Alliyah
Mabilis na lumipas ang araw, linggo at buwan. Parang kailan lang ay unang araw palang ng klase, ngayon ay nagkukumahog na kami sa pag-rereview para sa first quarter exam. Kaya heto ako ngayon kahit sunday ay libro at notes ang kaharap, pinag-iigihan ang pagrereview dahil ang exam sa college ay hindi kagaya sa highschool na may pagpipilian kang sagot sa bawat tanong.
Nabitawan ko ang librong hawak ng biglang tumunog ang cellphone ko, dagli ko itong kinuha at tiningnan.
Trex
Kumusta pagrereview? Pumapasok ba sa brain mo?
received: 7:38pmTo: Trex
Malamang! Saan ba papunta ang binabasa? Syempre sa utak!
Sent: 7:38pmHindi ko pa man naiibaba ang cellphone ko ay tumunog na naman ito.
Trex
Wag ka ngang high blood! Parang tinatanong lang eh.
Received: 7:39pmTo: Trex
Nagrereview ka ba?
Sent: 7:39pmTrex
Yes,why?
Received: 7:39pmTo: Trex
Oh? Ba't cellphone inaatupag mo?
Sent: 7:40pmTrex
Ikaw rin naman ah!
Received: 7:40pmAng bilis niyang magreply! Binalingan ko muna ang mga libro ko atsaka nagtipa ng irereply.
To: Trex
Tinext mo'ko eh, syempre magrereply ako!
Sent: 7:41pmTrex
Uyyyyyy!
Received: 7:41pmTo: Trex
Mag-aral ka na, wag ka puro landi!
Sent: 7:42pmTrex
Sino may sabing nilalandi kita? Ang assuming mo naman
Received: 7:42pmNag-init ang pisngi ko dahil sa reply niya."Bwisit" nai-usal ko saka pabatong inilipag ang cellphone ko at niligpit ang gamit. Ewan ko ba kung bakit nung hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman! Eh halos araw-araw na nga kaming magkasama.
Talagang tinotoo niya ang sinabi niya nung hapong iyon, wala siyang palya sa pagsundo at paghatid sa'kin, dito na nga siya nag-aagahan at nag-hahapunan sa bahay. Sabay rin kaming nagla-lunch kasama sina Aira at Martha, sa uwian naman ay dideretso kami doon sa gilid ng kalye para kumain ng street foods pero hindi namin inaaraw-araw ang pagkain 'non dahil makakasama sa health namin. Sa ibang araw ay sa mga kainan malapit sa DLSL kami tumatambay.
Mahigit dalawang buwan na naming ginagawa iyon, araw-araw.
"Ate kakain na!" mabilis akong lumabas ng kwarto atsaka nakisalo sa hapag-kainan.
"Kailan ang exam niyo, Alli?" maya-maya'y tanong ni papa.
"Bukas na 'ho"
"Ilang araw naman iyon?"
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Teen Fiction(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...