Chapter 8

115 33 0
                                    

Alliyah

"Yes! Tapos na!"

"Wohoooo!"

"It's time to party!"

"Hay salamat!"

Nagtatatalon ang mga kaklase ko sa tuwa ng makalabas ang adviser namin dahil sa wakas ay natapos na ang dalawang araw na kalbaryo namin. Sobra kaming nahirapan sa exams siguro ay sinulit na ng mga teachers. Halos hindi na kami nakakapag-usap dahil tuwing may libreng oras ay inilalaan namin iyon sa pag-rereview sa susunod na eexamin.

"Sa wakas makakatambay na ulit tayo sa burger shop." kunwaring naiiyak na sabi ni Shandy.

"Oo nga kakain talaga ako ng marami."

"Oro, my loves! I miss you so much!"

Natawa kami ng isigaw iyon ni Irene habang nakayakap sa sarili. Si mang Oro kasi ay ang may-ari ng burger shop.

"Tara na nga!" natatawang yaya ko sa kanila

"Sama naman kami." napalingon kaming lahat sa sigaw ni Mark.

Nginitian ako ni Trex ng magtama ang paningin namin ngunit di ko nagawang tumugon, dali akong napayuko dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi.

Simula ng ihatid niya ako sa bahay ay hindi na ulit kami nagkasalamuha dahil sa pagiging busy namin sa exams. Hindi ko parin alam kung pano siya pakikitunguhan, di ko parin kasi nakakalimutan ang naramdaman ko ng gabing yun.

In my 16 years of existence ay ngayon ko lang naramdaman yun. Siya lang ang nakapagparamdam sakin nun.

Yun yata ang tinatawag nilang kilig.

So kinilig ako dahil sa kaniya?!

Hindi! Hindi ako kinilig! Malakas lang siguro ang naging impact sakin ng sinabi niyang di ako abala sakanya. Tama! first time kong marinig yun sa isang lalaki kaya ganun ang naramdaman ko. Bakit naman ako kikiligin sa kaniya di ko naman siya crush.

Tama! Ang talino ko talaga.

"Hoy, Alli! Tara na!"

Umalis na kami ng room kahit hindi pa naglilinis, hindi naman kasi kami yung matatawag na mabuting estudyante.

Yes, we obey rules...but not all the time.

Nasa pathway na kami malapit sa gate ng mapansin kong hindi namin kasama si Trex, nauuna kasi sila sakin at mag-isa naman ako sa likuran kaya nakikita ko silang lahat. Napatigil ako sa paglalakad at isa-isang tinignan ang mga kaibigan ko, tumingkayad pa ako pero wala talaga akong makitang Trex.

"Nasan na siya?" bulong ko.

"Sino?"

Nagtayuan ang mga balahibo ko ng may magsalita sa likuran ko.

Ayaw ko itong lingunin dahil batid ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Sobrang lapit nito sakin dahil ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko, naikuyom ko ang mga kamay ko at mariing napapikit dahil sa kuryenteng lumukob sa buong katawan ko.

"T-trex." halos wala ng boses na sambit ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

Shit!!!

Nanginig ang tuhod ko dahil sa sobrang lambing ng boses niya. Dumagdag pa ang init ng hininga niya.

Pumikit ako at bumilang hanggang tatlo.

"Umalis ka nga dyan!!!" di ko na nakayanan ang presensya niya kaya buong lakas akong sumigaw.

"H-hey! Ano ba?! Why are shouting?!"

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon