DAYO 23

1.7K 106 3
                                    

Paglabas ko ng palasyo ay agad kong nakita si Wave at Ezrael nakasakay sa kanya-kanyang  kabayo, kinalma ko muna ang sarili ko at nakangiting lumapit sa kanila.

"Teka kunin ko lang si Dahlia," paalam ko bago lumapit sa isang kawal at kinuha si Dahlia.

Hinimas ko muna ang buhok niya bago sinakyan buti nalang hindi masyadong istrikta itong si Dahlia. Pinalakad ko siya hanggang makalapit kami kayla Wave.

"Let's go," aya ko sabay naman silang tumango.

"Saan ka ba nakatira Amira?" Napalingon ako kay Wave while we're moving.

"Sa kung saan mo ko unang nakita," nakangiting sagot ko napangiti ako habang inaalala kung gaano siya ka-adik nong una naming pagkikita.

"Yeah I remember it, you're with  Cadmus that time right?" Masayang saad niya. I nod

"Yeah kasama mo pa ang buong tropa mo," natatawang salaysay ko ramdam na ramdam ko pa noon  ang mga presensya nila na nakapalibot sa bahay.

"Hindi naman masyado," natatawang tugon niya

Hindi raw baka nga isang batalyon 'yong kasama niya eh.

Malayo pa lang ay tanaw ko na si Diwana at Reechil na naka-upo sa upuan sa labas. Nanlalaki ang mata ni Diwana ng napatingin siya sakin.

"Ate?" she mouthed binigyan ko naman siya ng magaang ngiti. Nang makababa na ako kay Dahlia agad siyang tumakbo sakin at humihikbing yumakap. Natatawa ko naman siyang niyakap pabalik ilang sandali lang ay lumayo na siya. Pinahiran niya ang pisngi niya tapos ay tumingala sakin.

"Babalik ka na ba ate?" tanong niya tinukod ko ang kamay ko sa tuhod para pumantay sa kanya bago umiling ako.

"Hindi pa, Diwana" tugon ko nawalan bigla ng buhay ang mukha niya.

"Kailan ka uuwi ate?" Malungkot na tanong niya hinawakan ko ang pisngi niya.

"6 days from now," nanlaking mata niya tinakpan ang bibig ko tapos ay dahan-dahan sumilip sa likoran ko tapos sakin ulit.

"Ano ka ba naman ate baka marinig ka nila," mahinang saway niya tinutukoy niya 'ata si Wave at Ezrael.

"Don't mind them they're my friend," pagpapakalma ko sa kanya  tumango lang siya nakangiti kong ginulo ang buhok niya tapos ay tumayo ng maayos. Tiningnan ko si Reechil na nakangiti at tumatangis na nakatingin saamin.

Ganon ba nila ako na-miss?

Nilapitan ko si Reechil with a spread arms na malugod naman niyang sinalubong.

"Masaya ako't naisipan mo kaming bisitahin Amira," saad niya habang hinahagod ang likod ko. Kumalas na ako sa yakap at ganon din naman siya.

"Oo nga eh," mahinang sambit ko

"Mind introduce me to your family, my lady" sabay kaming napatingin kay Wave nakasunod lang sa kanya si Ezrael. Marahang yumuko si Reechil

"Kamahalan,"

"Maari mo ng itaas ang iyong ulo," magaang utos ni Wave na sinunod naman ni Reechil tapos ay sinenyasan si Diwana na lumapit.

"Salamat po," tumango lang si Wave

"Wave and Ezrael this is Diwana and Reechil they're my family," napasinghap ang dalawang babae nang biglang yumuko si Wave ganon din si Ezrael.

"Ikinagagalak ko kayong makilala Ginang Reechil at ikaw rin munting binibini," natawa ako ng namula ang mukha ni Diwana. Aysus, kumikiringking na ang batang to.

"Upo kayo ipagtitimpla ko muna kayo ng maiinom," alok ni Reechil bago siya pumasok.

"Upo muna kayo tutulongan ko lang si Ina," paalam ko di na ako naghintay sa sagot nila agad akong pumasok sa pinto. Nakita ko si Reechil na tahimik na nagtitimpla ng tsaa tumabi ako sa kanya.

"Kamusta ka naman sa loob ng palasyo?"

Fine I guess?

"Wala naman masyadong ganap," payak na tugon ko kunot noo siyang tumingin sakin.

"Hindi kita maintindihan,"

"Ang ibig kong sabihin ayos lang wala namang masyadong nangyari," pagpapaliwanag ko napatango-tango naman siya.

"Ah ganoon ba? Buti hindi  napansin ng Emperor ang tunay mong pagkakakilanlan," napabuntong hininga ako 

"Ang totoo niyan alam niya," mahinang sabi ko nalaglag naman ang hawak niyang kutsara

"P-pero wag kang mag-aalala hindi naman kayo madadamay," paninigurado ko

Naging importante din sila sakin, pinrotektahan nila ako noong mga panahong walang-wala ako kaya kahit ito man lang ang maisukli ko sa kanilang mag-ina.

"P-pano ka?"

I smiled at her

"Isasalang niya ako sa laro mamaya,"

"Mamaya? B-blue moon mamaya...w-wag mo sabihing," mahina akong tumango

"Isasali ka niya sa Asul na pista? Ngunit napaka-delikado Amira mga likaw ang mga bitoka ang lahat ng makakalaban mo, kahit babae ka 'di ka nila sasantohin. Naiintindihan mo ba ako Amira?" I nod at her. I'm aware kung ano ang pinasok ko.

Napa-iwas ako ng tingin ng nagsimula ng magsituluan ang mga luha niya sa pisngi.

"Kaya ba bumisita ka dito?" humihikbing tanong niya di ko siya sinagot  tinitigan ko lamang siya. 

"Magtiwala ka lang sakin,"pagpapagaan ko sa loob niya bago siya niyakap.

Hindi man tiyak na mabubuhay ako pagkatapos ng laro, ngunit gagawin ko parin ang lahat para magawa ko ang pinapagaw ni Uriel. Dahil kung sakali mang di na ako mabubuhay hanggang sa dulo ng laro at least nabigyan ko sila Diwana ng tahimik at sagana na buhay.

ARIAN

I stared at the girl in the mirror wearing yellow gown and easy twisty bun.

Perfectly gorgeous and ready to go at the banquet.

"My lady the carriage is ready," nakayukong sabi ng isang hampas lupa. Tumayo ako saka lumabas ng kwarto at nagdire-diretso hanggang sa labas ng mansyon. Binuksan naman ng isang butler ang pintoan ng karwahe pumasok ako mga ilang minuto lang ay nagsimula ng tumakbo ang mga kabayo. Nakatingin lang ako sa labas may hahadlang na naman sa mga plano ko, kaya

kailangang mawala ang Amira na 'yon magiging sagabal lang siya kung kailangan ko siyang ipapatay gaya ng dating Emperatris gagawin ko. Ang Mama ni Uriel bagay na bagay sa kanya ang kataposan niya  masyado kasi siyang pakelamira ayaw pa niyang ipakasal sakin si Uriel kasi ayaw niya sakin huh! Kaya ayon inoud na tuloy siya sa ilalim ng lupa.

Ngayon mukhang mauulit na naman at ang Amira na iyon ang susunod na kakainin ng lupa. Ngunit mukhang di na ako mahihirapan sa kanya, mamatay lang din naman siya sa loob ng gubat.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon