Chapter 39

48 9 0
                                    

Alliyah

Kagaya ng mga nakaraang umaga, nagising ako dahil sa ingay ng mga hayop sa paligid. May baka, manok, aso, pusa, kambing at iba. Mga nagsisilbing alarm clock ng mga tao dito. Ano nga bang aasahan ko sa probinsya? Yes province! Tatlong linggo na kaming nandito sa bahay ng lola't lolo ko—parents ni mama. Hindi ko iniexpect na dito kami magpapalipas ng bakasyon, two years ago pa kasi ang huling bisita namin dito.

Tamad akong bumangon at tinungo ang bintana, binuksan ko ito para salubungin ang pang-7 am na sikat ng araw. Napangiti ako ng maamoy ang mabangong hangin ng probinsya, mula dito sa kinatatayuan ko matatanaw ang malawak na palayan na dating pag-aari ng lola't lolo ko. Maaga pa lang pero malawak na ang natapos ng mga magsasaka. Sa kabila ng pagliparan ng modernong makinarya nanatili pa rin ang tradisyonal na pamamaraan sa pagtatanim ng mga tao dito. Mula sa palayan dumako ang paningin ko sa malawak na taniman ng mangga, napakagandang tingnan niyon dahil hitik sa bunga ang lahat ng puno. Siguradong three days from now, harvest time na nila.

"Hoy ate, bumaba ka na diyan ang pangit mo!"

Nasira ang magandang ngiti ko nang marinig ang sigaw ng asungot kong kapatid. Dumungaw ako sa bintana para makita si Lucky, sinamaan ko siya ng tingin pero talagang wala siyang takot. Iniligpit ko na muna ang higaan ko at naligo bago bumaba, dumeretso ako sa kusina dahil paniguradong nandoon si mama. Malayo pa 'ko pero naamoy ko na ang niluluto niyang tuyo.

"Mabuti naman at maaga kang nagising." bungad ni mama. "Tawagin mo na nga ang papa at mga kapatid mo dun, kakain na."

Lumabas ako sa bahay para hanapin si papa na paniguradong nasa likuran ng bahay, nauna kong nakita si Lucky na nagpapakain ng manok. Akma ko siyang dadakmain pero agad siyang nakailag at nakatakbo. Pasalamat siya bagong ligo ako kaya ayokong pagpawisan. Pinuntahan ko naman si papa sa maliit niyang hardin sa likod, busy sila ng bunso namin sa mga tanim nilang gulay doon. Cute na cute ang kapatid ko sa suot niyang leggings at sando na pinatungan ng checkered na long sleeve polo, lalo na ang suot niyang pink na bota at maliit ring sumbrero. Mukha siyang farmer na maliit. Patakbo ko siyang nilapitan at kinurot sa pisngi.

"Ang cute ng bata na yan. Pose ka nga diyan, dali!" ani ko na agad niya namang ginawa. Dali dali kong binuksan ang cellphone at kinuhanan siya ng maraming picture. Nanggigil talaga ako sa ka-cutan niya, muntik pang umiyak dahil napadiin ang kurot ko.

"Kailan po ba tayo uuwi?" tanong ko nang nasa hapag kainan na kami.

"Bakit? Miss mo na si Trex?" pang-aasar ni papa.

"Hindi naman po, papa."

"Sus ate, deny pa! E halos umiyak ka nga pag walang signal." singit ni Lucky. Inis na inambaan ko siya.

"Manahimik ka nga diyan!"

"Nasa harap kayo ng pagkain." saway ni mama. "Gusto mo na ba talagang umuwi, Alli? Kahapon mo pa itinatanong iyan." dagdag niya.

"E kasi ma, baka nakakalimutan niyo malapit na enrollment namin." sabi ko at mukhang natauhan si mama doon.

Totoo naman kasi! By second week of May start na ng enrollment. Ayoko pa naman na nahuhuli pagdating sa mga ganyang bagay. Atsaka fine! Gusto ko na ring makita si Trex. Nung pumunta kami ng lighthouse ang last na kita ko sakaniya, three days after kasi nun kami pumunta dito sa probinsya. Hindi ko nga alam kung bakit biglang nagdesisyon parents ko na pumunta dito, dati naman pinagpaplanuhan pa muna nila.

Mahirap rin ang signal sa lugar na 'to kaya hindi kami araw-araw na nakakapag-usap ni Trex, ni hindi ko nga ma-open FB account ko. Pahirapan rin ang pagsend at pagreceive ng text message. Nasa Batangas pa rin naman itong probinsya na kinalakihan ni mama pero malayo na sa sibilisasyon. Kaya gustong-gusto ko ring magbakasyon dito, dahil talagang kikinis ang balat mo sa healthy na hangin dito. Ngayon lang naman ako medyo nagkaroon ng problema sa lugar na 'to dahil syempre may isang tao na 'kong kailangan contact-kin.

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon