Trex
"Wag ka nang ngingiti ulit nang ganon ka tamis sa ibang lalaki, Alliyah. Sinasabi ko sa'yo," ungot ko habang hinihila niya ako. Muli ko pang nilingon kung nasaan ang lalaking iyon ngunit di ko na siya makita.
"Pa'no mo na sabi?"
"Ang alin?"
"Na matamis ang ngiti ko. Nalasahan mo?" nakangising tugon niya. Napamaang naman ako kaya nahinto ako sa paglalakad.
"Hindi," salubong ang kilay na sagot ko.
"Yun naman pala e,"
"Pero gusto kong malasahan," nakangising sambit ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Paano?!"
"Sa paraang malalasahan ko ang mga labi mo."
Napabitaw siya mula sa pagkakahawak sa'kin at bahagyang napaatras. Nakangising humakbang ako papalapit sakaniya. Sinamaan niya 'ko ng tingin ngunit hindi maitago ang kaba sa mukha niya. Akala niya yata ay talagang hahalikan ko siya dito sa gitna ng school ground. Asa!
Dahil natutuwa ako sa itsura niya ngayon ay mas inasar ko pa siya. Nakangising hinapit ko ang baywang niya para hindi na siya makaatras pa. Napansin kong may mangilan-ngilan nang nakakapansin sa'min pero wala akong pakialam. Mas mabuti nga iyon para malaman ng lahat lalo na ng mga schoolmate naming lalaki na akin ang babaeng 'to!. Mas lalo akong napangisi, sigurado akong mukha na akong timang.
"Ano ba! Trex!"
"Ano?"
"Bitawan mo 'ko!"
"Ayaw!"
"Ibabalibag kita! Sige!"
"Ooh. I'm scared," pang-aasar ko pa. Nang maramdamang nagagalit na siya ay agad ko nang tinigilan atsaka tatawa-tawang inakbayan siya at iginiya papuntang parking lot.
"Saan tayo pupunta? Hindi pa tapos ang event." angal niya ngunit nagtuloy-tuloy ako sa pag-giya sakaniya hanggang sa marating namin ang kotse ko. Agad ko siyang inalalayan pasakay.
Mas mabuti pang libutin namin ang buong Lipa kaysa manatili sa loob ng campus. Puro sports lang naman ang mapapanood ngayon, masyado rin mainit para maglibot tapos puro mga booths lang rin naman ang makikita. Boring. Kukunin ko nalang ang opportunity na to na ma e date si Alliyah.
Ang kapal kasi ng mukha kong magdemand ng pagmamahal niya pero ni simplemg date ay hindi ko maibigay. Tanging iyong pagkain lang namin after school ang nagiging date namin. Tuwing weekend naman ay nahihiya akong mag-ayang lumabas dahil baka kailangan niya ang dalawang araw na iyon para magpahinga. Nahihiya rin pati ako sa mga magulang niya, ako na nga ang parati niyang kasama tuwing school days parang hindi na makatarungan kung pati ang weekend niya ay kukunin ko pa.
"Uy! Saan tayo pupunta?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Let's date,"
"Eh, pa'no ang event sa school?"
"Aarangkada naman yun kahit wala tayo."
Hindi mawala ang ngiti ko habang bumabyahe, lalo na at kumalma na si Alliyah at hinayaan na ako sa gusto ko. Salamat at nakuha ko na ang driver license ko kaya makakapunta kami kahit medyo malayo. Saulo ko rin ang pasikot-sikot sa buong Batangas dahil sa madalas na pagbyahe namin nina Tito tuwing bakasyon. Napangiti ako nang tingnan ko ang relos ko at makitang 11:30 am pa lang. Marami pang oras ang mailalaan namin sa pamamasyal.
"Gusto mong maglunch muna?" tanong ko at saglit siyang sinulyapan.
"Doon na lang sa pupuntahan natin, busog pa 'ko." tugon niya, nakangiti naman akong tumango atsaka hinawakan ang kamay niya. Mas lalo akong nangiti ng hindi siya umalma.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Подростковая литература(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...