Alliyah
Habang hila hila ako ni Trex papunta sa kung saan man ay nakatuon lang ang paningin ko sa magkahawak naming kamay.
Gaga! Siya lang ang may hawak sayo..at wrist mo yung hawak niya!
Napasimangot ako dahil sa pagkontra ng utak ko, pwersahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya napatigil siya sa paglalakad atsaka takang nilingon ako.
"Bakit?"
"Saan ba tayo pupunta?" naiinis na tanong ko.
"Tatakas," kaswal niyang sagot sabay pansak ng dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya.
"Ano?! Bakit tayo tatakas? Anong ginawa mong kasalanan ha?! Jusko naman, Trex!"
Naghehesterikal ako sa kaalamang tatakas kami, at saan naman kami pupunta? Ba't kailangan niya kong isama?! Ano yun tatanan kami?!
"Ano ba?! 'wag ka ngang praning!" pigil ang sigaw na aniya sabay hawak sa magkabilang balikat ko para ipirme ako sa kinatatayuan ko.
Tinapik ko ang mga kamay niyang nasa balikat ko saka namaywang sa harap niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta atsaka ano yung sinasabi mong gagawin natin?!" taas ang kilay na tanong ko pa.
"Aish! Basta!" parang batang ungot niya saka hinila na naman ako.
Nagpatangay lang ako sakanya hanggang sa huminto kami sa bench na tinambayan namin kahapon, saka niya lang binitawan ang kamay ko pagkatapos ay padabog na umupo. Pumunta naman ako sa harap niya at itinukod ang dalawang kamay sa mesa atsaka dumungaw sakanya. Taka naman siyang tiningala ako.
"Ano bang problema mo? Alam mo namang kumakain pa yung dalawa dun nilayasan mo na agad, nandamay ka pa." mataray na ani ko.
"Masyadong madaldal ang dalawang 'yon." salubong ang kilay na usal niya.
"Oh? Eh, ano naman?"
"Hindi tayo agad makakaalis dun kung hihintayin pa natin sila dahil imbes na kumain ay kung ano-ano pa ang kinukwento nila." singhal niya.
Saka ko lang narealize kung gano kami kalapit sa isat-isa nang maamoy ko ang hininga niya.
Amoy menudo!
"Ang sama mo," nakangusong ani ko at naupo sa tabi niya.
"Ako pa ang masama? Eh, nilibre ko na nga sila!"
"Isa pa yan, ah! Tigilan mo na nga yang kakalibre mo!"saway ko.
"Sige ikaw nalang ang i-lilibre ko."
"Tigilan mo na nga!" sigaw ko sabay hampas ng mesa.
"Oo nga! Ikaw nalang ang i-lilibre ko!"
"Ano?!" gulat akong napaharap sakanya.
Salubong ang kilay na tiningnan niya rin ako.
"Ikaw nalang ang i-lilibre ko dahil mukhang nagalit ka dahil nilibre ko rin sila!" singhal niya saka siniringan ako.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin!" sigaw ko
"Eh, ano?!" sigaw niya rin.
Mukha na kaming tangang nagsisigawan dito.
"Sa'kin! Tigilan mo na yang panlilibre mo sa'kin." mahinahong usal ko.
"Dalawang araw pa nga lang kita nililibre."
"Kaya nga tigilan mo na baka maubos ang pera mo nakakahiya naman sayo." sarkastikong sabi ko ngumisi naman siya.
"Ha! Ako? Marami akong pera kaya manlilibre ako kung kelan ko gusto!"
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Подростковая литература(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...