Chapter 51

21 6 0
                                    

Alliyah

Abot kamay ko na. Iyan kaagad ang pumasok sa isip ko sa unang araw ng huling taon ko dito sa DLSL. Pero habang nadaragdagan ang araw ng klase tila ba ka'y tagal ng hinihintay kong pagtatapos. Lahat ng hirap na hindi ko naramdaman noong previous years ko sa accountancy, ngayong fourth year nagbagsakan saakin. Buti na lamang at naumpisahan kong irevise ang thesis ko bago magpasukan kaya kaunti na lang ang kailangan kong tapusin. Nakatulong rin ang pag-alis ko sa writer's club. Nabawasan ang mga aalahanin ko at mas nakapag focus ako sa loob ng classroom.

Natigil ako sa pagtitipa sa aking laptop ng dumaan si Trex sa aking harapan. Wala kaming klase sa P.E subject namin ngayong hapon kaya napagpasyahan kong gawin ang thesis ko dito sa bench. Nasa cellphone ang atensyon niya kaya malamang hindi niya 'ko napansin. Wala na akong kaalam-alam sakaniya, hindi ko na siya madalas na  nakikita dahil nagkaiba kami ng section.

Minsa'y nagtetext sa'kin si kuya Wilson o kaya naman ang tito at tita niya at nangangamusta. Ngunit kahit minsan hindi nila nabanggit ang tungkol saamin ni Trex. At bakit pa diba? They are matured enough para intindihin pa ang problema naming dalawa.

Third month ng klase puspusan na ang paggawa ko ng thesis, balak ko kasing tapusin ito bago ang OJT namin. Walang gabi or vacant rin na hindi ako nagrereview dahil panay ang pa-quiz at exam ng mga teacher. By fourth month of this school year tapos na kami sa mga lessons namin. Nagdidecide pa raw ang faculty kung dito sa Batangas o Manila ba nila kami i-aasign para mag-OJT.

Kung ako lang, mas gugustuhin kong dito na lamang sa Batangas, dagdag expenses lang kapag lumayo pa although may allowance naman kaming matatanggap mula sa school. Marami naman nang naglalakihang kompanya rito sa Lipa na pwede naming pagstay-han, at hindi nagpapahuli ang mga iyon sa paggawa ng pangalan sa industriya.

Nag-inat ako ng braso nang makaramdam ng pangangalay. Pagkatapos naming maghapunan kaagad kong pinagpatuloy ang paper ko. Ni hindi ko namalayan ang oras, alas onse na ng gabi. Akmang magtitipa ako ulit nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Papa.

"Pa?!" gulat kong pagtawag na kaniya ring ikinagulat. Patay na kasi ang ilaw sa buong bahay at tanging laptop ko lamang ang nagsisilbing ilaw ko.

"Anak, gabi na, ah!"

"Oo nga, pa. Bakit ngayon ka lang?"

Nangunot ang noo niya at pagod na ibinagsak ang sarili sa sofa. "Naku! Kinailangan kong magdagdag ng oras sa pagsupervise,"

"Grabe naman iyon, Pa. Marami ba talaga ang ilalabas na products?"

"Hindi naman, tuwing katapusan kasi ay kailangan kong magreport sa head,"

"Ganoon po ba?" mahinang ani 'ko. Nakakaawang tingnan si Papa sapagkat bakas talaga ang pagod sa katawan niya. "Kumain ka na, Papa?"

"Hindi ko na kayang kumain pa, nak. Gusto ko nang matulog," tugon niya at tumayo na.

"Kahit kaunti lang po,"pamimilit ko ngunit sinenyasan niya lang ako.

"Ikaw rin matulog na."

Naging sunod-sunod ang ganoong oras ng uwi ni Papa, minsan umaabot pa siya ng alas dose. Pinagsasabihan naman siya ni Mama na huwag abusuhin ang katawan pero sadyang ayaw makinig ni Papa. Sayang naman daw ang ibinabayad sa overtime lalo na't may kalakihan rin daw.

"Miss Lazaro, you are arrested for violating one of our rules!"

Napa-singhap ako sa gulat nang palibutan ako ng mga grupo ng estudyante. Banta ko'y nasa lima sila at hindi ako familiar sa pagmumukha nila.

Kunot noong napatingin ako sa kanila, hindi ako makapagsalita dahil sa kaguluhan hanggang sa sapilitan nilang hilahin ang mga kamay ko at pinusasan ako. Ang iba naman ay sinikop ang mga gamit ko pagkatapos ay pwersahan akong hinila.

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon