.2

208 64 10
                                    


Chapter for: msbarsabal

._.

Wala akong ibang ginawa kundi ang mag-aral habang nandito ako sa Bohol, minsan rin naman tumatawag si Kuya para kumustahin ako, tapos tatawagin ko si Mama pero hindi naman siya sumasagot.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok doon.

"Oh?" Pagbukas ko, buntong hininga naman ang isinagot sa 'kin ni Roge.

"Tara Inom." Nangunot ang noo ko't tumango sakaniya. Lahat kaming magkakaibigan ay komportable kay Roge, mabait, magalang at napakapalakaibigan. Tinuring narin naming kaibigan simula ng maging sila ni Ava, pero nagloko ngalang.

"Anong trip mo?" Tanong ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa malapit na bar dito sa hotel.

"Wala, just want to drink." Ngumiti siya saka nangunang pumasok sa bar bago ako. Nasa isang parte kami ng bar na maraming tao, umuroder siya ng dalawang bucket ng beer, umiinom ako pero hindi kasing agresibo nitong kasama ko, tatlong bote ang nakabukas at ininom niya 'yon isa-isa. Isang lagok sa isa, at isang lagok ulit sa dalawa. Napailing ako at tumayo para pumunta ng banyo.

"Jusko, bakit ba 'ko sumama dito." Mariing bulong ko habang naghuhugas ng kamay, perp nahinto ng may makita akong babaeng nagkakanda hirap sa pag-alis ng takong niya.

Bumuntong hininga ako at lumuhod sa harap niya't inalis ang takong niya.

"Thanks." Then she left. Umiling lang ako at bumalik na sa lamesa pero nataranta ng hindi na makita si Roge.

Putong ina, wala akong pambayad dito!

Hinanap ko sa iba't-ibang parte ng bar pero hindi ko siya nakita. Ibang lalaki ang nakita ko, nanlisik ang mata ko ng makitang si Caleb nanaman 'yon.

Bakit ba kung nasaan ako'y nandoon siya.

Tumalikod ako at tutuloy na sana sa paghahanap kay Roge ng may humawak sa pulsuhan ko.

"What are you doing here?" Malakas niyang tanong dahil sa malakas na sounds. Pabagsak kong inalis ang kamay ko at tumalikod.

Halos mag-iisang oras na'kong naghahanap pero hindi ko nahanap si Roge.

Pero nahinto ng makitang kasama niya si Caleb habang nasa bar counter at parehong umiinom. Lumapit ako't tinapik si Roge.

"Umuwi nakaya tayo. Magrereview pa'ko." Naiinis kong sabi kay Roge. Tumingin naman si Caleb sa 'kin.

"You two know each other?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Caleb at mariinig tumingin kay Caleb.

"Hindi ako sumama dito para maging tagahatid mo kapag nalasing ka, Roge." Naiinis na sabi ko. "Sumama ako dito dahil gusto ko ring uminom!"

Pero tumayo lang siya at tinapik sa balikat si Caleb...

"I want to talk to her again, bud." Saka siya pagewang-gewang na bumalik sa upuan at doon biglang umiyak at paulit-ulit ja bukambibig si Ava. Napailing ako at kinuha ang cellphone ko saka idenial ang number ni Ava.

"Yes?"

"Si Roge, naglalasing. Ikaw ang bukambibig."

"What? Sige." Pagkatapos niyon ay pinatay ko na ang tawag at naiinis na tinitigan si Roge ng bigla may tumulak sa 'kin.

"Puta, ano ba?"

"Opss, get of the way slut." Nanlaki ang mata ko at pepektusan na sana ang babaeng tumulak sa 'kin ng mag-ingay nanaman si Roge sa gilid kaya tumingin ako sakaniya.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon