DAYO 34

1.6K 88 10
                                    

I bit my lower lip habang palipat-lipat ang tingin ko sa pagkain na nakahain tapos kay sa kanya . God ano bang ginagawa niya? Asan na ang mga katulong?

"Do you need anything?" tanong niya hindi agad ako nakasagot bagkus ay nanatiling nakatitig lang ako sa kanya.

Nagulat pa ako sa biglang pagtayo niya, agad ko namang naagapan ang pulsuhan niya para pigilan siya sa akmang pagtayo niya saka siya panaupo ulit.

"Y-your highness, ako na po" alinlangang saad ko bago tumayo.

"Ano ba gusto niyong kunin?"

"Ikukuha kita ng gusto mong pagkain,'" simpleng tugon niya laglag panga ko naman siyang tinitigan saka ako napatikhim

"Ha? Okay na po sa'kin to" sabi ko tumango naman siya.

"Okay have a sit." Tumango naman ako at umupo ulit sa harapan niya.

"Alam mo naman siguro kung ano ang nangyayari 'di ba?" Napaangat naman ako ng tingin diretso iyon sa mata niya, biglang nag-init ang pisngi ko ng maalala ko ang gabing may nangyari sa'min.

"Hindi p'wedeng makita ka ng kahit na sino sa labas, " dagdag niya.

"Naiintindihan ko," wika ko napasinghap pa ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Basta ito ang tandaan mo, I'll protect you at all cost." Napatitig naman ako sa mga mata niyang mapupungay na nakatitig sa'kin. Parang may kung anong nalulusaw sa kaloob-looban ko, wala sa sarili akong napatango.

"Let me protect you"

"Hindi ko maintindihan, Ikaw ang gumawa sa batas na 'yon, pero ikaw din ang sumisira." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko ibubuka na sana niya ang bibig niya nang sumingit naman si Fireo

"Your highness, hinahanap ka na sa palasyo" saad niya napatayo naman siya saka bumaling sa'kin ng may nagpapaumanhing tumingin sakin

"I'm sorry but I need to go." Aalis na sana siya pero agad kong nahawakan ang pulsuhan niya.

"Wait." Lumingon naman siya sa'kin

"S-sila Diwana" kinakabahang tanong ko

"They're safe." Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa narinig sa mula sa kanya.

"Please don't let anyone hurt them," mahinang saad ko napanganga pa ako nang ngumiti siya. Geez, hindi ko pa rin mapigilang magulat dahil sa pabigla-bigla niyang pagngiti.

"You have my word, take care. Tonight, I'll sneak out so wait for me." Muntik pa akong mabilaokan sa gulat.  Tatanggi na sana ako ng makita kong wala na pala siya roon. Shit di ko man lang napansin ang pag-alis nila, pa'no ba naman kasi kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.

"My lady please continue eating." Nagising naman ako mula sa aking malalim na pag-iisip dahil sa boses na yon. Tiningala ko naman siya saka binigyan ng matamis na ngiti.

"Ahm...okay" tugon ko. Ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko ng sabay na pigilan iyon ng mga katulong na kasama ko.

"Kami na po riyan, magpahinga ka na binibini" malumanay na wika ng isang babae.

"S-sige" nagaalinlangang saad ko, nanatili lang ako nakaupo plano ko sanang panoorin na lamang sana silang iligpit ang pinagkainan ko. Pero nagtaka ako ng wala man lang isa sa kanila ang kumilos, para lang silang estatuwang nakatayo.

Kailangan bang umalis ako?

Dahan-dahan akong tumayo saka inayos ang damit ko.

"Magpapahinga na ako" mahinang paalam ko sabay naman silang yumuko.

"Rest well, my lady." Napakurap-kurap pa ako ng ilang besses bago nagmamadaling tumalikod at umalis. God, mas lalo atang nagiging magalang ang mga katulong ni Uriel.

Dumiretso ako sa nag-iisang kwarto sa kubong ito at pasalampak na umupo sa kama, take note sobrang gara ng kama ahh. Napatigil sa isang aparador, marahan naman akong tumayo at nilapitan iyon. Halos malaglag ang panga ko nang mabuksan ko iyon, ang daming damit pangbabae at...panlalaki? Base sa mga disenyo at tela alam kong kay Uriel to, pero bakit andito ang mga damit niya? Tsk, of course, kanya nga pala itong kubo na tinutuluyan ko. Bumuntonghininga nalang ako bago sinara ulit at napagdesisyonang bumalik na sana sa kama. Ngunit isang sinag ng buwan ang tumagos sa nakasarang bintana, tumama iyon sa pisngi ko hindi ko naman mapigilang lumapit doon. Binuksan ko ang bintana isang malaking buwan ang bumungad sa'kin, sobrang liwanag pa niya feeling ko nga may slight lavender lining akong nakikita or it's just figment of my imagination. Habang nakatitig ako sa buwan napaisip ako, nakatakda na ba talaga akong mamatay sa mundong 'to? Kasi kung tutuusin alam kong mas papanigan ni Uriel ang kanyang kalahi pero kahit ano man ang mangyari masaya akong napunta ako sa mundong 'to.

Pa'no kaya kung hindi ako napunta rito, ano na kaya ang nangyayari sa'kin. Siguro isa na akong dakilang taga, tagahugas, tagalaba, tagalinis, tagabantay ng Bata, in short isa na akong katulong.

Napangalumbaba naman ako sa at tinanaw ang madilim na loob ng gubat. Kung posibleng may ganitong mundo, ibig sabihin may mundo din ng mga mahika, mundo ng mga lamang lupa at mga kakaibang bagay.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa naiisip ko bago napailing at tumingala sa buwan. Habang tumatagal ang pagtitig ko roon parang may unti-unting pumipiga sa puso ko. Noong nasa earth pa ako palagi kong kasama sa kubo ko ay ang buwan, palagi ko itong pinagmamasdan tapos sinasabihan ng mga problema na para bang isang itong buhay na nilalang.

Pasimple ko namang pinunasan ang isang butil ng tubig na nahulog mula sa mata ko.

"Are you crying?" Agad akong napalingon sa likuran ko. Nakatayo ng matuwid doon sa Uriel agad naman akong napaiwas ng tingin.

"Ha? Bakit naman ako iiyak?"

He shrug his shoulder "I don't know."

"Akala ko mamaya ka pa," casual na saad ko.

"Yeah but I got bored so, here I am now" nahahalata ko pa boses niya ang pagkainip bago siya pasalampak na humiga sa kama.

"I'm exhausted. Hell! Tinambakan nila ako ng trabaho, tss" nakasimangot na reklamo niya. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya, umupo ako sa edge ng kama.

"Edi umuwi ka na at magpahinga" mataray na wika ko sa kanya napatingin naman siya sakin saka ako inirapan.

"Can't you understand? I'm exhausted" diniin niya talaga ang huling dalawang words na para bang may pinaparating. Aba manigas siya!

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon