATAKOTAN, Iyong tipong kayang nyang hamonin ng away ang buong isang baranggayan. BASAGULERA, TAKAW GULO, Paano kung dahil...