AlliyahIsang buwan na ang nakalipas magmula ng graduation namin, nang araw na 'yon ay walang mapaglagyan ang tuwa ko hindi lang dahil naging valedictorian ako kundi dahil na rin sa napasaya ko ang mga magulang ko. Wala naman akong ibang gusto kundi ang maging masaya sila at maging proud sa'kin. Nagkaroon rin kami ng kaunting celebration sa bahay, nagsidatingan ang mga kamag-anak namin at ilang kakilala. Hindi man nakadalo ang mga kaibigan ko dahil may kanya-kanya ring selebrasyon ay naging masaya parin ang araw ko.
At ngayong bakasyon ay ginugugol ko ang oras ko sa pagrereview dahil magte-take ako ng exam para makakuha ng scholarship sa university na gusto kong pasukan. Pangarap ko kasing makapasok sa school na 'yon ngunit masyadong mahal ang tuition fee, hindi kakayanin ng mga magulang ko kaya ako nalang ang gagawa ng paraan para makatulong kahit papaano.
Natigil ako sa pagbabasa ng tumunog ang cellphone ko agad ko itong dinampot at bumungad sakin ang group chat namin.
Alex: I miss you guys huhuhu
Alice: missyou
Nica: Miss ko narin kayo
Shandy: Huwaaaa!
Irene: Magkita naman tayo please!..
Natawa ako habang binabasa ang mga messages nila, noong graduation pa kasi ang huli naming pagkikita at hindi na nasundan pa dahil may kanya kanya kaming pinagkakaabalahan, at hindi rin kami araw-araw kung mag chat.
You: Edi magkita
Alex: Saan at kailan?
Irene: outing tayo!!
Alice: outing na naman?
You: iba naman please...
Nica: oo nga
Shandy: bwisit na signal to!
Irene: saan niyo ba gusto? Kahit saan nalang basta magkita- kita na tayo ASAP!
Alex: wait lang
Hinayaan ko na silang magdiskusyon at ibinalik ang atensyon sa binabasa, sa mga ganyang pagpa-plano kasi ay hindi ako nakikisali. Tinatamad kasi ako sa mga ganiyan. Sasama naman ako sa lakad kahit wala ako sa plano hehe.
Muli ay nalunod ako sa pagbabasa at pagmemorize ng mga importanteng detalye. Kataka-taka ring natigil na sa pag-tunog ang cellphone ko.
Baka busy na sila sa pag-iisip kung saan kami gagala..
Nasabi ko sa isip ko. Nang mabagot ako at makaramdam ng uhaw ay lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina, nadatnan ko naman dun ang mga kapatid ko at si mama.
"Oh! Himala at nandito kayo sa bahay." turo ko sa mga kapatid ko na parang mga aso na nakatanaw sa nilulutong miryenda ni mama.
"Kakauwi lang ng mga 'yan, ginutom siguro kakalaro." sagot ni mama dahil hindi man lang ako pinansin ng mga kapatid kong feeling panganay.
Nagkibit balikat nalang ako at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig saka naki-dungaw rin sa niluluto ni mama.
"Magtimpla ka nga ng juice, Alli."
Utos ni mama na agad ko namang sinunod. Naghanda narin ako ng mga plato pagkatapos.
Maya maya lang rin ay nasa hapag na kami at kumakain.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Teen Fiction(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...