._.Waking up with a soft bed and bright sun coming from my window makes me smile. Umupo ako at dumiretso ng inom mula sa baso ng tubig sa side table ko at makalipas ng isang minutong pagtulala sa kung saan ay dumiretso na'ko ng banyo.
Namamaga ang mga mata ko ng makita ko ang sarili sa salamin. Halos buong gabi akong umiiyak ng dahil sa kadahilangan na gusto kong makita ang tatay ko. Totoong pinapahanap ko siya kay Kuya ng dahil sa gustong-gusto ko siyang makita, pero mismong kapatid ko ay parang naiinis kapag binabanggit ko ang salitang 'tatay' hindi naman siguro masama ang hangarin ang kalinga ng tatay, wala na nga kaming natamo sa nanay namin. Wala pa kaming tatay.
Sa isiping 'yon ay pumasok ako ng iskuwela ng nakasalamin, oo. Makapal na shades ang suot ko, binagayan ko naman ng suot ko no, nagsuot ako ng black satin dress with a long puffle sleeves. Hanggang tuhod 'yon at saka nagsuot ako ng black na sandals. Natural na magsuot ng ganitong damit sa eskuwelahang 'to. Masyadong maarte ang mga may-ari. Nagsuot ako ng double gold necklace at hinayaang nakaladlad ang buhok ko. Kinuha ko ang puting sling bag ko saka kumuha ng taxi at nagpahatid sa unibersidad.
"Ma'am, condolence po." Nangunot ang noo ko ng agad sabihin 'yon ng guard sa school.
"Kuya?"
"Ma'am?" Ngumiti ako.
"Gusto mo sabihan din ng condolence pamilya mo?" Naiinis at nangigil na sabi ko.
"Wag naman ma'am. Nakaitim po kasi kayo." Inalis ko ang salamin ko dahilan para lumantad ang namamaga kong mata. "Gets ma'am."
Saka siya ngumiti at binuksan ang gate para papasukin ako, lahat ng istudyante, umpisa sa lower grade at higher grades ay nasaakin ang mata. Nahihiya man ay taas noo akong naglakad sa hallway dahil sa nakasalamin naman ako, saka maganda naman ako kaya ba't ko itatago.
"The fuck are you wearing?" Bungad ni Jack sa'kin. Nakaputi siyang polo na nakabukas ang tatlong buton.
"A freaking clothes, Mr. Jack." Pabagsak akong umupo sa harapan niya at nagsalukbaba.
Lumapit siya at tumitig sa'kin. "Alam ko naman na damit yan Bobo! Ang saakin lang, bat ka nakaitim."
"I'm too sad, Need to wear my happy color-" naputol ang sinasabi ko ng biglaang alisin niya ang shades ko, napaayosn ako ng upo at nakangiwi naman siya. "Akin na nga yan!" Inagaw ko 'yon at muling isinuot.
"You cried again?"
"Hindi, naglaway siguro yung mata ko kaya namamaga no?" Sarkastimong sagot ko.
Napaayos kami ng upo ng dumating na ang mestra, syempre alam ko na ang unang pupunahin. Ako.
"Miss. Demi"
"Yes Miss?" Magalang na sagot ko.
"You look stunning today." Nagugulat at hindi makapaniwala akong tumingin sakaniya.
Anong nakain nito.
"But please, remove those shades." Nakangiti niyang sabi, dahan-dahan kong inalis ang shades ko at nanliit ang matang tumingin sakaniya, ngumiti lang siya pero napukaw ng tainga ko ang sitsitan ng mga kaklase ko.
'Umiyak ba siya?' Hindi, nagswimming siguro.
Bumuntong hininga ako at hinayaang matapos ang lesson ng hindi ko naiintindihan, after 3 subjects, lunch nanamin. Nagtatakha ako sa pagbabago ng pakikitungo ng mga senior teacher at junior teacher sa'kin. Lahat sila ay umaaktong maganda ang pakikitungo, dumiretso ako ng Cafeteria saka agad na dumiretso sa linya pero agad akong binigyan ng space ng ibang istudyante at pinauna ako. Maski si Jack ay takang taka.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Narrativa generaleIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...