Chapter 44

38 9 0
                                    


Alliyah

Nagising ang diwa ko dahil sa pagtahol ng mga aso sa labas. Hinimas ko ang nangangalay na leeg habang nakapikit pa rin. Nang makontento ay mabilis kong kinapa ang katabi ko ngunit agad akong napamulat at napabaling doon nang bedsheet lang ang naramdaman ng palad ko.

Nasaan na 'yon?

Nang bumaling ako sa bintana ay nakita ko kung gaano na kadilim sa labas. Bangag akong bumangon at tinungo ang kusina. Nadatnan ko si Trex na abala sa pagluluto. At ganon na lang ang pagsalubong ng kilay ko nang marealize na wala pa rin siyang damit.

Hindi ko man lang maalala ang pakiramdam na kayakap siyang walang damit. Agad kasi akong nakatulog kanina at nagising naman na wala na siya sa tabi ko.

Napataas ako ng kilay nang maalalang dito siya matutulog ngayong gabi. Matutulog kaya siya ulit na topless?

"Good evening, mahal!"

Napakislot ako nang marinig ang boses niya, agad ko ring pinilig ang ulo dahil sa mga naiisip.

"You okay?" malambing na ani niya.

Tinungo ko ang ref para kumuha ng tubig. "Ang dami mo nang tinatawag saakin,"pigil ang ngiting sabi ko imbes na sagutin ang tanong niya.

"Ayaw mo kasing mamili sa mga iyon, eh. Choosy ka pa," natatawang tugon niya atsaka ibinalik ang atensyon sa niluluto.

What a view.

Dahan-dahan akong lumapit sakaniya at niyakap siya mula sa likuran. Napapikit ako ng maramdaman siya. Gosh, Trex! Mukhang ako yata ang mas mababaliw sa'ting dalawa. Hindi rin nakatakas sa'kin nang matigilan siya.

"Mahal mo na'ko?" nagbibirong tanong niya.

Napangiti ako at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakaniya, iyong tipong wala nang espasyo sa pagitan naming dalawa. Mula sa tiyan ay umakyat ang mga kamay ko sa dibdib niya.

Wala sa sariling napangisi ako. "Matagal na," mahinang sabi ko pagkatapos ay tumingkayad at hinalikan ang batok niya.

Napasinghap ako nang mabilis niya 'kong hinapit at agresibong hinalikan. Mabilis at madiin dahilan para hindi ko kaagad na natugunan. Nakakapanibago ngunit sinasabik ako, para bang ibang Trex ang kahalikan ko ngayon.

Mas naging marahas ang halik niya nang tugunin ko iyon. Napahawak ako sa balikat pababa sa dibdib niya. Ang mga braso niya'y mahigpit na nakakapit sa baywang at likod ko. Para siyang nakawala sa limitasyon sa rahas ng pagkakahalik niya, wala akong mahanap na pagsuyo. Ibang-iba sa mga nakasanayan kong halik niya.

Pareho naming nahabol ang sariling hangin nang maputol ang pagkakahugpong ng mga labi namin. Kumuyom ang palad kong nasa dibdib niya dahil sa hindi mapangalanang pakiramdam.

Ngayon ko lang naisip ang mga bagay na capable kaming gawin sa ganitong edad namin. Months from now Trex will turn twenty, while I'm going to take my last year as a teen.

"You shouldn't tease me like that," mahinang usal niya habang magkadikit parin ang mga noo namin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at sapilitang lumayo sakaniya. "I didn't mean it that way! Nilambing lang kita 'no," utal na saad ko.

Nilapitan ko ang niluluto niya at pinatay ang stove nang makitang grabe na ang pagkulo nito. Nagkunyari rin akong may kukuhanin sa ref para makaiwas sa titig niya. Hindi dapat nangyari ang ganoong klase ng halik dahil kaming dalawa lamang ang nandito sa bahay ngayon, baka demonyohin kami pareho. Hindi pa'ko ready na mapalayas ni mama!

Pero malaki ang bahay ni Trex, Alliyah.

Pota!

"You won't do that again!" he hissed.

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon