Chapter 3

142 41 5
                                    


Alliyah

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang maliit na burger shop malapit sa school namin. Dito kami madalas tumatabay tuwing uwian, bukod kasi sa comfortable ang place affordable pa ang mga pagkain.

"Hoy! Kahit na hindi na tayo magkakasama sa college best friends parin tayo ha?" madamdaming saad ni Shandy.

"Oo naman, kahit saang lupalop pa tayo ng mundo best friends parin tayo." si Nica habang kumakagat ng fries.

"Wag nga kayong OA!" parang nandidiring sabi ni Alice. Ganyan yan kababaeng tao hindi emotional.

"Oo nga, dito rin lang naman sa Batangas tayo mag-aaral different school nga lang kaya magkikita pa rin tayo." Sang ayon sakanya ni Alex sabay kagat sa burger niya.

"Hoy, Alliyah! Kanina ka pa walang kibo diyan!" sigaw ni Shandy sakin sabay tapik pa ng balikat ko.

Nanunuksong napatingin naman sakin si Irene.

"Ikaw ah!Sinong iniisip mo?"

"Si Trex." wala sa sariling sagot ko nagulat naman silang lahat. Maski ako rin ay nagulat sa lumabas sa bibig ko.

"Uy ikaw, ah!"

"Crush mo pala si Trex, ah."

"Si Trex pala, ah!"

"Ayyiii!" tukso nila habang sinusundot sundot ako sa tagiliran.

"Ano ba!" sigaw ko habang pinagpapalo ang mga kamay nila.

"Pag-iniisip crush na agad?!" singhal ko sakanila tumigil naman sila sa pagsundot saakin pero nanunukso parin ang tingin nila.

"Eh bakit mo ba kasi siya iniisip?" nakataas ang kilay na tanong ni Irene.

"Kasi crush mo siya!" ibubuka ko palang sana ang bibig ko para mag salita ng maunahan ako ni Alice.

"It's not like that okay.." mahinahong sabi ko.

"Wow! english!"

"Iniisip ko siya kasi nahihiwagaan ako sa presensya niya!" sigaw ko para matigil na sila sa mapanuksong tingin nila.

"Nakayapak at nahihiwagaan..." biglang kanta ni Alex kaya nasapo ko ang noo ko. Nagtawanan naman ang mga ulikba.

Hindi mo sila makakausap ng matino Alliyah tanggapin mo na..

"Anong ibig mong sabihin?" biglang takang tanong ni Nica kaya napatigil naman sila sa kakatawa at napatingin sakin.

"Diba apat na taon na tayong magkaklase lahat? Lahat ng classmate natin kilala ko na, halos memorize ko na nga mga kilos nila eh. Pamilya na turingan natin at ayaw ng magkawatak watak." mahabang paliwanag ko at nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nila.

"Asan si Trex don?" takang tanong ni Alice.

"Yun na nga e sa apat na taon nating magkakasama kailan man di ko napansin si Trex." salubong ang kilay na sabi ko habang nakatingin sa juice ko.

"Possible ba yun? Wag ka ngang talkshit!" di makapaniwalang anas ni Irene.

"Kaya ba nagulat ka kanina ng marinig mo surname niya?" tanong naman ni Shandy.

"Oo. kanina ko nga lang siya napansin talaga, kahit ako nga di makapaniwala kung bakit ngayon lang. Kung di pa kami naging partner makakalimutan ko ng nag-eexist siya." paliwanag ko pa nakuha ko naman ang interest nila.

"Pero aware ka naman na classmate natin siya?"

"Oo naman, pero alam niyo yun? Di talaga siya nahahagip ng paningin ko kahit pa nasa malapit lang rin siya." sagot ko sabay kagat ng fries.

DLSL Series #1: A Perfect ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon