Alliyah
"Alliyah!!!" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa malakas na hiyaw ni mama.
"Po?!"
Sigaw ko rin habang nililigpit ang mga gamit ko busy kasi ako sa pag rereview dahil malapit na ang final exam namin. Hindi ako pwedeng magpabaya dahil honor student ako at graduating na, sa high school pa lang naman OA lang talaga ako. Pero kahit na no! mahalaga sakin ang grades ko.
"Alliyah, ano ba?!" sigaw ulit ni mama na nagpabalik ng ulirat ko kaya naman dali dali akong lumabas ng kwarto ko.
"Bakit, Ma?"
"Aba! yung mga hugasin mo hapon na, oh!" sabi niya nang hindi nakatingin sakin.
Busy kasi siya sa cellphone niya . Sus! nag fe-facebook na naman yan.
"Ma, naman eh! Inistorbo mo'ko para diyan? Alam mo namang nagrereview ako eh!" ungot ko habang nagpapadyak sa sahig.
Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat yung iniistorbo ako sa pagbabasa ko.
"Kanina ka pang umaga nagkukulong diyan sa kwarto mo, pagpahingahin mo naman 'yang mga mata mo."
Kahit kailan talaga OA siya hindi lang naman pagbabasa ang ginawa ko syempre suma-sideline rin ako sa pagcecellphone.
"Nasan ba kasi si Lucky?" tanong ko ng maalala kong hindi lang ako ang anak niyang pwedeng utusan.
"Hay naku, alam mo namang 'di mo maasahan 'yang kapatid mong yan." sagot ni mama na busy pa rin sa cellphone niya. Sumbong ko kaya to kay papa.
Wala naman akong nagawa kaya tinungo ko nalang ang kusina habang nagpapadyak pa rin. Naka assign talaga sakin ang paghuhugas ng plato nagiinarte lang talaga ako kasi baka magbago pa isip ni mama at ibigay ang tungkulin sa kapatid ko, na alam ko namang imposible. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang katuwang ni mama sa mga gawaing bahay di naman kasi namin afford kumuha ng katulong, kasi di naman kami mayaman pero may kaya rin naman sa buhay kahit papano. Maganda kasi ang trabaho ni papa at malaki ang sahod kaya di niya pinapayagang magtrabaho pa si mama besides tatlo lang naman kaming magkakapatid.
"Alli, bilisan mo dyan at magsasaing pa 'ko!" sigaw na naman ni mama!
Nakakahiya siya sa kapitbahay hayss.
Hindi ko nalang siya sinagot dahil sisigaw na naman yan dali-dali ko nalang tinapos ang paghuhugas ko.
"Ma, tapos na po ako." agaw pansin ko kay mama nang makarating ako sa sala.
"Nasan na ba yang mga kapatid mo? Masyado nang nawiwili sa labas." talak niya habang patungo siya sa kusina.
Patakbo ko namang tinungo ang kwarto ng maalala ang cellphone ko.
Agad ko namang binunot ito mula sa pagkakacharge atsaka nag-open ng fb account ko na agad ko namang pinag sisihan dahil sa nakakabinging tunog dahil sa pagpop up ng napakaraming messages na halos ika hang ng cp ko!
Jusko nag iingay na naman sila!
At tama nga ako tadtad ng messages nila ang group chat namin. Dali-dali akong nagcompose ng message ko.
Alliyah: Ano ba naman yan? Parang sasabog cp ko sa messages niyo!
Irene: ano ba kasing pinanggagawa mo bat ngayon ka lang?
Alex: nku dzai marmi na kaming pinag chismisan late kna
Alliyah: nagreview pa kasi ako..
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Jugendliteratur(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...