Chapter 47

26 8 0
                                    

Alliyah

Imbes na magmukmok, I regained myself. Hindi na'ko nagbigay pa ng oras para isipin ang sinabi ng Dean at si Trex. Lahat ng kailangan kong gawin sa club para sa araw na ito hanggang bukas ay tinapos ko na. Ginawa ko ang mga assignments ko at pinag-aralan ang mga namissed kong lesson.

Mawala na lahat wag lang ang scholarship ko. Wala na akong pakialam pa sa honors o kahit anong award, mapanatili ko lang ito. Kahit na alam kong kayang igapang ng mga magulang ko ang tuition fee sa paaralang iyon—I just don't want to bring burden. Sayang pa ang perang iyon, mailalaan pa iyon sa mga gastusin dito sa bahay at sa mga kapatid ko. Maling-mali ang ginawa kong pag-lie-low sa studies ko. Masyadong mataas ang standard grade para sa'ming mga scholar, masyado akong nakampante dahil alam kong kaya ko, dahil matalino ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may kumatok sa pintuan ko. Hindi ko na sinagot dahil sigurado akong si mama iyon at pipilitin na naman akong kumain. Kanina niya pa ako tinatawag kaya lang pakiramdam ko mag-aaksaya ako ng oras kapag lumabas ako sa kwartong ito. Hindi pa naman ako nagugutom, ang kailangan ko ang mamemorize lahat ng formula. Dumagdag pa ang taxation namin—dito talaga ako pinakanahihirapan.

I'm uttering some formulas when my eyes drifted to someone who's  standing beside my bed. Di pa man ako nakakapag-react ay agad niya na akong dinaganan at pinaghahalikan sa leeg.

"Trex, ano ba," angal ko habang inilalayo ang ulo niya.

"I'm sorry," bulong niya matapos isiksik ang mukha sa leeg ko. Ganoon na lang kahigpit ang yakap niya sa baywang ko. "Kasama ko siya sa council,"

Malamang ang babaeng iyon ang tinutukoy niya. Napairap ko. "Oh, tapos?"

"Hinatid ko lang siya kasi naaawa ako sakaniya that night,"

"Maaawain ka pala," I sarcastically said.

Natawa siya, "Ginabi kami sa school dah—"

"Kayong dalawa lang?" singhal ko sabay kurot sakaniya.

"Syempre, kasama namin yung mga student council. Ano ba, hon!"

"Galit ka?" malamig na tanong ko atsaka kumalas sakaniya at tinungo ang study table. Saka ko lang rin napansin na naka uniform pa pala ako, alas otso na nang gabi.

"Babe, naman....gabi na kasi 'non tapos hindi siya masusundo ng daddy niya. Umuulan pa at dahil mabait ang boyfriend mo, hinat—"

"Whatever, Trex. I don't need your explanation."

Hindi naman ako nagalit sa narinig ko, eh. Well.... somehow hindi naman. And knowing the reason why he did that, mas lalong okay lang sa'kin kung may hinatid siyang iba. Delikado naman talaga kasi ang umuwi para sa isang babae na ganoon ang sitwasyon. Gabi na at umuulan pa. Ang hindi ko lang nagustuhan ay iyong ginawa niya kanina. Iyong huminto siya nang tinawag siya nang babaeng iyon kahit na nakita niya nang papunta ako sakaniya at malapit naman na.

Nabastos lang ang ego ko. Ni hindi niya man lang ako tinawag para ipakilala na girlfriend niya o kahit ang senyasan man lang ako na may kakausapin muna siya.

Useless reason man—wala akong pakialam, eh sa hindi ko nagustuhan.

"I'm sorry,"

Muli kong nilapitan si Trex na ngayo'y nakatayo na sa gilid ng kama. "Okay na...sige na. Umuwi ka na at magpahinga,"

"Pero, Babe..."

"Marami pa kasi akong gagawin, hindi  kita maasikaso dito,"

Nawala ang ngiti niya at seryoso akong tinitigan. Kapagkwa'y huminga ng malalim at lumabas ng kwarto ko. Ayaw ko naman kasing gawin 'yon, gusto ko siyang makasama pero ayoko ng distraction sa ngayon, bukas o sa mga susunod pang araw.

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon