TrexNagising ako sa sunod sunod na pagring na yun inis ko namang hinanap ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumawag ng ganito kaaga. Automatic naman na nawala ang inis ko ng makitang si mommy ang tumatawag.
"Mom," bungad ko pagkapindot ko ng call button.
"Anak!" bakas ang pagkatuwa sa boses ni mommy ng banggitin niya yon kaya napangiti rin ako.
"Yes?" sagot ko ulit tsaka humihikab.
"Bagong gising ka anak?"
"Opo."
"Anong oras na ba diyan diba may pasok kapa?"
Napatingin naman ako sa wall clock ko. 5:45 palang. Tsk.
"5:45 pa lang. Maaga pa masyado 7:30 pa pasok ko."
"Okay nang maaga kang magising para di ka malate. Kumakain kaba ng maayos diyan? Baka puro instant foods mga kinakain mo, ha? Naku pag ikaw nagkasakit diyan wala—"
"Mommy kaya ko ang sarili ko." pigil ko sa kaniya.
Memorize ko na ang mga sasabihin niya dahil araw araw niyang sinasabi sakin yan.
"Sigurado ka ba? Dapat kasi dun ka muna kina tita mo para may nag-aalaga sayo."
Nahihimigan ko ang pag aalala sa boses ng nanay ko pero wala siyang magawa dahil nasa malayo siya.
"Mom, okay lang talaga ako dito isa pa sayang naman tong pinatayo niyong bahay kung walang titira dito." pagpapagaan ko ng loob niya.
"Sure ka, ha?"
"Mommy, college nako next school year, 'wag mo nakong i-baby." natatawang sagot ko sa kaniya napabuntong hininga naman siya
"Oh, siya sige na. I'll hang up na pagod pa kasi ako galing work, ang daddy mo nauna ng magpahinga. Take care of yourself okay? I love you."
"I love you too, mom. Take care din." sagot ko saka pinatay na ang tawag.
Bumangon nako at niligpit ang kama ko dahil wala akong katulong na gagawa nito. Pinipilit ako ni mommy na maghire ng kasambahay pero ayaw ko, gusto ko yung ako lang mag isa dito sa bahay mas payapa ako. Naligo na muna ako para dire- diretso na. Sa kalagitnaan ng pagligo ko ay bigla siyang pumasok sa isip ko kaya napangiti ako, walang araw na di ko siya naiisip.
Ano na kayang ginagawa niya?
Minadali ko na ang pagligo ko dahil magluluto pako't kakain, nagbihis na agad ako pagkatapos kong maligo ...hindi naman ako babae na marami pang inilalagay sa katawan bago magbihis. Kinuha ko na ang bag at cellphone ko atsaka tinungo ang pinto ng kwarto ko ngunit bago pako makalabas ay nahagip ng paningin ko ang malaking picture frame niya na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.
Ang ganda talaga niya lalo na pagnaka ngiti siya.
Pinagmasdan ko pa muna ito bago tuluyang lumabas.
Pagkapasok ko ng kusina ay napabuntong hininga ako malaki ang kusina namin at malinis kaya gaganahan ka talagang magluto. Naghanap ako ng madaling lutuin sa ref, nakakita naman ako ng itlog at bacon kaya sinimulan ko na itong iprito. Natuto akong magluto sa tita ko nagpaturo talaga ako sakanya dahil gusto kong maging independent, ang tita ko rin ang nag alaga saakin hanggang sa maisipan kong bumukod na. Nung una ay ayaw niyang humiwalay ako sa kanila ngunit nagpumilit ako dahil kaya ko naman na ang sarili ko.
Pagkatapos kong kumain ay sinigurado ko munang nakalock lahat ng pintuan sa bahay bago umalis patungong school.
Alliyah
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Novela Juvenil(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...