Alliyah
Hindi ako nakatulog sa kakaisip kagabi. Natulala na lamang ako habang hinihintay ang pagdating ng liwanag. Tuloy alas sinko palang nakaluto na ako ng agahan. Nakakain na at handa nang pumasok bago mag alas syiete.
"Saan ka galing kagabi?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang malamig na boses ni mama. Magpapaalam na sana ako ng naunahan niya akong magsalita.
"P-po?"
"Alas nuebe na ng gabi lumabas ka pa. Saan ka pumunta?"
Ilang beses akong napalunok. Paanong nalaman niya? Maingat akong lumabas kagabi para hindi sila magising. Naglandas ang paningin ko sa mukha ni mama para alamin ang reaksyon niya. Kahit wala akong nakikitang galit hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
"Kina T-trex, mama," alanganing tugon ko.
Huminga siya ng malalim na para bang pinagpapasensyahan ako.
"Hindi kita pinagbabawalang sumama kay Trex, Alliyah, kahit saan pa kayo pumunta. Pero huwag naman sanang ganitong gabi na tapos hindi ka pa magpapaalam,"
"Sorry po," mahigpit na pinagsiklop ko ang mga kamay para matigil ang panginginig ng mga ito.
"Anong bang ginawa niyo na hindi niyo na naipagbukas?" matigas ang ekspresyong sambit niya.
Nanlaki ang mata ko, nanuyo ang lalamunan dahil sa tanong na iyon. I suddenly feel guilty.
"Mama, may pinag-usapan lang kaming dalawa! Umuwi rin naman po ako kaagad," napangiliran ako ng luha. Hindi ko kakayanin kapag may iisiping hindi maganda sa'kin si mama.
They are always proud on how they raised me. Minsan nga ako na lamang ang nahihiya kapag ipinagmamalaki nila kung gaano ako kabuting anak. Kapag ipinapakita nila ang card ko na naglalaman ng matataas na marka, kapag sinasabi nila sa ibang tao kung gaano ako karesponsableng anak.
Kaya paano ko ito nagawa? To go beyond my limits and do the things that could disappoint my parents.
Kahit maliit na pagrerebelde lang iyon, magiging malaki parin ang impact niyon dahil sa taas ng expectations nila sa'kin. Hindi lang ng mga magulang ko kundi pati ng mga kamag-anak ko.
Wala sa sarili kong nilakad ang kanto namin para muling mag-abang ng sasakyan. Hindi ko na hinintay si Trex, ayoko muna siyang makita dahil panigiradong magugulo na naman ang utak ko.
Sa mga nagdaan na oras para akong dahon na nililipad ng hangin. Wala ako sa sarili. Dahil na rin sa kawalan ng tulog at mga bagay na gumugulo sa'kin.
Hindi ko naproseso sa aking utak ang mga tanong ng panels kaya hindi ko iyon nasagutan ng maayos. Ni hindi ko nga matandaan ang mga pinanggagawa ko.
I didn't expect this from you, Miss Lazaro. You are one of the most brilliant students here.
Tanging ang mga katagang 'yan galing kay Dean ang nagpabalik-balik sa aking utak. I hate myself for being weak, for being too sensitive. I hate how obsessed I am in overthinking. Tuloy kahit maliit na bagay ay nagiging malaki sa'kin. Pakiramdam ko kaunting mali ko ngayon apektado ang future ko.
Kaagad akong umalis ng DLSL nang matapos ako sa pre-defense. Dire-diretso ang lakad ko patungong gate, iniiwasang may makatagpuan ng paningin. Nagdalawang isip pa ako kung uuwi ba ako o hindi. Sa huli natagpuan ko ang sariling nakaupo sa loob ng burger shop na madalas naming tambayan noong high school.
Ayokong umuwi dahil alam kong susundan ako ni Trex sa bahay. Hindi ako handang makausap siya. He almost forced me. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba, dahil hindi na ako mapapanatag kapag kasama siya, kung ganoong maaring may ibang iniisip sa'min si mama.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Fiksi Remaja(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...