Dayo 2

3.4K 151 16
                                    

"AMIRRRRAAAA!!"

Uh-oh.

Napatigil ako saglit at napakahawak pa sa tuhod ko. God parang mamatay ako sa pagod.

"AMIRRAAAA!" Napasinghap pa ako sa gulat  bago nagpatuloy sa pagtakbo at bumibilis na rin ang kilos ko kaysa kanina. Hingal na hingal akong tumatakbo papalayo sa mga lalaking humahabol sakin. Tangina bumangon pa talaga ang mga tukmol, akala ko napuruhan ko na.

"AMIRA, MAGPAKITA KA NA WAG MO KONG GAGALITIN" gigil na gigil na sigaw ni Gabe pangit. Yes! Gabe ang name niya! Ngayon ko lang naalala 'yon, hindi ito ang unang besses na nakasagupa ko ang abnormal na 'yon.

"AMIRRAAAA!"

THE HECK!

"AMIRA COME OUT BABY GIRL WALA KANG MALALABASAN DYAN ANG MABUTI PA AY BUMALIK KA NA RITO!" Halos mapugto na ata ang ugat niya sa leeg habang sinisigaw iyon. I gritted my teeth while clenching my fist. Geez, narinig ko nga ang kwento-kwento mula sa mga matatanda na may limang tao na hindi nakalabas mula sa gubat na ito. Ang sabi-sabi ng iba ay kinain ng mga mababangis na hayop pero ang sabi ng mga matatanda ay kinuha naman daw ng mga maligno.

"Shit!" I cursed under my heavy breath bago mas binilisan pa ang takbo. Fuckshit talaga! Ba't ko ba kasi naisipang bugbogin ang putanginang yo'n, pero kasalanan ko bang mahina s'ya kaya s'ya napahiya at naospital.

"AMIRA INUUBOS MO PASENSYA KO! YOU BITCH!" hiyaw na naman n'ya tapos no'n nakadinig ako ng apat na magkakasunod na putok ng baril, tsk. Anong akala n'ya matatakot ako sa paputok putok n'ya ng baril ek-ek n'yang bwesit s'ya.

Matatakot lang ako pag sa ulo ko na talaga nakatutok. Ano ba kasing laban ko do'n eh baril 'yon sa isang putok lang no'n sa ulo ko tigok na ako. Napatigil ako sa pagtakbo bago napakagat sa ibabang labi ko.

"Oh god, dead end," bulong ko. Geez, nasa dulo na pala ako ng gubat at nasa dulo na rin  ng bangin and obviously wala na akong  matatakbohan. Shit! Wala na akong choice kundi ang tumalon. Hayst mamamatay lang din pala ako, nag-effort pa akong tumakbo, the hell. Napatitig pa ako sa punong kumuha ng atensyon ko, pinagmasdan ko ito ng maigi ang dalawang punong magkadikit ang sanga like they're making a door to another world.

'Aish hindi ngayon ang oras para pumunta sa imagination land, Amira imbes na sa ibang mundo ka mapunta baka sa heaven pa o di kaya magkikita na kayo ng tiyohin mong si Lucifer,' pang-aral ko sa aking sarili. bumuntonghininga ako bago inilibot ang mata ko halos lumuwa ang mata ko

What the hell

Nasa dulong-dulo na pala ako lumingon ako sa likod ko anlayo ko na pala sa kahihasnan-I mean sa mga mapuno, nagtaka din ako kapansin-pansin kasi 'yong buwan saktong nasa gitna na s'ya ng butas ng dalawang puno. Teka nga...and'yan ba 'yan kanina?

"AMIRA STOP THAT LITTLE GAMES OF YOURS, LETS PLAY THE REAL GAME, COME'ON ANG TAPANG-TAPANG MONG BUGBOGIN AKO! NOW FACE MY GUN BITCH" hiyaw niya umeecho pa nga ang  napairap nalang ako. I heavily sigh before making a stupid decision ever.  

"No choice Amira its either do and don't," bulong ko sa sarili ko bago buong bilis na tumakbo papasok sa puno.

Ohh jusko sana'y mapagbigyan mo ko sana di ako mamatay nitong ginawa ko. Taimtim kong dasal pero napakaimposible yun Amira, tanga

Lord, marami pa po akong pangarap marami pa akong gustong gawin gusto ko pong makapangasawa ng mayaman at saka gwapo o kahit 'wag na po gwapo basta mayaman pa rin.

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa sakit ng impact ng tubig sa likod ko. I tried so hard na lumangoy pataas but parang may force na humihila sakin pababa. Nawawalan na ako ng hangin ang baga ko.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon