Alliyah
"Alli..."
Di pa man kami nakakaabot ng sala ay narinig ko na naman ang pagtawag ni Trex.
Jusko naman!
Wala sa sariling napalingon ako sakaniya.
"B-bakit?"
"Bilisan mong maligo ah?" malapad ang ngiting ani niya.
"B-bakit?"
"Mamamasyal tayo.." nakangising tugon niya habang nagtataas- baba ang kilay.
"A-ano? Teka..." parang sumakit ang ulo ko sa narinig.
Mamamasyal kami?! Date ganon?
"Why?" natitigilang tanong niya.
"Ayoko!" nanginginig na singhal ko pagkatapos ay tinalikuran siya.
"Anong ayaw mo?!" di makapaniwalang tanong niya, batid kong magkasalubong na ang kilay niya.
"Ayoko lang, t-tinatamad ako." dahilan ko, ang totoo kasi niyan ay di pa ako nakakarecover sa nangyari kagabi. Di ko alam kung pa'no siya pakikitunguhan ng walang awkwardness.
Napaiktad ako at napatigil sa paglalakad ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
"Ano ba?!" singhal ko atsaka umatras dahil sa lapit naming dalawa. Baka kung ano naman ang gawin niya, hindi pwede dahil nasa loob kami ng bahay. Mahirap na.
"Please..." seryoso, emosyonal talagang usal niya. Natigilan naman ako. "Go out on a date with me..."
"P-pero..."
"Sige na...ngayong araw na ito lang." paki-usap niya, at bakas ang kaseryosohan sa mukha niya kaya nagtaka ako. "Be with me today..."
Napabuntong hininga ako saka tinitigan siya sa mga mata na di ko rin nakayanang tagalan.
"Okay," kunyari napipilitang sagot ko atsaka ako dali-daling pumasok ng banyo.
Ilang minuto pa'kong natulala sa loob bago inumpisahan ang pagligo. Dalawang beses akong nagsabon ng katawan at halos magkandasugat ang balat ko sa pagkuskos. Nang matapos ay nasampal ko ang sarili ko dahil sa katangahan, dapat ay nagdala na ako ng damit dito sa banyo.
Makikita ako ni Trex ng nakatapis lang!!!
Huminga ako ng malalim saka lumabas ng banyo. Napaigtad ako ng makita si mama sa kusina, napabuntong hininga siya at tinapunan ako ng seryosong tingin. Sa di malamang dahilan ay kumabog ng malakas ang puso ko.
"M-ma..."
"Bilisan mo na diyan dahil kanina pa nag-aantay sa'yo si Trex." seryosong usal niya.
"O-opo," kabadong tugon ko.
Nang makumpirmang nasa sala nga si Trex ay nagkunwari akong hindi siya napansin atsaka ako dali-daling pumasok ng kwarto. Nagkandaugaga pa'ko sa paghahanap ng maisusuot. Mas naging conscious ako sa magiging itsura ko ngayong makakasama ko si Trex.
Matapos magbihis ay ilang beses ko pang sinipat ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto. Sa sala ay naabutan ko si Trex na naglulumikot sa cellphone niya. Nang mapansin niya 'ko ay agad siyang tumayo at ngumiti na di ko masuklian dahil sa naghaharumintado kong puso. Sobrang gwapo ni Trex kaya di ako makapaniwalang sa'kin siya nagkakagusto.
"Ready?" nakangiting usal niya. Ang gwapo!
"H-ha.." napapikit ako dahil batid kong magmumukha akong tanga.
"Sabi ko, kung ready ka na? Aalis na tayo." nakangiti paring ani'ya wala sa sariling napatango naman ako. Napigil ko ang paghinga ko ng lumapit siya sa'kin at igiya ako palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Teen Fiction(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...