DAYO 32

1.5K 98 8
                                    

Bumuntonghininga ako bago inikot ang tingin. Isang linggo na rin ang nakalipas, medyo maayos na rin ang nararamdaman ko at nakakakilos na rin. Nitong mga nagdaang araw kasi sobrang namamaga ang sugat ko kaya si Aidan todo alaga sa'kin. Sa tuwing nagigising ako sa ng madaling araw ay wala na siya sa higaan niya tapos makikita ko ulit siya maliwanag na at may dala siyang isda, or usa, minsan naman baboy ramo, mga prutas din at halamang gamot. Sa totoo lang habang nakakasama ko siya para pa rin siyang bata, sobrang inosente niyo sa mga bagay-bagay. Naalala ko pa nga binigyan niya ako ng bahag, akala niya siguro gano'n din ang isinusout ng mga babae. Hindi ko alam kong ano ang irereact ko that day, halo-halo ang emosyon ko pero mas pinili ko ang tumawa nang tumawa. He's really too innocent kaya nagtataka ako how could he survive with that kind of innocence.

Umupo ako sa isang natumbang puno at tahimik na tumanaw sa pinasokang gubat ni Aidan. I sigh, kanina pa siya sa loob kaya medyo nag-aalala na ako.  Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo ulit ako at bumalik sa loob ng bahay at doon ko siya piniling hintayin.

Napakagat ako labi ko at napatingin sa labas. Hell! Malapit na dumilim wala pa rin siya. Oh God baka kung ano na ang nangyari sa lalaking yon. Mabilis akong humakbang palabas sabay abot ng sibat na nasa gilid ng pintoan.  Tumakbo ako papasok sa gubat kahit hindi ko alam kung saang parte siya ng gubat napadpad. Ilang liko din ang nagawa ko hanggang sa hindi ko na alam kung saang parte na ako ng gubat. Buti na lang sobrang liwanag ng buwan kaya naman maliwanag ang paligid. Napabuntonghininga ako bago sumandal sa isang puno.

Naalerto ako ng may narinig akong mg a boses at mga tunog ng mga naapakang toyong dahon. Dahan-dahan akong sumilip, may limang kalalakihan na naglalakad papunta sa direksyon ko. Lahat sila nakabahag at may maraming mga suot ng kwintas. Mukhang iba din ang kinabibilangan  nilang tribo. May pinag-uusapan silang tila importante habang papalapit sila ng papalapit ay unti-unti kong naaaninag ang kanilang pinag-uusapan.

"Sigurado ka bang hindi natin katribo ang nahuli kanina"

"Oo kapatid, siguradong sigurado ako."

"Hindi niyo ba narinig ang sabi ng mga tao, isa siya sa mga pinagbabawal na tao sa mundong ito."

"Hindi ko talaga maintindihan ang Emperador, hindi naman isang Dayo ang pumatay sa kanyang ina pero galit na galit siya sa mga taong gano'n"

"Katulong pa rin ang isang Dayo sa pagpatay sa kanyang ina, kaya hindi niyo siya masisi"

"Ang kawawa lang ay yong mag-ina nadamay pa, kumopkop pa kasi ng isang Dayo"

Parang tumigil ang paghinga ko sa huli kong narinig. God! Sila Diwana! Godness gracious tulungan niyo po sila. Hindi ko namamalayang kusa na palang tumatakbo ang mga paa ko. Nag-aalala ako sa kanila, ako ang dahilan kung bakit sila nadakip. Bahala na kung ano rin ang mangyayari sa'kin, basta ang importante mailigtas ko sila. My jaw cleched. What the hell is he thinking? Akala ko ba quits na kami? Curse to that Emperor! Walang tigil ang takbo ko hanggang sa hindi ko namamalayang nakarating na pala ako malapit sa bahay nila Diwana.

Parang dinudurog ang puso ko habang papalapit sa sira-sira na nilang bahay parang...parang sinunog nila. Oh my god!

Napatakip ako sa bibig ko, hindi ko na mapigilang mapaluhod. Masaya na sila noon, kung hindi lang sana ako dumating, kung hindi lang sana nila ako tinulungan. Pinahamak ko ang mga taong tumulong sa'kin, ang nagmalasakit sa'kin, ang saman ko!

Napayuko ako ng ulo habang pinipigilan ang hikbing kumakawala sa bibig ko. Nakagat ako sa labi ko bago marahas na pinahiran ang mata ko gamit ang braso ko at huminga ng malalim, akmang tatayo na ako nang may dalawang binting biglang sumulpot sa harapan ko. My breath went rigid because of nervousness, unti-unti kong iniangat ang ulo ko.

"Ur--Your H-highness" parang may bumara pa sa lalamunan ko habang binibigkas iyon.

"You came back" mahinang saad niya habang nakatingin sa'kin. A longing and hunger is in his eyes. Biglang

"What did you do? I thought nagkaliwanagan na tayo? Ano to?" naririnig tanong ko pero hindi matago sa boses ko ang gigil na nararamdaman ko.

"Amira andito ka na nga!" Hindi ko pinansin si Wave bagkus ay nakatitig lang ako ng mariin kay Uriel.

He sigh before speaking. "Nalaman ng mga konseho ang ginawa nila, pati na rin ikaw at hindi ko sila mapigilan." Biglang kumulo ang dugo ko sa sinagot niya. The hell!

"Kaya mo! Kaya mo! Isa kang Emperor salita mo ay ang batas." Walang akong pake' kung tumaas na ang boses ko. Lumambot ang expresyon niya.

"Hindi sa lahat ng bagay, Amira"

"So ano ang silbi ng pinagawa mo sa'kin?!" Walang hiya halos mamatay ako sa loob ng laro tapos magiging ganito lang. I gulp when his face hardened

"Don't raise your voice on my young lady" nababakas ko ang panganib sa boses niya.

"Hell! I don't care! You're a noble but you can't even keep your word, what kind of human are you?!"

"I'm trying my best, Amira"

Mapakla akong natawa. "You're doing your best?" Kung ginawa niya naman pala ang lahat bakit nangyayari ang lahat ng ito?

"Why did you left?" Naputol ako sa pag-iisip at napabaling ang atensyon ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya.

"Hindi mo na ako mapapakinabangan, nakuha mo na ang lahat sa'kin," tugon ko.

"And what made you think like that?" Napataas ang kilay ko

"None of your business"

He's jaw clenched while gritting his teeth. "The day you slept in my bed Amira,  you're already my business cause you mine"

Mine my ass!

"Nasaan sila?" tanong ko na lang at mas piniling hindi pansinin ang sinabi niya

"Nasa piitan"

Biglang pumasok sa isipan ko si Aidan. "Andon din ba si Aidan?"

Kunot ang noo niya. "Aidan who?"

"Yung isang Dayo" mahinang tugon ko.

"Kilala mo siya?"

I nod. "Tinulungan niya ako"

Huminga ako ng malalim. "Ano bang gusto mong gawin ko pakawalan mo sila?"

"I will kneel." Kung 'yon ang paraan sige gagawin ko. Lumunok muna ako at tumingin sa mga mata niya.

"J-just take my life instead of them,  please I beg you...just take my life"

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon