Chapter 19

98 23 1
                                    

Alliyah

Nadagdagan ang inis ko nang sa mall ako dinala ni Trex imbes na sa bahay ng tita niya. Kinakalma ko ang sarili ko habang nakasunod sa kaniya dahil baka magdilim ang paningin ko't matadyakan ko siya sa harap ng maraming tao.

Kalma lang Alli, malay mo dito sa mall na ito nagtatrabaho ang tita niya....

"Trex," mahinahong tawag ko sakaniya pero sa loob-loob ko ay nanggagalaiti na'ko. Tumigil naman siya sa paglalakad saka hinarap ako.

"Why?"

"Akala ko ba pupunta tayo sa tita mo?"

"Oo nga, may bibilhin lang tayo dito 'wag kang excited." pang-aasar niya saka inakbayan ako. Pilit ko namang tinatanggal ang braso niya habang naglalakad kami pero masyado iyong mahigpit! " 'Wag kang malikot pwede?" angil niya.

" 'Wag kang umakbay pwede?"

"Bakit? Dahil baka isipin ng mga nakakakita na boyfriend mo'ko? Okay nga 'yon eh, sa gwapo kong 'to maiingit sila sa'yo." pang-aasar niya.

"Ang kapal mo talaga! Mapapahiya ako kapag inisip nilang boyfriend kita!" singhal ko, habang nilalabanan ang pag-init ng pisngi ko.

Salubong ang kilay na niyuko niya 'ko "Ibig sabihin nahihiya kang kasama mo'ko?!"

"Oo!"

"Kinakahiya mo'ko?!"

"Oo!"

"Di ako naniniwala." iiling-iling na usal niya, saka siya biglang natawa.

Nang makapasok kami sa isang bakeshop doon ay saka niya lang ako binitawan, nakahinga naman ako ng maluwag dahil naging normal na ang tibok ng puso ko. Talandot talaga!

"Sinong may birthday?" tanong ko habang busy siya sa pagpili ng cake, pero ang tukmol di man lang ako pinansin!

"I'll take this." tawag pansin niya sa babaeng naroon.

"Pakisulat nalang po dito ang gusto niyong ilagay sa cake, sir." Sabi ng babae, napasiring naman ako dahil nagpacute pa muna siya kay Trex bago kinuha ang cake!

Hoy ate estudyante palang yan! 'Wag mong dalihin!

Simula bayaran ni Trex ang cake hanggang sa makabalik kami ng kotse niya ay nakanguso ako! Naiinis parin ako sakaniya. I really want to make friends with Aira and Martha, iba parin kasi talaga pag babae ang kasa-kasama mo sa school. Pero dahil sa tukmol na ito ay nakokonsyumi ang pakikipag-kaibigan ko! Pakiramdam ko ay pinipigilan niyang mapalapit ako sa dalawa, masyadong halata sa kaniyang napipilitan lang siyang makisama sa kanila tuwing lunch. Ilang beses na rin kaming inanyayahan ng dalawa na sumama sa kanila pagkatapos ng klase pero panay rin ang tanggi ni Trex, dinadamay pa'ko! Gusto ko mang umalma ay di ko na magawa dahil bago ko pa mamalayan ay hila-hila niya na'ko papuntang kotse!

Naiinis kong sinulyapan ang nagmamanehong si Trex. Bubulyawan ko na sana siya ulit ng maalala ko ang mga magulang ko, agad kong kinuha sa bag ang cellphone ko at tinext si mama.

"Who are you texting?" tanong niya

"The hell you care!" siniringan ko siya.

"I was just asking," nakangusong aniya. Pangit! Di bagay!

Napabuntong hininga ako. "Si mama, nagpaalam lang ako." tugon ko, sa gilid ng mata ko ay nakitang ko siyang napalingon sakin.

"No need, ipinagpaalam na kita." usal niya, gulat na napatingin naman ako sakaniya.

"Kailan?!"

"Kaninang umaga."walang ganang sagot niya.

"Ba't di'ko alam?!"

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon