This chapter is for you!! owiieeee
._.
Hawak ang dibdib ko at sunod-sunod na saldak na hininga ang ginawa ko ng mahinto ako sa pagtakbo sa harapan ng gate ng iskuwelahan.
"Magbabayad naman ako!" Malakas ma sigaw at padyak ko sa sahig ng dahil sa inis ko sa jeep na hindi ako pinasakay kanina dahil sa natapon kong siomai. "Hindi ka sana magkaroon ng pasahero."
Pumasok ako at ipinakita sa guard ang ID ko saka taas noong pumasok sa room. Ang init! Itinali ko ang buhok ko.
"Ms. Dizon? You're 2 minutes late." Mahinanong sabi ng maestra namin.
"Sorry Miss." Iwisnasiwas lang ng maestra ang kamay niya sumisimbolo ng pinapaupo niya na 'ko. Lahat ng kaklasi ko ay nakatingin sa 'kin.
Umupo ako sa upuan ko at inilabas ang mga notebook ko ng may bumulong sa 'kin mula sa likod ko.
"You're sweating. Did someone fucked you again?" Binaliwala ko 'yon at nagsulat ng kung ano-ano sa notebook ko. "Ang landi kasi." Mahina akong natawa at humarap sakaniya.
Nanlaki ang mga mata niya at napalayo ng kaunti sa 'kin. "Atleast hindi kasing landi mo." Matamis akong ngumiti at seryosong tumunoon sa pag-aaral.
Napaswerte nga naman ng araw na 'to.
Nang matapos ang buong lesson ay nag-ingay na ang bell. Kaya kanya-kanyang ayos at punta nakami sa mga kaibigan namin. Pero ako, mag-isa akong dumiretso sa canteen at kumain ng lunch, ayos na sana ang tahimik kong pang-nguya ng pumasok si Jack habang sinisigaw ang pangalan ko.
Mariin akong napapikit at masama siyang tinignan.
"Hi pretty!" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Ilang bola-bola kinain mo?"
Naglapat ang labi niya at inalis ang pagkakaakbay at nagsalukbaba sa lamesa.
"You're road."
"Atleast maganda ako." Sagot ko sakaniya, nagkunwari naman siyang nasusuka kaya agad ko siyang pinalo. Habang masaya kaming nag-uusap biglang nagopen ang mga speaker at nangibabaw ang boses ng Dean na pangalan ang tinatawag ko.
Tumayo ako at naglakad papunta sa Dean's office, nagbubulungan ang mga istudyante na hindi ko pinansin. Inayos ko ang ID ko at pumasok ng opisina.
"Dean?"
"What did you do to Lira?" Umuusok ang tengang tanong niya. Nangunot ang noo ko at umiling.
"Dean? Wala naman po akong gagawin don." Paliwanag ko.
"You made fun of her! Look at this!" Inilahad niya ang isang poster ni Lira, maraming sulat 'yon sa mukha niya. Umiling ako at lumunok.
"Hindi p-"
"Stop with the lies, Ms. Dizon!" Napahawak ako ng mahigpit sa ID ko habang nakapikit. "Get out." Yumuko ako at lumabas ng opisina ng principal.
"Aww." Napatingin ako kay Lira na naka-abang sa hallway, bumuntong hininga ako at nilampasan siya. "Is it fun?"
Nangunot ang noo ko at tumingin pabalik sakaniya. "Ahh. Yeah, kinda."
Tumaas ang gilid ng labi niya sa sinagot ko, mabilis siyang naglakad palapit sa 'kin. Humarap ako ng tuluyan sakaniya at ipinasok ang isang kamay ko sa bulsa ng palda ko at ang isa naman ay nakahawak sa bag ko habang hinihintay ko siyang makalapit sa 'kin. Mataas si Lira kaya kailangan kong tumingala ng kaunti, maganda siya, maputi, mayaman at matalino, kaya lang, kulang sa manners.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
General FictionIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...