Alliyah
Napagkasunduan naming 9:30am ay dapat nakahanda na kami dahil susunduin kami ng driver nila Trex isa-isa, nakakahiya nga namang magpahintay pa. Kaya 7am palang ay gising na'ko, naghanda muna ako ng mga dadalhin ko bago lumabas ng kwarto, naabutan ko naman si mama na nagluluto ng agahan.
"Anong oras kayo aalis?" tanong niya na hindi inaalis ang atensyon sa niluluto.
"9:30 po." sagot ko habang sinisilip ang niluluto niya.
"Mag-iingat kayo dun, wag magpagabi ng uwi." striktong habilin niya.
Ganyan siya, papayagan niya kong gumala pero dapat bago dumilim ay nasa bahay nako.
"Opo." sagot ko at tinungo ang maliit na stock room namin para kumuha ng walis at map.
Maglilinis muna ako ng sala dahil maaga pa naman, isa pa nakakahiyang maglakwatsa ng hindi mo nagagawa ang mga gawain mo. Hehe.
Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako at kumain, saktong 9am ay nakaupo nalang ako sa sala at nanood ng palabas habang naghihintay ng sundo.
Di ko mapigilang ma-excite para mamaya, matagal-tagal narin kasi nung huling outing namin ng mga kaibigan ko. Tapos ngayon ay may bago pa kaming makakasama, dati kasi ay kaming anim lang talaga.
Nang mainip ako sa panonood ay nagpasya akong bumili nalang muna ng dadalhin ko sa malaking sari-sari store na nasa tapat ng bahay namin.
"Tao po." tawag ko ng makarating ako dun.
"Oh, Alli, anong bibilhin mo?" malaki ang ngiti ni Aling Nena ng bumungad siya sakin. Kaya nakangiti ring sinabi ko ang mga bibilhin ko.
"Ang dami naman niyan." puna niya matapos ibigay ang pinamili ko.
"Dadalhin ko po sa outing namin." paliwanag ko habang nag-aabot ng bayad.
"Mabuti pa kayo ng pamilya mo may quality time." nakangiti paring sabi niya
"Ah, mga kaibigan ko po ang kasama ko."
"Ganon ba?"
"Opo, katatapos lang kasi ng exam namin."
"Kung ganun ay mag-iingat kayo doon o siya tatapusin ko pa ang labahin ko."
Nginitian ko naman siya saka binalingan ang mga pinamili ko na nasa plastic, kukunin ko na sana ito ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan.
Isang pulang pick-up ang huminto sa tapat ng bahay namin sakay ang mga kaibigan ko.
"Alliiiii!" sigaw ni Shandy sa tapat ng bahay namin.
Walang hiya talaga..
"I'm here!" sigaw ko rin pabalik dahilan para mapalingon sila sa gawi ko.
Kinuha ko ang mga pinamili ko at di pa man ako nakakatatlong hakbang ay nailapag ko na ito dahil sa bigat. Anim na tig-1.5 litres na softdrinks ba naman ang laman.
"Tulong naman mabigat, eh!" inis na sigaw ko sa mga kaibigan ko na parang tuod na nakatunganga sakin.
Kita ko naman ang pagbaba ni Cyrel at ilang hakbang lang ay nasa harap ko na siya, at binitbit ang dalawang malaking supot.
"Ang dami naman nito, Alli." puna ni Alice ng makarating kami sa tapat nila.
"Madami rin tayo, eh." kumakamot sa ulo na sabi ko.
"Oh, ano pang hinihintay mo? Sakay na!" excited na sigaw ni Irene sakin.
"Wait lang kukunin ko lang gamit ko." sabi ko saka tumakbo papasok ng bahay at kinuha ang bag ko sa sofa.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Fiksi Remaja(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...