._.
MATAPOS ang mahigit dalawang oras na pananahi sa sugat ko ay tuluyan na'yong nasara, may benda rin akong nakabalot sa likod hanggang sa kamay ko na nakapalibot din sa leeg ko, bumuntong hininga ako at umiling.
Hawak ni Caleb ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Miquel, hindi na'ko nagpakwarto dahil ayoko ng maraming gastos.
"Your kuya is on the way." Bulong niya ng nasa harapan nakami ng kwarto.
"Ang sabi niya mamayang gabi pa siyang darating?" Tanong ko, tumingin siya sa'kin at umiling.
Pagkapasok na pagkapasok ay malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ko. Nanigas si Caleb sa kinatatayuan niya at nakatitig lang sa'kin na napatingin sa kanan.
Nagugulat kong hinawakan ang pisngi ko at dahang-dahang tumingin kay Mama, mabilis ang paghinga niya at galit na tumingin sa'kin.
"Ma'am-"
"Manahimik ka!" Agad na putol niya kay Caleb, agad naman tumiklop si Caleb at nanahimik habang ako ay nakatitig lang sakaniya habang dinadama ang hapdi ng pisngi ko. "Ano bang pumasok sa kokote mo para dalin sa malalim na parte ng dagat si Miquel?! Ha?!"
Sarkatismo akong tumawa at umiling.
"Ma, hindi ko siya dinala don. Nagbanyo-"
Pero naputol ang sasabihin ko ng isa pang sampal ang natamo ko, sa pagkakataon 'yon ay hindi na'ko tumingin sakaniya at tumitig nalang sa painting na nakasabi sa wall.
"Bakit napaka irresponsable mo, Demi!" Sigaw niya.
Lumuluha ko siyang tinignan.
"Irresponsable? Ako? Kailan pa, Ma! Kailan ako naging irresponsable, Ma? Kailan?" Mahinahong sagot ko, nanlaki ang mga mata niya at tuluyang namula ang mukha.
"Sumasagot kana?! Marunong kang sumagot ngayon?! Oo, Demi! Irresponsable kang anak! Ni pag-aalaga ng bata ng maayos ay hindi mo magawa. Anong silbi mo!." Pasigaw niyang sinabi lahat sa'kin na tila pinapamukha na wala akong silbi, huminga ako ng malalim at umiling.
"Ma! Buong buhay ko sainyo ako dumidikit kasi nga Nanay ko kayo, ni isang exam wala akong natatake dahil inaalagaan ko kayo kasi palagi kayong lasing!" Hagulgol kong sagot. "Pero nagreklamo ba'ko? Hindi diba!"
"Pera ko ang pambayad ng mga utang niyo! Pera ko yung pambayad kapag nakukulong kayo! Naaksidente ako, pero hindi kita nakita sa tabi ko! Namatayan ako, ni pananahan mo hindi ko naramdaman!" Pinunasan ko ang pisngi ko at tumingin sakaniya. "Irresponsable mang tignan, pero, Ma. Ginawa ko lahat para sa'yo, pero hindi ko naramdaman yung pagmamahal ng Ina mula sa'yo." Nagmamakaawa kong dagdag, natahimik siya matapos kong sabihin ng lahat ng 'yon.
"Sino ba siya, Ma? Sino ba si Miquel para mabaliw ka ng ganito sa pag-aalala?" Tanong ko.
Humawak siya sa beywang niya at tinuro si Miquel at tumingin sa'kin.
"Anak ko siya, Demi. Tinuring ko na siyang anak-"
"Putangina, Ma! Anak mo rin po ako!" Malakas kong sigaw at putol sa sasabihin niya. "Anak mo'ko! Anak mo'ko." Paulit-ulit kong sabi habang iniiyak sa palad ko ang loob ko...
"Kung manunumbat kalang hindi ko kailangan 'yon." Umiiyak akong tumawa ng sinabi niya 'yon.
"Hindi ako nanunumbat! Nangungulila ako, Ma." Agad kong sagot. "Gustong-gusto kong maranasan maging anak mo!"
"Hindi kita gusto!" Malakas na sigaw niya. Agad naman akong hinawakan ni Caleb sa kamay ko ng maramdaman kong matutumba ako, gumalaw ang labi ko dahil sa hindi maintindihang sakit na nanakal sa'kin.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Narrativa generaleIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...