.20

109 41 8
                                    


._.




"Napapraning ka lang." Natatawang sabi ni Jack habang inaayos ang mga pinggan.

"Hindi ko rin alam." Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at naglakad papuntang sala at saldak na naupo. "Anong oras na ba?"

"Alas singko. Malapit nang dumating sina Caleb." Nakatalikod na sagot ni Jack sa'kin. Huminga ako ng malalim at humiga sa sofa at pumikit.


Nagising ako ng maramdaman ang mga maliliit na kamay sa mukha ko, nagmulat ako at biglang natawa ng makitang tila nagtatanong ang itsura ni Addy habang kinukurot ang pisngi ko.

Agad akong naupo at mahigpit na niyakap ang anak ko at pinugpog ng halik dahilan para mapuno ng maliliit at nakakahawang tawa ang buong bahay.

"Hello Demi." Napatingin ako sa pinto at napatayo nang makita sina Caleb at ang pamilya niya. I smiled then welcome them.

"Malapit ng maluto 'to." Sigaw ni Mama dahilan para tumakbo si Addy sa kusina at niyakap sa beywang si Mama. "Addy, mapapaso kang bata ka." 

Natawa ako at tumingin kina Caleb na tinitignan ako, ngumiti ako at isinara ang pinto at binuksan ang aircon para hindi sila mainitan. 

"I'm sorry po, wala pa kasi talaga akong tulog." Paumanhin ko dahil nadatnan nila akong natutulog kanina. 

"It's fine Dear," ngumiti ako at kumuha ng baso at tubig at isang juice saka dinala iyon sa dining area. Saka na sila tinawag dahil saktong tapos na sa pagluluto si Mama. 







Masayang nagtatawanan ang buong pamilya dahil sa mga biro ni Miquel at Jack, sumali pa sa katarantaduhan ng dalawa si Caleb dahilan para umingay ang buong hapunan. 

"Hoy, may bata dito!" suway ko sa tatlo ng pag-usapan nila ang ang kadugyutan. Nakikijoin naman ang matatanda kaya tuloy-tuloy parin sila. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Addy na tahimik lang sa upuan nito. 

Nagtataka kong iniangat ang mukha niya at nagtatanong na tinignan siya. 

"Ma-ma. I can't breath." Nangunot ang noo ko ng mabitawan niya ang teddy bear at humawak sa dibdib niya. "M-mama.."

Nakaramdam ako ng takot nang mag-umpisa siyang umiyak habang kinakabog ang dibdib niya. 

"Addy!"  mahigpit ko siyang niyakap at nangangalgal na tumingin kay Caleb na lumuhod para kunin si Addy at agad na isakay sa kotse. 

Hindi ko naramdaman ang mga luhang kanina pa kumakawala sa mga mata ko dahil sa wala akong ibang inisip kundi ang mga tinig ni Addy habang umiiyak siya kanina sa dining table. Pasaldak akong bumuntong hiningi at mas hinigpitan ang yakap kay Addy. 

"Drive faster Caleb!" 

"I'm trying okay!" Napapikit ako at hindi na tumigil sa pagiyak ng maramdaman ko ang mga kamay ni Addy na humawak sa kamay ko. 

"Ma...ma," Inilagay ni Addy ang palad ko sa dibdib niya at natigil ng maramdaman ko ang hindi normal na pagtibok nito. Umalis ako sa pagkakaupo at lumuhod saka kinuha ang isang unan at inunan kay Addy. "It's fast." 

"When did you..." 

"Last week." Sagot ni Caleb, hindi ako tumingin sakaniya pero ramdam ko ang takot na bumalot sa buong pagkatao ko habang nakatitig sa anak ko na nahihirapan sa paghinga at hawak ang kamay ko. 

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon