"Hey woman, wake-up" nagising ako dahil sa tinig na iyon dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata hanggang sa maaninag ko na nang maayos ang paligid. Mataas na ang araw at naririnig ko na rin ang iba't-ibang huni ng ibon.
Napalingon ako sa gilid ko. "Why may masakit ba?"
"I'm hungry" aniya agad naman akong tumayo.
"Hanap lang ako ng makakain--" hindi ko pa man natatapos ang pangungusap ko ay napatigil ako dahil sa biglang paghawak niya sa palad ko.
"What?"
"I wanna go home" tugon niya sa mahinang boses parang nahihiya pa siya habang sinasabi iyon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti, he's cute.
"Malay ko ba kung saan ka nakatira, mukhang maayos ka naman kaya ikaw na lang umuwi mag-isa mo."
"Tsk I can't go home on my own stupid." Napangiwi naman ako, maka-stupid siya close kami?
"Tagasaan ka ba?" tanong ko taas kilay naman siyang napatitig sa'kin. What makatitig siya sakin ng gan'yan para weird yong sinagot ko.
"You don't know me?" Aba't! Sino ba siya para kilalanin ko?
"Ay hindi, hindi, kilalang-kilala kita 'no, kaya nga nagtatanong ako kung tagasaan ka kasi nasobrahan ako sa pagkilala sa'yo eh, kaya nakalimutan ko kung saan nakatira eh" sarkastikong wika ko saka ako napairap. My god pauwiin niyo na po ako, uso bobo dito eh di ko carry.
"Didn't you help me because you know me?" Wow ah! Parang sinasabi niyang may hidden agenda ako sa pagtulong ko sa kan'ya.
"Aba bukal sa loob ko ang pagtulong sa'yo, kaya for you own information hindi kita kilala, Mister" Mas lalo pang nagsalubong ang kilay niya
"Are you perhaps from Central Empire?" tanong niya.
"Yeah" tugon ko naman.
"A Dayo?" kuro niya hindi ako makasagot sa tanong niya parang ayaw ng bibig kong sabihin.
"Don't worry nasa Norte ka na hindi nila basta-bastang papasokin ang teritoryong ito" aniya napansin niya siguro ang hindi mapakali kong mata.
"Pa'no ka naman nakakasiguro, aber" panunuya itinaas naman niya ang dalawa niyang palad.
"Against the rule."
"Magkaaway ang mga emperyo niyo?" Umiling siya tapos tumango-tango.
Napangiwi naman ako. "Ano ba talaga? Oo o hindi?"
"Para sa akin hindi, ewan ko lang sa iba" saad niya
"Why-I mean bakit sila magkakaaway?" takang usisa ko bumuga naman siya ng hangin bago nagsimulang isinalsay ang simula ng lahat.
"Dating magkakasundo ang limang emperyo, nagi-import and nage-export ng mga produkto, mga kalakalan at marami pang iba. Malayang nakakapasok at makakaalis ang sino man sa kung nasaang panig ka man ng mga emperyo. Magkakasundo pa kasi ang mga Emperador hanggang sa may nakataring sa aming Balita na may dayong napunta sa mundo namin, kakaiba ang suot niya, may mahaba at matalim na tainga, sobrang putlang balat, mahabang buhok, maganda. Agad na umibig sa dayo ang Emperor sa timog gano'n din naman ang dayo at ikinasal nga sila. Pero isang araw biglang nagsara ang sentro na labis na ikinagulat ng lahat, malaki ang naging epekto noon sa apat na emperyo, ang sentro kasi ang pinakamalaking pinagkukunan ng mga kakailanganin sa araw-araw bukod pa roon ang sentro rin ang sagana sa lahat, kahit maliit lang ang lupain ng sentro mataba naman kaya maganda talaga ang tubo ng mga tanim. Iilan lang ang mga negosyanteng nakakapasok noon hanggang sa nalaman naming nagkagusto din pala ang Emperor ng sentro sa Dayo, sa galit niya ay pinasara niya ang emperyo at tinuring na kaaway ang mga karatig na mga emperyo at naipasa yon sa iba pang henerasyon. No'ng kinoronahan ang Emperor Uriel, naging bukas ulit ang sentro na naging magandang balita para sa lahat, kaya agad na bumisita ang apat na Emperador sa palasyo upang bumuo ulit ng magandang relasyon. Kahit bata pa noon ang Mahal na Emperor ay makatuwiran at matuwid naman siya sa lahat kaya hinahangaan ko talaga siya, gayon pa man ay may sangay ng emperyo na ayaw nang makipag-alyansa sa iba pang emperyo nangunguna na roon ang ministro Nicolas."
"Ang ama ni Ariana?" wala sa sariling tanong ko.
"Mag-iingat ka sa babaeng yan, balita ko ay malaki ang pagkagusto niya sa Emperor Uriel." Napatitig naman ako sa kan'ya ng maigi
"Ha? Pa'no mo naman nasabi? Wala naman kaming ugnayan ng Emperor"
"Nakita kita noon sa blue moon fest"
"Ahh gano'n ba? Isa ka ba sa mga manlalaro?"
"Hulaan ko Hindi pa alam ng Emperor noon na Isa kang dayo" hindi ko naman siya sinagot
"Mag-iingat ka Kay Arian,"
"Sinabihan na kita wala akong ugnayan sa emperor," my lips twitch"Bakit mo ba ako binabalaan?"
"Wala lumabas lang din sa bibig ko" natawa naman ako ng mahina bago napailing. Lakas ng got-feeling ahh.
"Kaya pala hanggang ngayon tinuturing pa rin na kaaway ang Norte" pag-iiba ko napatango naman siya ng mahina
"Oo, nahihirapan pa ang Emperor na kumbinsihin ang mga ayaw." Kahit noong pagsusulit may mga nakilala din akong mga hampas lupang sarap tirisin.
"By any chance that Emperor na nagkagusto sa pinakaunang dayo, siya ang nagtatag ng batas na papatayin ang sino mang dayo na mapapadpad sa sentro?" Tumango naman ang lalaki pansin ko lang ah kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko alam ang pangalan niya.
"Oo" tugon niya.
"So ibig sabihin puwede sa ibang emperyo?"
"Oo ang pasukan talaga ng mga dayo ay nasa timog, ikaw pa lang ang unang malas na dayo na nailuwa sa sentro." Napataas naman ako sa kilay. Grabe siya makamalas sa'kin ahh.
"Ha? Naguguluhan ako, sabi nila may nauna ng dayo na napugutan ng ulo." Kasi yon ang sabi no Reechil sakin.
"Maaring gawa-gawa lang yon ng mga nakakita sa sinasabi nilang Dayo, may pabuya kasi ang maghahatid non sa emperor." Napa-ahh naman ako sa tinugon niya kaya naman pala may pabuya naman pala, pero sino si Aldrich? Napatingin ulit ako sa kan'ya.
"Sigurado ka ako ang una? May nakilala akong Aldrich ang pangalan Isa rin siyang dayo," paliwanag ko.
"Si Aldrich ay galing sa timog, nahuli ng kawal sa sentro dahil sa pagtatangkang pagnanakaw sa Duke, pero ang sabi pinalabas daw siya ng Emperor" salaysay niya mahabang katahimikan ang namagitan samin bago niya iyon binasag.
"Ihatid mo na lang--" bago pa man niya matapos ang sasabihin isang sigaw na mula sa di kalayuan ang narinig ko.
"YOUR HIGHNESS!"
Nanlalaking mata kong nilingon ang lalaking kaharap ko.
WHAT THE HELL!
BINABASA MO ANG
IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)
Romansa[NOBLEMEN SERIES #1] (On-going) ****************** AMIRA DI JESUS Isn't ordinary type of girl MATAPANG, MAANGAS, WALANG KINATATAKOTAN, Iyong tipong kayang nyang hamonin ng away ang buong isang baranggayan. BASAGULERA, TAKAW GULO, Paano kung dahil...