.16

156 53 9
                                    

.-.



MATAPOS ng araw na 'yon ay wala akong ibang ginawa kundi ang magreview, pinapagod ang sarili at nililibang para hindi nanaman madatnan ang sariling umiiyak at nakatulala sa gilid. Hindi ko na kayang makitang ganoon ulit ang sarili ko. 

Hinarap ko ang salamin at mabilis na itinali ang buhok ko at naglagay ng pulbos sa leeg ko pero agad kong inilayo sa ilong ko ang pulbos ng maramdaman ko ang pagbabaliktad ng sikmura ko at ng hindi na mapigilan ay patakbo kong pinasok ang banyo at agad na lumuhod sa toilet bowl at dumuwal ng dumuwal. Narinig ko namang pumasok si Shei at hinagod ang likod ko.

"Dumadalas 'yan ah. Hindi na'ko natutuwa." Malamig na sabi niya sa'kin. Nang matapos ako ay inalalayan niya ako para makatayo at makaupo sa sofa saka siya kumuha ng bimpo at tubig. Agad niyang inimo sa'kin ang basang towel at pinainom sa'kin ang tubig. "Two week ka ng duwal ng duwal." Nag-aalaalng dagdag niya habang iniimo parin ako. 

"Sadyang masakit lang talaga ang pakiramdam ko, Shei. Medyo pinapagod ko rin ang sarili ko dahil malapit na ang exam namin, saka para narin hindi na makadagdag kay Mama dito sa bahay." Mahabang dahilan ko sakaniya, saka na ako tumayo at kinuha ang bag ko dahil papasok pa'ko. Ngumiti ako sakaniya saka humalik sa pisngi niya."Don't worry. Ayos lang ako." 









Ngumiti ako at agad na sumakay ng taxi at nagpahatid sa pharmacy malapit sa unibersidad ko at nagmask bago lumabas at nagbayad kay manong driver at lumapit sa babaeng nagsusulat sa loob mismo ng pharmacy. 

"Miss." pinaghawak ko ang palad ko habang tinitignan siya, tinignan niya ako at agad na ngumiti.  

"Yes? what do you need?" malambing na tanong niya. 

Napakali ang kalooban ko at naglakas loob sabihin ang hanap ko. 

"Uhm, Pregnancy test..." Nangangaralgal ang boses kong sagot sakaniya, mas lalong lumaki ang ngiti niya. Napalunok ako at nagpawis palad dahil sa sobrang kaba. 

"Ayos lang 'yan. Mukhang kinakabahan ka ata Misis." napatanga naman ako ng mahina siyang tumawa matapos sabihin 'yon. 

"Ha?" 

"Hindi pa po ba alam ni Mister?" 

"Ahhm...hehe," nauutal man ay tumango nalang ako at napanatag ng tumigil na siya sa pagtatanong at kumuha na ng pt. Huminga ako ng paulit-ulit dahil nalalamon ako ng kaba. At ng maiabot na ay agad kong iniwan ang pera saka na naglakad papasok ng iskuwelahan at dumiretso sa pinakamalapit na banyo. Inilock ko ang pinto ng cubicle at tahimik na ginawa ang dapat gawin. 

Huminga ako ng malalim at inilapag sa maliit na lamesa ang pt sa gilid at tahimik at mabigat na paghinga ko iyong hintayin para sa resulta. 





Umabot ng 2 minuto ang paghihintay ko, at ng sa tingin ko ay handa na ako ay dahan-dahan kong tinignan at kinuha iyon ng nakapikit at paulit-ulit ng huminga ng saldak bago mabagal na binuksan ang mga mata ko. Sa hindi inaasahang resulta ay tila nanghina ako, napahawak ako sa toilet paper holder at ibinalik ng mabilis sa lamesa ang pt at mariing pumikit. 

It's been 2 weeks ng maramdaman ko ang paghihilo at tila pagduduwal pero hindi ko pinansin dahil sa akala ko ay pagod lang ako. Hindi inisip na magiging ganito ang resulta, napalunok ako at nanatiling nakapit habang rumaragasa ang butil ng mga luha ko sa pisngi ko. Tahimik parin ako sa loob ng cubicle at hindi lumabas, hinihintay na matapos ang klasi ko bago lumabas para umuwi. 

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang text ni Shei at muling naiyak.

SheiShei:) 

Eat your food, wag kang magpagod.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon