Trex
Bakas talaga ang hiya at pagkailang sa magandang mukha ni Alliyah at nag-eenjoy akong panoorin yun.
Nakayakap siya sakin buong byahe at mukhang wala siyang kamalay-malay dun. Nagulat pa'ko ng bigla siyang yumakap sakin kanina na isinawalang bahala ko naman dahil baka natatakot lang siyang mahulog.
"Thank you nga pala-"
"Alliyah!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng sigaw na yon, isang magandang babae na sa tingin ko 'y nasa 40's ang nakatayo sa pintuan ng bahay nila, palipat-lipat ang tingin nito samin ni Alliyah habang may nang-uuyam na ngiti sa labi.
"Ma," mahihimigan ang kaba sa tono ni Alliyah ng banggitin niya yon.
Nakahawak pa sa baywang na lumapit samin ang nanay ni Alliyah. Napapalunok naman ako dahil sa kabang naramdaman ko, first time kong haharap sa magulang ng isang babae. Kahit pa wala akong dapat na ikatakot dahil wala naman kaming relasyon ni Alliyah at nagmagandang loob lamang ako na ihatid ang anak niya.
"M-ma s-si T-trex nga pala c-classmate ko."
"G-good afternoon po." bati ko na bahagya pang yumuko para magbigay galang sa ginang.
"Magandang hapon rin." nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang malumanay na tinig ng ginang.
"Classmate mo lang ba talaga siya, nak?" nanunukso na ang tinig nito.
"Opo, ma. Ano bang gusto niyo?"
"Naninigurado lang, nak." sagot ng ginang na nasaakin parin ang paningin, para siyang namamangha at di makapaniwala sa nakikita niya.
Ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo?
"Ah, Trex, salamat sa paghatid, pasensya narin sa abala."
Dumapo kay Alliyah ang paningin ko, napangiti ako ng makitang naiilang na naman siya.
"Wala yun." nakangiting sagot ko pagkatapos ay bumaling ako sa ginang para magpaalam. "Alis na po ako anong oras na rin po kasi."
"Naku, hijo! Dito ka na maghapunan tamang-tama nakapagluto nako."
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko kung paano nataranta si Alliyah sa sinabi ng nanay niya.
"Nakapagluto kana, ma?!" animong gulat na gulat na anas niya.
"Oo, ano bang nakaka-gulat dun?"
"A-akala k-ko k-kasi,"
"Sige na pumasok na kayo sa loob nandyan na papa mo."
Bumalik ang kaninang kaba ko sa kaalamang makakaharap ko ang papa ni Alliyah. Nagkatinginan kaming dalawa at bakas sa mukha niyang di siya sang-ayon sa gusto ng mama niya.
"Ma! Uuwi napo yang si Trex dahil baka gabihin siya sa daan." naghehesterikal na pigil niya sa ginang ng akma itong papasok sa bahay nila.
Bahagya akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung concern lang ba siya o ayaw niya talaga akong makasama at naiinis ako dahil pakiramdam ko ay yung huli ang dahilan.
"Walang kaso yun dahil may motor naman siya, hali na kayo madilim na dito sa labas."
Pagtatapos ng ginang sa usapan pagkatapos ay tumalikod na at pumasok ng bahay. Naiwan naman kaming dalawa ni Alliyah na hindi malaman kung susunod ba o ano.
"Okay lang ba sayo?" biglang tanong niya kaya napaharap ako sa kaniya.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot mukhang wala na rin naman kaming magagawa kundi sundin ang nanay niya.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Подростковая литература(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...