.17

182 48 10
                                    


.-.




"Ano ba!" Natatawang suway ko kay Nikolle nang pilit niyang hinaharangan ang cabinet ko. Nakangiti akong napangiti at umupo sa higaan ko at tumitig sakaniya. "Nikolle, kailangan ko ang gamit ko. Maaga pa bukas ang byahe ko."

Umiling siya habang umiiyak at nilundagan ako para yakapin dahilan para mapahiga kami sa kama. Isiniksik niya ang sarili sa leeg ko habang umiiyak parin. Ramdam ko ang hinok niya habang dagan ako. 

"Pwedi naman na magstay nalang dito. Ayokong maiwan." humihikbi niyang sabi sa'kin habang isinisiksik parin ang ulo niya sa leeg ko. "Babalik ka diba? Hoy Demi! babalik ka diba?" Tumingin siya sa'kin at umiling habang namumula ang mga pisngi at namamaga ang mga mata. Napangiti ako at tumingin kay Zeihl na umiiling sa gilid saka ko siya sinenyasan na ilayo si Nikole sa'kin. 

Lumapit siya sa'kin at agad na kinuha ang braso ni Nikolle na dahilan para mapalayo siya sa'kin at maimpake ko ng maayos ang gamit ko...

Humihikbi parin siya kahit na tumigil na siya sa pagpigil sa'kin. Nandito lahat sila maliban sa pinakamatalik na kaibigan ko. Gusto ko siyang hintayin pero alam kong hindi siya pupunta, alam kong galit parin siya pero yon talaga ang plano ko. Ang galitin siya para hindi ako mapigilang umalis dito sa Maynila. 









"Nikolle, tahan na." Hinawakan ko ang pisngi niya saka tinuyo ang basang pisngi niya. "Ano ba, babalik naman ako eh." 

"Kailan? parang tanga tong babaeng 'to. Pwede ka namang mag-aral dito eh." Naramdaman ko ang hawak ni Kuya sa kamay ko saka niya kinuha ang bagahe ko. Umiling ako at binitawan siya saka inilukas ang bracelet ko. 

"O  ayan ha, para hindi mo'ko mamiss, atsaka may internet naman." Natatawa kong sabi sakaniya dahilan para lumapit sakaniya ang ibang kaibigan at akapin siya. Ngumiti ako ng magsimula sila sa group hug. Pinunasan ko agad ang luha ko at ngumiti sakanila bago magpatianod sa hawak ni Kuya para sumakay na sa bus. 

Pagkatalikod ay doon ko naramdaman bawat patak ng luha ko, hinawakan ko ang bibig ko para pigilan ang iyak saka huminga ng malalim at naupo sa pinakadulo ng bus at sa tabi ng bintana at nakangiting kumaway sakanila. Sumandal ako at pumikit ng mariin dahil sa wakas ay makakalaya ako sa lugar na nagbigay ng sakit sa'kin. 





















That last goodbye turned out to be my most favorite of my life...

"That was a good story, Mama." Tila namamanghang sabi ni Addy sa'kin habang nakahawak sa mga kamay ko. "How did you and tita Ava got bati?" Natawa kong hinawakan ang pisngi niya. 

"Just like what I told you yesterday. Nagkita kami ulit ng nakagraduate na'ko." Tumayo ako at lumapit sa Anak ko at hinayaan na siyang maglaro sa damuhan saka ako pumasok para kumuha ng pagkain. Matapos kong maihanda ang pagkain ay agad kong dinala kay Addy 'yon pero nagugulat akong napatangin sakaniya ng nagtatakbo siya sa kabuoan ng hardin.

"Addy!" Agad kong sigaw sakaniya dahil muntik na siyang madapa, agad akong lumapit sakaniya para kargahin siya... "Why did you do that?" Alam kong hindi siya sasagot kaya bumuntong hininga nalang ako. Kinuha ko naman ang bimpo na nasa balikat ko at pinunas sa noo niya na puro pawis. 

Inilapag ko siya sa papag sa gilid ng maliit na fountain. Saka nilinis ko ang mukha niya na mayroong konting dumi. Saka siya pinagpagan. 

"Mama!" Napangiti ako ng ipakita niya sa'kin ang doll niya na halos hindi niya bitawan. Binili 'yon ni Jack at kuya, pinagawayan nilang dalawa 'yan dahil sa kung sino ang bibili at magbibigay kay Addy. "Pretty."

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon