Alliyah
Nagpapasalamat ako dahil natigil rin sila sa pang-aasar, pero batid kong di parin sila kumbinsido na wala lang ang nakita nila, sadyang natakot lang talaga siguro silang mapalayas sa cottege.
"Ang laki nitong cottege, Trex, magkano renta nito?"
"500 lang." sagot ni Trex habang nagbabalat ng hipon.
Natakam ako bigla pagkakita ko ng hipon sa plato niya pero ayokong magbalat kaya binalingan ko ang katabi kong si Irene.
"Hoy!" tawag ko sakanya
"Ano?"
"Pagbalat mo nga 'ko ng shrimp, please." nag beautiful eyes pako sakanya.
"Bakit di ikaw ang gumawa, ikaw naman kakain?" mataray niyang sagot habang subo ng subo.
"Ayokong magkamay kaya ikaw nalang tutal nagkakamay ka naman."
"Ang arte mo naman, ang dami-daming tubig sa dagat maghugas ka nalang dun pagkatapos!" sigaw niya.
Tinakpan ko naman ng mga kamay ko ang plato ko dahil tumatalsik ang mga pagkain mula sa bibig niya.
"Ang salaula mo naman!" sigaw ko rin. "Sige na pagbalat mo na'ko kahit dalawa lang."
"Ang dami naming kaibigan mo sila ang utusan mo, busy ako!"
"Mabulunan ka sana!" singhal ko
"Oh,"
Babaling na sana ako sa iba kong kaibigan ng biglang lagyan ng nabalatan ng hipon ni Trex ang plato ko. Sandali pakong natulala sakaniya bago naka-react.
"Sayo 'to, eh." sabi ko, nag-aalangan
"Sayo na." nakangiting usal niya saka ipinagpatuloy ang pag-kain.
Umugong ang panunukso ng mga kaibigan namin ngunit parang balewala lang yun kay Trex, di ko naman malaman ang magiging reaksyon sa ginawa niya. Nanatili parin akong nakatingin sakanya sa kabila ng panunukso nila, patuloy lang siya sa pag-kain na para bang wala siyang ginawa na bago sa paningin ng lahat. Kung tutuusin ay napaka simple lang naman ng ginawa niya pero di ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Hindi ko alam kung friendly lang ba siya o sweet lang talaga siya makitungo sa isang kaibigan.
Nagkibit balikat nalang ako at walang pinansin ni isa saka ipinagpatuloy ang kinakain, OA lang siguro ako kaya binibigyan ko ng kahulugan ang mga actions ni Trex na parang wala lang naman sakanya.
Nang matapos kaming kumain ay sumulong na kami sa ng mga kaibigan ko sa dagat naiwan naman ang apat na lalaki sa cottege dahil magpapatunaw pa daw sila ng kinain.
Ang arte lang.
Di na'ko nag-abala pang magpalit ng panligo kung ano ang suot ko papunta dito ay yun na yon.
Maong high waisted short and sleeveless cropped top.
Nang hanggang dibdib na namin ang tubig ay huminto na kami sa paglusong.
"Ang sarap ng tubig!"
"Maalat kaya."
"Hahahahaha!"
Nagdaldalan na naman ang mga tropa ko at di ako makarelate kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtanaw sa langit at sa pag-iisip habang nagflo-float.
Two weeks from now ay graduation na namin, after four years ay aalis na rin ako sa high school at sisimulan ang college life. Masaya ako na kinakabahan, di ko alam kung kakayanin ko ba ang kurso na gusto ko o kung mapapanindigan ko ba ito. Hindi rin nakatulong ang pressure na nararamdaman ko, nakatatak na kasi sa isipan ko na dapat makapag-tapos ako at maging successful dahil ako ang panganay at ang inaasahan ng mga magulang ko. Natatakot akong mabigo ang mga taong nasa paligid ko kaya habang tumatagal ay na pre-pressure ako.
BINABASA MO ANG
DLSL Series #1: A Perfect Choice
Fiksi Remaja(COMPLETED) Alliyah Cassielle Lazaro is a simple girl who's living a happy life. Walang araw na dumaan ng hindi siya tumatawa, bakit naman kasi hindi? she have a complete happy family and true loving friends. Amidst the pressure and responsibilities...