DAYO 6

2.4K 131 7
                                    

Hawak ko ngayon si Diwana sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay si Reechil na ngayon nauuna at hila-hila ako. Iginala ko ang tingin ko sa paligid, ang daming taong abalang-abala na namimili sa bawat tindahan, may iilan namang napapatingin sa gawi namin, meron ding mga walang pakialam. Tumigil kami sa kaharapan isang tindahan na may mga gulay na paninda.

"Ginang Carol, hindi muna ako makakatulong sa inyo ngayon, sasali kasi si Diwana sa pagsusulit ng Emperor" tinitigan ko si Ginang Carol, matanda na sya siguro nasa 50's na, ngumiti at tumango lang ang matanda.

"Okay lang iyon, Reechil" aniya bago kami sinilip, napatitig s'ya sakin bago bumaba kay Diwana.

"Iyan na ba mga anak mo Reechil? Kay gaganda naman lalo na yang panganay mo" puri niya habang nakatitig sa'kin napangiti naman ako at napayuko. Geez masyado siyang honest kaya iyong mga maliit na parte ko ay nagkomento naman.

"Yeah right alam ko na 'yon" komento ni maldita side
" Enebe si meneng nemen" pabebeng saad ni  Maarte side
"Salamat po sa iyong papuri" sabi ni Angel side

"Naku salamat po" nakangiting saad ni Reechil

"Galingan mo Diwana" pag-checheer niya sa Bata, yumuko naman si Diwana

" Opo, Salamat" magalang na wika niya pa.

" Oh s'ya sige na, baka mahuli pa kayo." Napatango naman si Reechil sa sinabi ng Ginang bago tuluyang namaalam.

"Sige po aalis na kami" Paalam ni Reechil bago kami dalidaling hinila, may nadaanan pa kaming malawak na plaza, tahimik non ni walang taong dumadaan o tumatambay as in totally sobrang tahimik parang sementeryo.

"Yan ang plaza real Amira, at iyon ang plaza Ignes" turo niya sa harapan naming marami na ang tao, "Ang pagdadarausan ng pagsusulit" dagdag pa niya. Humalo lang kami sa mga tao.

"Paraan po....... Paraan po.....Paraan po" saad ni Reechil sa mga taong humaharang  hanggang sa malagpasan namin ang maraming tao at mapunta sa harapan. Nakita kong nasa gitna na 'yong lima ng mamataan nila kamibay agad silang kumaway.

"ATE! DIWANA!" masiglang tawag nila ngumiti lang ako saka tumango.

"Pumunta ka na do'n Diwana nakapila na ang iyong mga kasama" malambing na saad ni Reechil tumango naman si Diwana

"Opo ina" bago s'ya tumingin sakin at lumapit kaya lumuhod ako upang mapantayan siya.

Nagulat pa ako sa biglang pagyakap n'ya sa'kin, dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinaplos ko lang ang likod n'ya bago s'ya kusang kumalas. Nakangiti siyang umabanti ay sa harapan namin ni Reechil

"Para po sa inyo to ate, ina" sabi nya bago tumakbo sa pila nagkatanginan naman kami ni Ate Reechil bago nagngitian, ginulo niya pa ang buhok ko na ikinasimangot ko.

"Huwag yong buhok ko" nakalabing saway ko natawa naman siya ng mahina, napatingin ako sa gawi ni Diwana.

Alam kong makakapasa ka, nararamdaman ko  yon.

Bigla namang tumunog ang trumpeta

"Andito na ang emperor" bulong ni Reechil

"Magbigay galang para sa pagdating ng mahal na Emperor!" sigaw ng isang lalaki yumuko naman ang mga tao, nataranta naman ako Kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan ba ako rin? Bigla akong napayuko ng hilahin ako ni Reechil.

"Gumalang ka mabibisto ka n'yan eh" Napa-roll eyes na lang ako mayamaya ay may nadinig akong tunog ng mga takbo ng mga kabayo. Ano ba yan tagal naman.

Tumunog  ulit yong nakakairitang blowing horn, naigala ko ulit ang tingin ko dahil  tumayo naman ng tuwid ang mga tao kaya tumayo din ako ng tuwid. Diretso ang tingin ko sa harapan.

I gasp when I saw the emperor. Para syang dyos na bumaba galing Mount Olympus.

May Skyblue s'yang buhok may mga strand ng buhok nya na nakalaglag sa may electric blue nyang  mata, matangos na ilong, mapupulang labi at perpektong hugis ng mukha take note sobrang kinis. Shit ang gwapo mga besh mas maputla pa sakin

Napaiwas ako ng tingin ng 'di ko namamalayang habang minamasdan ko ang buong mukha n'ya ay nakatingin na pala s'ya sakin.

'Shit tanga-tanga mo self nasa harapan ka remember. The hell napansin n'ya talaga ako non sa dami ng mga tao, ikaw naman kasi Amira kung makatitig ka ehh' mahabang pangangaral ko sa sarili ko.

"Amira do'n tayo kila Ginang Minerva." Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na ako ni Reechil.

"Sino s'ya?" takang tanong ko.

"Ina ni mae," sagot niya hinayaan ko lang siyang hilahin ako, napadaing na lang ako at napatakip sa ilong ko dahil sa sakit ng pagbangga non sa likod ng ulo ni Reechil. Shit bakit naman kasi siya biglang tumigil.

"Oh Reechil andito ka pala, sino sa mga alaga mo ang sumali sa pagsusulit?" Napatigil ako sa pagmamaktol at sumilip. Isang babaeng parang pasan ang lahat ng buhok niya sa ibabaw ng ulo niya dahil sa hairstyle niya, taas noo siyang nagsasalita sa harapan ni Reechil may kasama pa s'yang dalawang dalagitang mukhang......turon pfft kiddin'.

Magaganda rin naman sila, bawal mang-judge dapat bubble Joe lang . Napatakip naman ako sa bibig ko upang pigilan ang tawa ko, natawa ako sa sarili kong joke, ba't ba I love myself kaya dapat support ko siya.

"Sino iyang mga kasama mo?" Yon lang ang narinig ko, napaangat naman ako ng tingin at napatayo ng tuwid sabay innocent look.

"Shes so ugly mother." Aba mas panget ka pa nga at saka nakakapagtaka pwede pala mag-english dito.

"Si Amira po panganay ko," tugon naman ni Reechil inismiran pa ako ng Ginang.

"Mother, lets go ayoko masira ang araw natin dahil sa kanila" maarteng sabi ni Girl na mukha namanng si Mickey mouse may paribbon ribbon pa s'yang nalalaman habang yong isa si hello kitty lakas maka-all pink.

"Eh kung sirain ko kaya yang muka mo hmp" bulong ko napatigil si hello kitty at tiningnan ako, inosente ko s'yang tiningnan pabalik tinarayan pa ako ng stupida bago umalis.

"Sino sila?" tanong ko habang nakatingin sa tatlong babaeng papalayo

"Si Ginang Felisina, Si binibining Kit at Mick, isa sila sa mayayamang pamilya dito kaya nakakagsalita sila ng ibang lenggwahe." Ahh kaya pala nakakapag-english 'yong Mick 'yong mukang mickey mouse na 'yon, kala nya siguro 'di ko naiintindihan.

Huh! Best in English 'ata 'to.

"Tara na," hinila na naman n'ya ako hanggang sa tumigil kami sa harapan ng limang nakatayong Ginang.

" Ohh Reechil andito ka na pala, s'ya ba si Amira?" salubong ng isang Ginang na may suot na kulay brown na dress, tumango naman si Reechil saka nakangiting lumingon sa gawi ko.

"Oo sya nga" pagmamalaki niya nag-bow naman ako.

"Naku Binibini, salamat sa pagturo mo sa aming mga anak," wika ng nakaluntiang damit, ngumiti naman ako.

"Wala po iyon maliit na bagay, masaya po akong makatulong" aniko.

"Ako nga pala si Minerva ang ina ni Mae at Ito naman si Kunsita ina ni Robert, Sya si Ginang Regin ina ni Eli, si Ginang Castrodes ina ni Weina " pakilala ni Aling Minerva sa ibang kasamahan binigyan ko sila ng ngiti isa-isa.

"Ikinagagalak ko kayong makilala" magiliw na sabi ko lahat kami napatingin sa harap ng tumunog na ang tambol.

"Magsisimula na ang pagsusulit," bulong ni Aling Kunsita mas lalong lumaki ang ngiti ko sa labi bago tumingin sa gawi ng mga bata.

Edi mas maganda kung gano'n.

***************★*********************

If nagustuhan nyo ang chapter na to
Dont forget to comment and vote
Thankiiieeesss

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon