Alliyah"I'm so excited! This is our first time," tili ko habang nasa biyahe kami ni Trex.
"I'm sure mag-eenjoy ka doon." matamis ang ngiting tugon niya
We're on our way to Tagaytay for our birthday celebration and ofcourse for our second anniversary. Honeymoon lang ang peg! Parang kailan lang talaga sino ang mag-aakala na aabot kami ng dalawang taon.
Buti nga at napapayag ni Trex ang mga magulang ko. Hindi niya na sinabi kung paano niya kinombinse sina mama, sa side niya naman ay walang problema. Nang sabihin niyang aalis kami ay nakahanda na ang lahat kahit ang hotel room na tutuluyan raw namin doon. We will stay there for three days. Lumiban pa kami ngayong Friday para saktong Sunday ay nakabalik na kami. Sobrang excited ako since it's our first out of town at wala akong iisipin na kahit ano. Kahit ang mga magulang ko dahil bukas sa loob naman silang pumayag.
After one hour narating na namin ang hotel. Paglabas ko pa lang ng kotse naramdaman ko na kaagad ang malamig na hangin ng Tagaytay kaya mas lalo akong na excite. Agad akong iginiya ni Trex papasok at ayon na naman ang mode niya na para talagang sabay na sanay siyang magtravel. Ang husay pa niyang makipag communicate.
Isang staff ng hotel ang umalalay sa'min patungo sa pinareserve na room ni Trex. Sa narinig ko kanina ay isang room lamang iyon, wala namang kaso sa'kin kahit na magsama kami sa iisang room. Naranasan naman namin matulog sa iisang kama at kumportable na rin kami sa isa't-isa.
Ngunit ang hotel room pala na pinareserve ni Trex ay mayroong two bedroom at maliit na sala. Magkano naman kaya ang isang gabi dito. Nang sabihin niyang pupunta kami dito ay talagang pinilit ko siyang hayaan rin akong gumastos. Malaki rin ang naipon ko dahil sa ilang buwan na hindi niya ako hinahayaang gumastos kapag magkasama kami. Napapayag ko naman siya pero grabeng pilitan pa.
Nang makaalis ang staff sabay kaming pumihit ni Trex nang pintuan. Ako sa kanan at sa kaliwang kwarto naman siya. Napatango siya at muling isinara ang pinto ng magiging kwarto niya. Taka naman akong napatingin sa kaniya nang mabilis siyang lumapit sa'kin. Nagkatitigan kami at para bang naiinip na siya na hindi ko pa binubuksan ang pintuan kaya siya na ang gumawa.
Agad ko namang nakuha ang gusto niya kaya lumipat ako sa kabilang kwarto. Saktong pipihitin ko na ang sidura nang sumunod siya sa'kin at huminto sa likuran ko. Napabuntong hininga ako at nagpaubaya nalang.
"What the hell?!" inis na singhal niya nang lumipat ako sa kabilang kwarto. "Love, naman! Parehong kwarto lang iyan,"
Laglag ang panga ko sa iginigiit niya. "Yun naman pala, e! Ikaw ang hindi maka-decide diyan kung saan ka na kwarto,"
"What?"
"Kung alin ang mapipili ko, aagawin mo!"
"Ano?" naguguluhan talagang tanong niya.
"Ewan ko sa'yo!" singhal ko atsaka pumasok sa kwarto at binagsakan siya ng pinto.
"Seriously?!" hindi ko pa man nailalapg ang gamit ko ay nakasunod na kaagad siya! "So gusto mong tig-iisa tayo ng kwarto?"
Inis kong nilagay sa cabinet na nadodoon sa kwarto ang bag ko. "Malamang! Anong silbi nitong hotel suite na kinuha mo na may dalawang kwarto?" singhal ko atsaka sinimulang inilabas ang mga damit ko.
Nakangisi siyang lumapit sa'kin atsaka ginaya ang ginagawa ko. Nakamaang naman akong nakatingin sa mga gamit na inilalabas niya.
"Sino nagsabi sa'yong papayag akong di tumabi sa'yo?"
"Eh, ba't ganitong kwarto ang kinuha mo kung ganon?" nanghahamon na tanong ko.
Huwag niyang sabihin na nag-aaksaya lang siya ng pera!
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Fiksi Remaja(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...